Chapter 46: Memories

9.2K 318 21
                                    

Ash's POV

Pagkasugod namin kay Aya sa ospital ay tinawagan ko si Butler Kang pati si Lolo

"Hello" bungad niya sakin

"Lolo may masamang balita po ako" sabi ko

"Ano iyon?" tanong niya

"Nasa ospital po si Aya" sabi ko

"Ano?! Bakit? Anong nangyari sa prinsesa ko?" nagpapanick na tanong niya

"Nabaril po siya sa tiyan at kasalukuyan po siyang nasa Operating Room para tanggalin yung bala. Dumagdag din po yung tungkol sa phobia niya sa kulog at kidlat" sabi ko at katulad ng inaasahan

"Sino ang may gawa niyan?" galit niyang tanong

"Beatrice Lopez. Kasalukuyan po siyang nasa police station" sagot ko

"Lopez? Yung baliw na babaeng obsessed sa boyfriend ng prinsesa ko?" tanong niya

"Opo Lolo siya nga po" sagot ko

"Sige pupunta agad ako diyan. Ikaw na ang bahala sa prinsesa natin huwag mo siyang pababayaan" paalala niya

"Opo Lolo" sagot ko at pinatay niya na ang tawag

Bumalik naman ako sa pagkakaupo ko sa labas ng OR hanggang sa lumabas yung doktor

"Kamusta po si Aya?" agad na tanong ni Zach

"Maayos na siya ngayon pero hindi namin alam kung kailan siya magigising dahil may nagtrigger sakanya kaya unti unti niyang maalala yung mga nawala niyang alaala" sabi niya

"Wala kayong kasiguraduhan kung kailan siya magigising?" may bahid ng inis na tanong ni Zach

"Pasensya na po pero hindi namin alam kung kailan siya magigising dahil parang natrauma at nashocked siya sa pangyayari. Nilipat na po namin yung pasyente sa isang private room kaya pwede niyo na siyang bisitahin. Pasensya na po ulit pero kailangan ko ng umalis" sabi nung doktor at umalis na

Tinapik ko naman sa balikat si Zach at inaya na papunta sa room ni Aya

Nakita namin siyang mahimbing na natutulog. Agad namang umupo sa gilid ng kama si Zach at hinawakan ang kamay niya habang sa kabila naman si Hails. Nakapalibot naman kami sa paligid ng kama

"Aya gumising ka na bes. Diba magshoshopping pa tayong dalawa? Bumangon ka na diyan!" sabi ni Hails kaya napatingin kaming lahat sakanya

Nabatukan naman siya ni Josh

"OA mo naman parang mamamtay si Aya di mo ba narinig yung sinabi nung doktor? Okay na daw siya kaso hindi pa alam kung kailan magigising" sabi ni Josh

Tumingin naman ako kay Aya. Kailan ka kaya gigising? May alaala ka na kaya kapag nagising ka? Sana maalala mo na yung dati

                         ~#~

Aya's POV

Nasan ba ako? Patay na ba ako? Eh? Bakit nandito ako? Para akong nasa isang kastilyo dahil may malaking staircase sa harap ko at sa taas ay may nakikita akong malaki at makinang na chandelier

May nakita naman akong isang batang babae na nasa 4 years old na nagmamadaling bumaba sa hagdan

"Aya magdahan dahan ka nga sa pagbaba ng hagdan baka madulas ka" saway naman sakanya ng isang batang lalaki na nasa baba ng hagdan

Medyo magkamukha silang dalawa at mukhang magkaedad lang pero bakit parang may kamukha silang dalawa at Aya? Magkapangalan kami nung batang babae?

"Kuya nandiyan ka na pala. Sabi kasi sakin ni Mommy na dadating daw si Lolo" sabi naman nung batang babae

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon