Chapter 2: Bonding

15.2K 486 43
                                        

Dedicated to my one and only best friend @KnthDeathIsWithYou

Hailey's POV

Hi!! Everyone, ako nga pala ang nag iisa at napakagandang kaibigan ni Ayako, siguro naman ay naipakilala na niya ako sa inyo pero dahil trip ko ay mag papakilala ulit ako.

Ako si Hailey Rose Anderson, 18 years old at Grade 12 dito sa Alcantara University.

Isa akong masayahin, bubbly, maganda, matapang, mabait, mayaman, matalino pero hindi kasing talino ng best friend ko at higit sa lahat madaldal halata naman siguro, no?

K! Tapos na ang introduction back to story na tayo.

Nandito ako ngayon sa tapat ng apartment ni Aya, aayain ko sana siyang magbonding dahil isang linggo din akong wala at saka sabado naman ngayon kaya walang pasok.

*Knock Knock*

Maya maya ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nerd kong best friend.

"Bakit naparito ka, Hails?" tanong niya, Hails ang tawag niya sa akin para isang salitaan nalang daw.

"Bonding tayo isang linggo din akong wala saka sabado naman ngayon, hindi mo ba namiss ang napakaganda mong best friend?" sabi ko at puppy eyes pa para lang pumayag kasi kaya niya akong ipagpalit sa mga libro niya. >_<

Napaisip naman siya at nilagay ang hintuturo sa tapat ng sentido yung tipong nag iisip talaga •~•

'Pls sana pumayag ka' panalangin ko sa isip ko.

"Sige na nga mamaya ko nalang tatapusin ang ginagawa ko, pasok ka muna at maliligo muna ako," sabi niya.

Pumasok na ako at nakadekwatrong umupo sa maliit niyang sofa na parang feel at home.


****

FAST FORWARD

Maya maya ay lumabas siya sa kwarto niya na nakajeans at t-shirt. Hayyy, wala talagang ka-taste taste ang babaeng ito =_=

Tumayo na ako at umalis na kami ng apartment niya then dumiretso na kami sa labas kung saan nakapark ang aking pink Porsche.  ^o^

Sumakay na ako sa driver seat at siya naman sa passenger seat at sinimulan kong ng paandarin papunta sa AZ mall, ang favorite kong mall dahil nandoon na ang lahat. *0*

Nag park lang kami at bumaba, pagpasok namin ay napapatingin ang iba, makakita ka ba naman kasi ng dyosa sa mall eh!

Pumunta kami sa AZ boutique na pagmamay ari din ng may ari ng mall na ito, gets??!!

Naghanap hanap ako ng mga damit habang nakaupo lang si Aya sa likod ko.

*0*

May nakita kasi akong blue dress at tingin ko ay bagay na bagay kay Aya ito, maganda kasi talaga si Aya nagtatago lang sa Nerd outfit niya. Binigay ko sa kanya ito at tinulak siya sa fitting room.

*0* -- >_<

Ganyan itsura ko ng makita ko siya dahil bagay na bagay talaga, nakakatibo pa nga eh!

"Waaahhh!! Aya ang ganda ganda mo!!!"

Pumunta ako sa shoes section at naghanap ng babagay sa dress niya. Kumuha ako ng white flat shoes at ipinasukat sa kanya,

"Perfect!!"

"Sigurado ka ba?" medyo nahihiya niyang tanong.

"Oo maganda ka hindi ka lang kasi nag aayos," sagot ko at nginitian niya nalang ako.

Lumabas na kami sa boutique at pumunta pa sa iba't ibang shop at namili ng kung ano ano. Ayaw pa nga nung una kahit sinabi kong ako ang magbabayad nahihiya daw kasi siya dahil sa dami ng naitulong ko pero napa-oo ko pa rin siya.

Pagkatapos naming magshopping ay pumunta kami sa isang 5 star restaurant at siyempre pihikan na naman ang pagsama ko sa kanya dito.

"Ladies here's your order, enjoy your meal." Sabi nung waiter at umalis na.

"Aya kain na, hindi ka mabubusog kung titingnan mo lang iyan." Sabi ko sakanya, paano ba naman kasi tinititigan lang yung pagkain niya.

"Ito kasi yung nakita kong isa sa pinakamahal na pagkain sa menu kanina." Nahihiyang sabi niya habang inililibot ang tingin sa mga pagkain sa mesa.

"Ano ka ba naman okay lang iyan sa tagal ba naman ng pinagsamahan natin ngayon ka pa ba mahihiya sa akin?" sabi ko. Halos 7 years na rin kaming magbestfriend niyan eh pero hanggang ngayon nahihiya pa din sakin.

"Okay, pero promise ko sayo babawi rin ako sayo kapag natapos ko yung mga bayarin ko, hindi ka pwedeng humindi," sabi niya pa.

"Oo na! Sige na! Hihintayin ko yan kahit gaano pa katagal at saka kahit hindi mo na ako bayaran." Napipilitan ko pang sabi na nauwi din sa pagngiti.

Nakangiti siyang tumango sa akin bilang tugon at nag umpisa na kaming kumain. Habang kumakain ay masaya kaming nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari noong isang linggo kaming hindi magkasama.

Matapos kumain ay inaya ko siyang manood ng sine para sa finale ng bonding namin kasi may trabaho pa siya. Habang namimili ako ng ticket, siya naman ay namiili ng pagkain namin na ipinagpilitan niyang siya ang bibili.

Pagkatapos mamili ay pumasok na kami sa loob at naghanap ng magandang pwesto

"Iyan na maguumpisa na!" excited kong sabi ng makitang mamatay ang mga ilaw.

Tahimik kaming nanonood habang kumakain. Minsan kapag iyakan part napapaiyak din kami, hanggang sa matapos yung movie. Nang makalabas kami ay pumunta muna kami sa iyang pastry shop at namili ng ilang sweets na tinda doon.

"Uhm, Hails, akala ko ba diet ka bakit andami naman nitong binili mo?" may halong pagtatakhang tanong niya sa akin.

"Hahaha, ano ka ba naman, hindi akin iyan para sa iyo yan kasi diba may mens ka ngayon. Alam kong kapag meron ka nagcracrave ka sa sweets ka iyan!" medyo natatawa kong sabi.

Pati date ng dalaw niya nasaulo ko na, sa tagal ba naman naming magkakilala haha. Para na kaming majowa, haha, charr.

Pumunta na kaming parking lot at hinatid ko na siya sa apartment niya. Pagkarating doon ay tinulungan ko siyang buhatin yung mga pinamili ko para sa kanya.

Pagpasok sa loob ay dineretso namin sa kwarto niya yung mga pinamili at umupo muna ako sa sofa niya habang hinihintay siyang magbihis para isabay na siya, wala rin naman kasi akong gagawin sa bahay saka namimiss ko na rin yung mga co- workers niya na ang babait.

Nang matapos siya ay lumabas na kami at sumakay sa kotse ko. Nang makarating sa restaurant na pinapasukan niya ay pumasok na kami sa loob.

"Hailey! Nakauwi ka na pala namiss ka namin." Bungad sa akin ni Ate Vivoree pagkakita niya sa akin. Magsasalita sana ako pero bigla namang sumulpot mula sa kung saan si Daren.

"Oo nga mabuti naman at nakadalaw ka rin dito."

"Siyempre naman namiss ko kayo eh!" sabi ko habang malapad na nakangiti.

Maya maya ay lumabas na rin si Aya pagtapos niya magbihis kaya nagpasya na rin akong umuwi.

"Alis na ako! Hinatid ko lang naman si Aya para makita kayo at saka pakisabi kay Manager Anne namiss ko rin siya."

"Sige ingat ka!" paalam nila. Lumabas na ako at sumakay sa kotse ko then nagumpisa na akong magmaneho pauwi.



*****

Lisa (Blackpink) as Hailey


Thank you for reading!

Hope you liked it! Please leave a vote and comment your thoughts!(~ ̄³ ̄)~

-💜

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon