Aya's POV
Lunes ngayon at kasalukuyan akong nakasakay sa kotse ni Kuya
"Kuya ibaba mo nalang ako diyan sa kanto. Magtataka sila kapag nakita tayong magkasama" sabi ko kaya hininto niya sa tabi
"Sigurado ka ba?" tumango naman ako "Basta mag iingat ka ha?" tumango ulit ako
Bumaba na ako at naglakad na. Umalis na din naman si Kuya
Nang makarating sa school ay nakita kong may mga hawak na parang invitation yung mga estudyante. Ano kaya yun?
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa madaanan ko yung bulletin board. May ilang estudyante ang nakatingin don kaya tumingin din ako
Nagulat ako sa nakita ko. Nakapost doon ang picture ni Zach at Beatrice at nakalagay sa baba na:
Zachary Davis & Beatrice Lopez will have their Engagement Party tomorrow at the Anderson Hotel. 6:30 PM
"Diba siya si Ayako Khan?"
"Yung girlfriend ni Prince Zach?"
"Oo. Nakakaawa naman siya dapat kasi hindi na siya nagassume na tatanggapin siya nung family ni Prince Zach"
Umalis nalang ako doon dahil hindi ko kaya yung mga sinasabi nila. Ayoko ng kinaaawaan. Bakit ba hindi kami pwede? Napakasakit na eh. Bakit kailangan ko pang maranasan ito?
Umupo agad ako sa upuan ko pagdating ko ng room. Katulad sa labas ay tungkol sakin ang usapan nila. Pinilit ko ang sarili ko na wag silang pakinggan at itunuon ang atensyon ko sa pagbabasa
"Wag mo nalang sila pansinin" nagulat ako ng makita si Hails sa tabi ko. Ni hindi ko namalayan na nandito na siya
"Kadarating mo lang?" tanong ko
"Oo at pagkadating na pagkadating ko ay puro usapan tungkol sayo pati nga sa hallway eh. Pinigilan ko nalang yung sarili ko na wag silang pansinin" inis niyang sabi
"Oh anong mukha yan?" sabi ni Nate sabay hilamos ng mukha niya sa mukha ni Hails
"Wala. Nakakainis kasi eh. Mga tsismosa. Bwiset" sabi niya at sinigaw pa yung 'mga tsismosa'
Napatingin tuloy yung mga kaklase namin at nagbulungan ulit. Hindi nagtagal ay dumating na sila Kuya. Nauna lang daw si Nate
"Oh highblood ka na naman" sabi ni Josh pagkaupo niya
"Tse! Wala kang pake!" sumbat ni Hails sabay irap
Sasagot pa sana si Josh pero dumating na si Ma'am kaya nagumpisa na yung klase
Katabi ko parin si Zach gusto daw kasi makatabi ni Hails yung boyfriend niya
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Zach yung kamay ko at pinagsiklop. Wala namang makakakita. Napangiti ako kasi alam kong ako yung mahal niya kahit na may fiancee siya ako parin yung girlfriend na mahal niya talaga. Ano pang saysay kung naging asawa mo nga yung lalaking mahal mo pero hindi ka niya magagawang mahalin dahil may mahal siyang iba
Kahit anong gawin nila ipaglalaban naming dalawa ang pagmamahalan namin. Alam ko na may plano si Zach para bukas kaya magtitiwala ako sakanya
~*~
Lunch ngayon at nasa iisang table kami. Pansin ko na nakatingin si Beatrice mula sa malayong table
Sabi ng Daddy ni Zach ibibigay niya daw ang araw na ito bilang huling araw para samin kaya hindi muna lalapit si Beatrice kay Zach ngayon. Wala namang nagawa si Beatrice dahil tatay na ni Zach ang nagsabi basta daw ba hindi na kami magkikita at maghihiwalay pero alam kong hindi yun susundin ni Zach
"Anong plano niyo para bukas?" tanong ni Hails habang kumakain
"Basta kami na ang bahala" sagot ni Josh
"Ayusin niyo ha? Dapat hindi yan papalpak kasi ayokong makitang umiiyak at nasasaktan yung best friend ko" sabi ni Hails sabay tingin ng masama kay Zach
"Oh bakit? Hindi papalpak to. Promise" sabay taas pa ng kanang kamay niya na parang nanunumpa
"Siguraduhin mo lang"
Kung makapagusap naman ang mga ito parang wala ako dito eh. Nagumpisa na ulit kaming kumain habang nagkukwentuhan sila. Ako? Hindi ko kayang makipagsabayan sa kwentuhan nila kasi iniisip ko ang maaaring mangyari bukas. Natatakot ako.
Biglang hinawakan ni Zach yung kamay ko "Anong iniisip mo? Anlalim eh kaya nakakacurious" sabi niya
"Wala" sabi ko sabay ngiti para hindi niya mahalatang kinakabahan ako
Kumain nalang ako at paminsan minsan ay nakikitawa sakanila ayoko kasing mahalata nila na malungkot ako dahil alam ko na ginagawa nila ito para mapagaan ang atmosphere at para mapangiti ako
Napakaswerte ko na naging kaibigan ko sila kasi hindi na ako nakaramdam ng lungkot na magisa lang ako. Kahit na nandiyan si Hails ay hindi niya parin napupunan dahil madalas din siyang wala dahil nga tinuturuan siyang imanage yung kumpanya nila. Kahit maaga pa ay inihahanda na siya nila Tito. Mabuti nga at napakiusapan niya na kapag college nalang niya ipagpatuloy para daw maenjoy niya yung natitirang high school days niya
~*~
Nang maguwian ay magkakasabay kaming naglakad papuntang parking lot. Hindi nga binibitawan ni Zach yung kamay ko at mas hinihigpitan niya kapag nandiyan si Beatrice at kita ko ang selos sa mukha niya na parang gusto niyang sumugod pero hindi niya ginawa
Hinatid ako ni Zach hanggang sa apartment at hindi muna umalis. Kinain namin yung cookies na binili niya kanina at nanood ng movie. Maaga pa naman para sa trabaho kaya okay lang
Pagkatapos non ay nag ayos na ako at sumakay na kami sa kotse niya
Nakahawak yung isa niyang kamay sa kamay ko habang yung isa ay nasa manibela. Ayaw niya talagang bitawan para namang mawawala ako pero napapangiti parin ako dahil pinapakita niya lang sakin na hindi niya ako iiwan at ipagpapalit
Pagkadating namin sa restaurant ay tumulong siya sa pagpupunas ng lamesa at pagseserve. Susulitin niya na daw dahil bukas ay hindi niya ako malalapitan at iba ang kasama niya. Pinayagan din siya nila Manager Anne para daw mapabilis at dahil napakakulit. Nung una kasi ayaw siyang payagan pero nagpumilit siya ng nagpumilit kaya ayun walang nagawa si Manager Anne
Nakakatuwa na dahil doon ay dumami ang customer makakita ka ba naman ng gwapo na ipagseserve ka ng pagkain at lilinisin yung lamesa mo. Hindi naman ako selosa kaya okay lang basta wag lang nilang hahawakan at aagawin sakin
Nag text sakin si Kuya na susunduin niya nalang ako mamaya kapag nakaalis na si Zach. Alam niya daw kasing ihahatid ako nito hanggang apartment at hindi naman pwedeng sa bahay namin nila Lolo dahil mabubuko kami
Nang magsara kami ay nagkanya kanya na at inihatid pa ako ni Zach pauwi. Ayaw talaga akong iwan hanggang sa makapasok ako sa loob ng apartment ay ayaw umalis kung hindi ko pa pinaalis eh
Sana hindi magbago yung tingin niya sakin. Aish ano ba namang iniisip ko sigurado naman akong hindi niya ako ipagpapalit dahil mahal niya ako kaya nagtitiwala ako sakanya
I trust him
*****
Thanks for reading!!!
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...