Aya's POV
"Magbihis ka muna bago kita ayusan," utos sa akin ni Hails.
Kadarating lang din niya at kasalukuyang inaayos yung mga gagamitin niya. Pumasok ako sa loob ng banyo at nagsimulang mag bihis. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti. Lumabas na ako at umupo sa upuan na nasa harap ng salamin ko.
"I will make you the most beautiful lady in the campus!" nakngiting sabi niya at sinimulan ng ayusin ang buhok ko. Minake-up-an niya rin ako ng matapos ang ayusan ang buhok ko.
"Ayos na, oh diba ang ganda mo best friend!" sabi niya ng matapos akong ayusan.
Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko sa isang human size mirror na niregalo ng mommy niya. Napangiti ako pagkakita ko sa sarili ko. Matagal na rin kasi simula ng mag ayos ako ng ganito.
Sinuot ko yung heels na binili niya at... perfect!
Ganto din kasi ang ayos ko noong 7th birthday ko. Todo ayos si Mama para daw maging maganda ako. Nagpa-party pa sila noon kahit na sinabi kong wag na.
Natigil ako sa pag iisip ng biglang kinuha ni Hails ang salamin ko.
"Perfect!!" sigaw niya sabay palakpak. "Kanina ko pa iniisip kung bakit parang may problema sa kagandahan mo at ito iyon!" sabay taas ng salamin ko.
"Hindi ba pwedeng may salamin?" tanong ko hindi kasi ako komportable na walang salamin.
"Pwede naman kaso mas maganda ka kapag walang salamin eh!" sagot niya sabay bigay ng salamin ko.
"Okay na yun hindi naman kailangan na maganda ako at saka alam kong nadala lang ito ng make up," dahilan ko. Alam ko naman kasing 'di ako kagandahan.
"No, your beautiful with or without make up! You're just hiding it behind your glasses and your manang clothes," sabi niya. "Okay, ako naman ang mag aayos!" sabi niyang muli sabay ngiti.
********
"Tara na baka malate tayo!" sabi ko ng matapos siyang mag ayos. Malapit na rin kasing mag alas siyete at iyon kasi ang start ng party at ayokong makakuha ng maraming atensyon pagpunta doon kapag na-late kami.
Nakasuot siya ng gray na sleeveless dress at above the knee siya na tinernuhan ng 3 inches black heels.
Sumakay na kami sa kotse niya at nag umpisang bumiyahe. Nang makarating doon ay agad kaming pumunta sa hall. Malawak ang lugar na iyon kaya tamang tama para pagdausan ng party.
Pagpasok ay agad kaming pumunta sa isang sulok. Wala pa yung mga lalaki ng makarating kami doon.
"Kukuha lang ako ng drinks," paalam ni Hails sabay alis.
Tsk, if I know maghahanap lang iyan ng gwapo.
Kahit na gusto niyan si Nate ay hindi pa rin niya tinitigilan ang pagboboy hunting niya. Hep! Hindi siya playgirl ha tumitungin lang siya ng gwapo yun lang.
Maya maya ay dumating din ang mga lalaki. Siyempre hindi pa rin nawawala ang atensyon at papuri na ibinibigay ng mga tao.
"Hi, miss beautiful!" sabi ni Josh.
"Wow ganda natin ngayon ah," puri naman ni Bryan.
"Witwew!" sipol ni Bruce.
"Nasan pala si Hailey?" tanong ni Nate habang palinga linga kaya napangiti ako.
I smell something fishy.
"Ah nanguha lang ng drinks," sagot ko. Hindi rin mnaman nagtagal ay bumalik na si Hails habang may hawak na dalawang drinks.
"Oh, nandito na pala kayo!" saad niya.
"Nawala na pala ang common sense mo?" pang aasar ni Josh at nag simula na silang mag away.
"You look beautiful tonight." Biglang sabi ni Nate kay Hails kaya napatahimik ito at namula.
"Hoy, mukha ka nang kamatis sa pula ng mukha mo! Mas lalo kang pumanget! Hahaha!"
"Ha! Ang kapal talaga ng mukha mo! Bwiset ka!" singhal ni Hails.
"*ehem* Pwede bang makasayaw ka?" tanong ni Nate.
Tapos na palang magsalita yung mga dapat magsalita hindi namin napansin dahil nakatuon ang atensyon namin sa dalawang nag aayaw at kasalukuyan ng nag sasayawan ang mga estudyante.
"S-sige," napangiti ako habang nakatingin sa namumulang si Hails. Gustong gusto niya kasing maranasan na isayaw siya ni Nate at iyon ang inaabangan niya.
Pinanood ko sila habang papunta sa kumpol ng mga nagsasayawan. Nagpaalam ang kambal na kukuha ng pagkain samantalang si Josh ay maghahanap daw ng isasayaw habang si Ash naman ay lumabas.
"May I have this dance?" napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Nagulat ako ng si Zach pala yun.
"Ah sige pero hindi ako marunong sumayaw baka matapakan kita," sagot ko at umiwas ng tingin dahil naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
Ito kasi ang kauna unahang sayaw ko at hindi pa ako marunong baka kasi magalit siya kapag natapakan ko siya.
"Okay lang," nagulat ako dahil nakangiti siya habang sinasabi iyon. Sanay kasi akong makita yung mapang asar niyang ngiti at ngisi.
Naglakad kami papunta sa kumpol ng mga taong nag sasayaw. Inilagay niya ang isang kamay ko sa balikat niya habang ang isang kamay niya ay nasa bewang ko at ang isa ay kinuha ang isa ko pang kamay.
Nagsimula na kaming nagsway ng konti. Nung una ay naapakan ko siya ngunit kalaunan ay natutunan ko na rin ang ritmo nito.
Tahimik lang kami habang sumasayaw marahil ay nahihiya din siyang magsalita katulad ko. Ito kasi ang kauna unahang sayaw ko kasama ang lalaki bukod kay Papa.
"Salamat," mahina kong sabi.
"Bakit?" takang tanong niya.
Sino ba naman kasing matinong tao ang bigla nalang magpapasalamat? Hayyy, Aya talaga!
"Kasi ginusto mo pa rin akong maging kaibigan kahit na panget ako at manang manamit, isang Nerd kumbaga." Sagot ko habang nakayuko.
"Hindi naman iyon ang basehan namin. Hindi ka man ganon kaganda ay may mabuti ka namang puso hindi katulad ng iba na plastik lang kaya ka gustong kaibiganin kasi sikat ka. Hindi nila kayo kagaya kaya pinili namin kayo bilang kaibigan," paliwanang niya.
"Salamat talaga kayo lang yung nagparamdam sakin na may pamilya pa akong karamay. Salamat talaga," sabi ko at ngumiti ng malawak sakanya.
"You're welcome nalang," sabi niya kaya bahagya kaming napatawa.
"Ano... uh.. eh.."
"Ih..oh..uh.. Ano ba kasi iyon?" pagtatanong ko.
"Ano... gusto kong sabihin na, uhm, ang ganda mo ngayon," sabi niya sabay buntong hininga. Bigla naman akong natigilan at namula dahil sa narinig.
"S-salamat" utal kong sagot.
Ngayon lang may nagsabi sa akin na maganda ako at galing pa sa isang lalaki. Feeling ko sobrang namumula na ako.
"Uhm gusto mong kumain? Tara kumain muna tayo," sabi niya habang iniiwasan ang tingin ko.
"Uh sige nagugutom na rin kasi ako," sabi ko kaya naglakad na kami papunta sa kuhanan ng pagkain.
*******
Thanks for reading!!!
May part 2 po iyan. Hintayin niyo po yung next update!!
Dress at heels po ni Hails sa media.
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
JugendliteraturSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...