Epilogue

11K 438 127
                                    

Aya's POV

Nakaharap ako sa isang malaking salamin. Napapangiti at napapaluha ako habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin

Napatingin naman ako sa pinto ng may kumatok at nakita kong pumasok si Hailey, Ate Vivoree, Zam, Nadine, Amanda, Suzy, Natalie at Piper. Lahat sila nakasuot ng blue dress na hanggang paa ang haba

Natatandaan niyo naman siguro yung limang babae na nagligtas samin noon ano? (Reffering to Chapter 41: Five Girls)

Hinanap sila nila Kuya sa Diamond University pati si Kuya Aaron. Ngayon magboyfriend-girlfriend na sila

Isang buwan na pagkagraduate namin at katulad ng napag-usapan ay magpapakasal kami pagkatapos ng graduation. Susunod na ikakasal sila Bruce at Suzy na sa isang linggo na at sa isang buwan naman si Kuya Aaron at Piper then si Nate at Hails

"Naku Aya naiingit ako sayo. Ang ganda ng gown mo. Aayain ko nga ulit magpakasal si Love ko at susuotin ko yang gown mo. Kabog yung beauty ko eh" sabi ni Hails

"Oo nga ang ganda ganda ng bride" sabi ni Nadine

"Stop na ang chika let's go back na because the wedding will start na any minute" may arteng sabi ni Amanda

"Kakarating lang natin eh" angal ni Natalie

"Pero ang usapan we will just going to see her before the ceremony" sagot ni Amanda

"O sige na aalis na kami Aya" sabi ni Ate Vivoree at nagsilabasan na sila

Si Ate Vivoree ay boyfriend na si Daren. Ayaw pa nilang magpakasal dahil marami pa silang inaasikaso. Si Zam naman ay may boyfriend na rin at si Gerald yun yung pinsan ko

Tiningnan ko ulit yung itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng mahabang pabilog na wedding gown. Backless siya pero paheart shape yung pagkakasira then long sleeve na may butas at may design na flowers. Yung veil naman ay kasing haba ng gown at may design na mga bulaklak

Nakabun yung buhok ko pero may nakalawlaw na piraso ng buhok sa magkabilang gilid at kinulot yun. Binagayan naman ito ng light make-up

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako. Napatingin ulit ako sa pinto ng may kumatok

Pumasok naman yung babaeng nagaayos ng event

"Ma'am malapit na pong mag-umpisa. Tara na po" sabi niya kaya kinuha ko na yung kumpol ng blue roses ko at bumaba na kami habang nakaalalay siya sa gown ko

Pagkababa ay pinapwesto niya ako sa harap ng mga nakalaylay na halaman na may bulaklak na nagsisilbing entrance. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na nasa Japan kami dito sa mansion namin at garden ang venue ng kasal. Matagal na rin kasi simula ng huling pumunta ako dito at dahil dito kami sa Japan unang nagkakilala ni Zach ay dito namin naisipang magpakasal

"Okay pasok ka na" sabi nung organizer sakin

Napahigpit ang hawak ko sa mga bulaklak dahil sa magkahalong kaba at saya. Sa unang hakbang ng paa ko papasok sa loob ay nagsimulang tumugtog ang musika. May nagpi-piano at kumakanta

Dahan dahan akong naglakad habang nililibot ang paningin ko sa paligid. May nakalagay na iba't ibang kulay ng rosas na nakasabit sa likudang bahagi ng mga upuan

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nginingitian ang mga nadaraanan kong mga nakaupo

Napadako ang tingin ko sa unahang pwesto. Nakaupo sa kaliwang bahagi sila Hailey, Nadine, Amanda, Suzy, Natalie at Piper nasa likuran naman sila Manager Anne, Ate Vivoree, Tita, Mommy na stepmother ni Zach,  Zam, Sarah at Camille na mga kaibigan ni Zam

Sa kanang bahagi naman ay nakaupo sila Nate, Kuya, Bryan, Bruce, Josh at Gerald sa likod nila ay sila Kuya Aaron, Daren, Lolo, Tito, Daddy na tatay ni Zach at Butler Kang. Yung iba ay mga kamag-anak namin, parents ng mga kaibigan ko at ang iba ay mga business partners ng pamilya namin

Napatingin naman ako sa lalaking naghihintay sa akin sa harap ng altar. Napangiti ako ng malawak habang patuloy na naglalakad

Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa hanggang sa makarating ako sakanya. Inilahad niya ang kamay niya sakin na tinanggap ko naman. Inilagay niya yun sa braso niya at naglakad na kami sa harap ng pari

Nag-umpisa na ang seremonya at ng magsasabi na kami ng vow namin ay humarap kami sa isa't isa

May isang kambal na batang lalaki ang lumapit saamin. Kinuha ni Zach yung singsing sa isang bata at dahan dahang isinuot sakin habang sinasabi ang vow niya

With this ring, I give you my promise that from this day forward I will give you all my love, and you shall not walk alone. I have no greater gift to give. As your love is my anchor, and your trust is my strength, my heart be your shelter and my arms be your home. As this ring has no end or beginning, so shall my love for you be. As I place it on your finger, I give you all that I am, and all that shall I become" sabi niya habang nakatingin lang sa mata ko

Kinuha ko naman yung singsing sa isang bata at kinuha ang kamay niya "I choose you to be my husband and partner in life. I promise you my unconditional love, my fullest devotion, my most tender care. Through the pressures of the present and the uncertainties of the future. I promise to love you, honor, respect and cherish you all the days of our lives. I know that our love is heaven sent and I promise to be here forever and always. I pledge to respect your unique talents and abilities, to lend you strength to reach your dreams. I promise to take care of you, to encourage and inspire you asking that you be no other than yourself. From this day forward you shall not walk alone. My heart will be your shelter and my arms will be your home" puno ng pagmamahal kong sabi habang hindi inaalis ang tingin ko sa mga mata niya

"I may announce you husband and wife. You may now kiss the bride" nakangiting sabi nung pari

Inangat niya yung veil ko at unti unting inilapit ang mukha niya sakin. Ng maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sakin ay napapikit ako

Rinig ko ang pagpalakpakan ng lahat at ramdam ko ang saya nila para sa amin

Sa kahit anong paghihirap o pagsubok na dinanas namin ay hindi kami sumuko dahil mas pinatatag kami nito

Mas pinatibay nito ang pagsasamahan namin. Ng mga kaibigan ko. Nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan ko sila kahit na nerd ako at mahirap lang. Kahit na mas lumala ang pangbubully sakin. Dahil kung hindi ko sila nakilala wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko nakilala yung tunay kong pamilya. Marami akong pinagdaanan na sakit at saya. Nagpapasalamat ako na sila ang kasama ko sa lahat ng iyon

Laging nasa isip ko na mahalaga ang pagkakaibigan dahil mahirap ng makakita sa panahon ngayon ng mga tunay na kaibigan

Mamumihay kami ng masaya at payapa kasama ang pamilya namin at ang mga magiging anak namin

'The End'

******

OMG! Tapos na! I can't believe it na natupad yung pangarap ko na matapos itong story na ito. Salamat sa inyong lahat na nagbabasa nito dahil kayo ang naging inspiration ko

Thanks!!

Please leave a comment and vote!

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon