Hailey's POV
"Nakabili ka na ba ng damit para bukas?"
"Oo at siguradong maraming mag sasayaw sa akin," pagmamalaki nung isa.
"Talaga? Tss, sasayawin kalang nila dahil kasama mo ako at saka mas maganda pa nga yung dress ko sayo." Sabi naman nung isa habang may plastik na ngiti at pabulong na sinabi niya ang dulo pagkatapos ng kuwit.
"May sinasabi ka?"
"Wala sabi ko siguradong ngang maraming sasayaw sayo," sabay ngiti ulit ng plastik.
Pwe! Ang mga plastik dapat nasa basurahan hindi iyong pakalat kalat. Hayy, mabuti pa kami ni Aya hindi plastik sa isa't isa.
Oo nga pala, bukas na ang acquaintance party kaya iyan ang topic ng karamihan. Siguradong hindi nanaman sasama si Aya niyan pero siyempre hindi ako papayag dahil ito na ang huling acquaintance party namin dahil nga graduating kami. At pagagandahin ko siya ng bonga para maging memorable sakanya ito kaya siguradong maraming magsasayaw sakanya.
Hihihi, excited na ako!
Aya's POV
Hayy, acquitance party na naman?? Bakit ba may ganyan pa?? Kailangan ba iyan sa pag aaral??
Tsk, bakit ba pinoproblema ko pa iyan eh hindi naman ako pupunta diyan. Magbabasa nalang ako ng libro sa bahay kaysa mag punta doon. At saka wala rin akong pambili ng dress at kung meron man ay pagtatawanan lang ako doon dahil sa cheap kong dress.
"Aya! Mabuti naman at nahanap kita. Sumama ka sa akin mamaya ha?" sabi niya sakin.
"Bakit saan tayo pupunta? Hindi ako pwedeng magpagabi kasi alam mo na may pasok ako mamaya," paalala ko sakanya.
"Saglit lang to at saka maaga namang matatapos ang klase mamaya dahil may meeting ang mga teachers," katwiran niya.
"Eh saan ba kasi tayo pupunta?" pangungulit ko.
"Basta! Tara na at malapit ng magtime," sabi niya kaya naglakad na kami papunta sa room.
Pagdating namin doon ay umupo na kami at di rin katagalan ay dumating na rin ang teacher namin.
*******
Mabilis lumipas ang oras at uwian na. "Aya, halika na! Bilis! Excited na ako!" excited na sabi ni Hails sabay hila sa akin palabas.
Nagpatianod nalang ako sakanya hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. Sumakay na kaming dalawa at nag umpisa na siyang magmaneho. Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami hanggang sa huminto kami sa tapat ng mall na paborito niya.
"Aano tayo dito?" takang tanong ko.
"Secret!" sabi niya sabay hila sa akin.
Grabe Hails ah! Kung makahila parang hindi ako susunod.
Pumasok kami sa isang boutique na puro pambabae ang tinda. Huminto kami sa tapat ng mga dress. Pumili siya ng mga dress at ibinigay sa akin ang tatlo sa mga napili niya.
"Anong gagawin ko dito?" tanong ko.
"Natural susuotin. Bakit nakakain ba iyan?" pamimilosopo niya.
"Sabi ko nga," nasabi ko nalang sabay pasok sa dressing room.
Una kong sinuot yung kulay mint na tube dress na hanggang tuhod.
"Na-ah!" komento niya sabay iling.
Pumasok ulit ako at sinuot ang kulay white na dress, long sleeve na lampas ng konti sa tuhod.
"Gosh! No! No! No!" sabi niya sabay tulak pabalik sa akin sa fitting room.
Pinalit ko yung nag iisang nalang na dress. Kulay blue siya na sleeveless at hanggang tuhod. Maganda yung design niya. Lumabas na ako at ganito ang mukha ni Hails pagkakita sa akin.
*0* with sparkling eyes
"Omo! Omo! You're so gorgeous, Aya! Hindi ka pa naaayusan niyan," puri niya habang iniikutan ako. "Sit here ka muna at hahanap ako ng terno niyang dress mo!" Bago pa ako makareact ay nakaalis na siya.
Dress ko?
Mabilis siyang bumalik dala ang isang 3 inch white heels. Pinasuot niya sa akin iyon at nilugay ang buhok ko at kinuha ang eye glasses ko.
"Ang ganda talaga ng BFF ko at talagang kinabog mo ang kagandahan ko! Siguradong maraming mag aayang sumayaw sayo niyan bukas!" nakangiting sabi niya.
Wait! Sayaw? Bukas?
"Anong sayaw? At anong meron bukas? Wag mong sabihing...?" tanong ko.
"Yes BFF! Tama ka ng iniisip at wala ka ng magagawa kundi sumama at saka last acquaintance party na natin ito dahil mag co-college na tayo kaya dapat sumama ka na!" pagpupumilit niya. Napaisip naman ako bigla dahil may point naman siya.
"Sige na nga at saka sarado ang restaurant bukas dahil may pupuntahan si Manager Anne," pagsang ayon ko.
"Yess! Ako naman ang pipili ng dress ko!" sabi niya at namili ng dress.
Nang makapili ay pumasok ito sa fitting room para magsukat at naghanap na rin siya ng sapatos na susuotin niya. Nang makapag bayad ay naglibot libot pa kami.
KINABUKASAN
Lahat at usapan tungkol sa party na magaganap mamaya. Karamihan din ay hindi umatend sa klase dahil sa mag aayos daw sila para maganda sila mamaya kaya napagpasyahan din na pag half day-in kami.
"Sasama kayo mamaya diba?" tanong ni Josh.
"Siyempre naman!"
"Haha, siguradong walang magsasayaw sayo mamaya. Ampanget mo kasi," pang aasar ni Josh kay Hails.
"What? Ha! Baka mapanganga ka mamaya dahil may makikita kang dyosa," sumbat naman ni Hails na halatang nainis sa sinabi ni Josh.
"Talaga? Baka mapahiya ka lang," sabi naman ni Josh sabay ngisi. At nagpatuloy na sila sa pag aaway. Nandito kasi kami sa garden ngayon, nagpapahangin lang.
"Uhm, ako dapat ang first dance mo mamaya ha?" mahinang sabi ni Zach na nasa tabi ko.
"Uh, sure. Kaso hindi ako marunong sumayaw baka maapakan kita," nahihiyang sabi ko.
"Okay lang iyon at saka aalalayan kita," sagot niya. Himala ata at hindi ako inaasar ng mayabang na ito.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na kami sa room dahil magti-time na.
******
Nang mag uwian ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Naglakad na ako pauwi sa apartment. Sabi ni Hails ay pupunta daw siya sa bahay mamaya para sabay kaming mag ayos at pumunta sa party. Nagbihis at gumawa ako ng assignment pag uwi ko at kumain na rin.
Napatingin ako sa dress na nakalagay sa kama ko. Hindi ko alam pero bigla akong na excite para mamaya. Ito kasi ang unang party na pupuntahan ko at related pa sa school. Hindi kasi ako pumupunta sa mga ganto kahit pilitin ako ni Hails. Sigurado lang kasing pagtatawanan lang ako roon. Sasabihin nilang hindi ako nababagay sa lugar na iyon.
Naligo na ako para matuyo na agad ang buhok ko pagkarating ni Hails para mag aayusan nalang kami.
*******
Thanks for reading!!!!
May mga inayos po ako sa mga previous chapters kaya pakicheck po. Ginawa ko pong Grade 12 sila kasi po hindi equal yung age nila sa grade nila. Pakitingnan nalang po kasi po baka malito kayo sa mga susunod na mga chapters.
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Novela JuvenilSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...
