Zach's POV
Nakaupo ako dito sa room habang naka earphones
Nakakatamad talaga bakit kasi ang tagal nung nerd na yun
Tsk siguro naman magaling na yung paa niya diba? Parang natalisod lang
Maya maya ay dumating na si Hails
"Okay na ba si Aya?" tanong ni Josh
"Ewan ko? Diba sabay sabay tayong pinaalis kagabi" sagot niya
"Dapat pinuntahan mo siya alam mo namang may pilay siya atsaka diba best friend ka niya?" sabat ko
"Tch hinatid kasi ako ni Daddy kaya hindi ko siya napuntahan atsaka iba yung daan na dinaanan namin. Gusto ko mang puntahan siya eh nagmamadali din si Daddy" paliwanag niya
"Oh tama na yan magaaway pa kayo eh" sabat ni Nate
Napatingin kami kay Hails ng tumunog yung phone niya
"Sino yan?" tanong ni Nate
Tsk kailangan talagang tanungin? Para namang sila
"Si Aya" sagot niya kaya napatingin ako sakanya
"Anong sabi?" agad kong tanong
"Masama daw pakiramdam niya kaya hindi siya makakapasok" sagot niya
Magsasalita pa sana ako kaso biglang nagring yung bell hudyat na time na at kasabay non ang pagpasok ng teacher namin
Tsk masama pakiramdam niya? Diba mag isa lang siya sa apartment niya? Sinong mag aalaga sakanya? Nakakain na ba siya? O nakainom ng gamot?
Tsk bakit ko ba siya pinoproblema?
Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa iba pero hindi pa rin ako mapakali
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansing break na pala
Kaya dali dali akong nag ayos at lumabas ng room
"Zach san ka pupunta?" dinig kong tanong ni Bruce pero hindi ko siya pinansin at tumakbo papuntang parking lot
Pinaharurot ko agad ang kotse pagkasakay ko
Tsk hindi ako mapakali dahil mag isa lang siya doon kaya walang mag aasikaso sa kanya saka baka may mangyaring masama sakanya
Nang makarating ako sa apartment na tinutuluyan niya ay dali dali akong pumasok sa loob
Kumatok ako at walang nagbubukas kaya mas lalo along kinabahan
Sinubukan kong buksan yung pinto pero bumukas ito ng kusa
Tsk hindi manlang sinarado yung pinto. Mag isa na nga siya dito hindi pa naglolock. Paano kung may pumasok ditong masamang tao? Anong gagawin niya? Tsk napaka careless naman ng babaeng to
Pumasok na ako sa loob at hinanap siya
Nakita ko siyang natutulog sa kuwarto niya
Wala siyang suot na glasess. Ang ganda niya pala kapag wala non at para siyang anghel habang natutulog pero kapag gising ang sungit sungit
Tsk pero dahil diyan kaya ako nagiging ganto sayo
Lumabas ako ng kwarto niya at kumuha ng bimpo na ibinabad ko sa maligamgam na tubig tapos bumalik ako sa kwarto niya
Hinawakan ko yung noo niya pati yung noo ko para malaman kung gaano kataas ang lagnat niya
Mababa naman kaya nilagay ko na yung bimpo sa noo niya at pumunta sa kusina para magluto sana pero nakita kong walang laman yung ref niya
Tsk
Lumabas ako ng apartment at pumunta sa grocery store
Kumuha ako ng push cart at namili ng panggawa ng soup at kumuha na rin ako ng mga karne pati mga de lata, prutas at gulay para may stock siya
Then nanguha ako ng ilang junk food at ilang sweets. Narinig ko kasing mahilig siya sa ganon
Nang matapos ay pumunta na ako sa cashier at binayaran iyon
Naglakad na ako pabalik tutal malapit lang dahil halos ilang mga tindahan lang yung layo nila
Pero bago ako bumalik ay dumaan muna ako sa pharmacy para bumili ng gamotNaghiwa agad ako ng mga sangkap para sa iluluto ko nang makabalik
Habang hinihintay yung niluluto ay inayos ko muna yung mga pinamili ko
Makalipas ang ilang minuto ay naluto na yung sinigang. Sabi kasi ni Hails paborito niya ito bukod sa adobo
Hinain ko na pagkatapos saka ako pumasok sa kwarto niya
Nagulat ako dahil gising na siya pagkapasok ko at kasalukuyang nakatingin sa bimpo
"A-anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong niya ng mapansin ako
"Uhm sabi kasi ni Hails masama daw pakiramdam mo kaya pinuntahan kita dito alam ko kasing mag isa kalang dito kaya ayun" paliwanag ko
"Ganun ba?" sagot niya at tumayo na
"Kain ka na. Nagluto ako baka kasi hindi ka pa kumakain saka para makainom ka na rin ng gamot" sabi ko dumaan nga pala ako sa pharmacy kanina
Inalalayan ko siya para makaupo at hinainan siya
Halata naman ang pagkailang niya kaya binilisan ko at umupo sa harap niya
Nakita ko namang napangiti siya ng makita yung ulam
+++++
Aya's POV
Siguro sinabi ni Hails na paborito ko yung sinigang kaya alam ng lalaking ito
Kumain na ako at masarap palang magluto to
Napatingin ako sakanya ng naramdaman kong nakatitig siya kaya medyo nailang ako
"Uhm hindi ka ba kakain?" tanong ko
"Ah kakain tinitingnan ko lang reaksyon mo" sabi niya habang nakangiti
Nakakapanibago naman ang ugali ng lalaking ito
"Hindi mo naman ako kailangang puntahan dito" sabi ko
"Tsk ako nangang concern ayaw mo pa" nagtatampong sabi niya kaya natawa ako "Tapos tatawanan mo pa ako" sabi niya sabay pout kaya mas napatawa ako at napangiti siya
"Ano may gusto sana akong sabihin sayo" sabi niya bigla kaya napatigil ako sa pagtawa
"Ano yun?"
"Ano... uhm... g-gusto kita" mahinang sabi ngunit sapat na para marinig ko
"Ha?" nasabi ko, narinig ko ng malinaw pero gusto kong marinig ulit dahil baka mali lang iyon
"Gusto kita! No! I love you!" nagulat ako sa sinabi niya
"What?"
"Nagulat ba kita? O baka masyado pang maaga? Aish! Never mind" saad niya at biglang umalis
Ako naman ay naiwang tulala. Totoo ba yun? Aish baka pinagtritripan lang ako nun o baka pinapaasa
Nagulat ako ng bigla itong bumalik
"Nga pala, inumin mo itong gamot mo pagkatapos mong kumain ng marami. Mababa lang naman ang lagnat mo kaya okay lang. Huwag mo ding iiwang nakabukas yung pinto. May mga prutas at pagkain diyan kaya kumain ka kapag nagutom ka, okay?" mahaba at parang nanay niyang paalala
"Opo!" natatawa kong sagot
Matapos makuha ang sagot ko ay umalis na ito
Haha pagkatapos umamin umalis agad hindi manlang hinintay yung sagot ko
******
Thanks for reading!!!Nagconfess na si Zach!!!!
Uhm masyado po bang mabilis? Comment naman po kayo para malaman ko yung mga saloobin niyo
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...