Chapter 25: Yes

9.5K 410 27
                                    

Ash's POV

Nalalapit na ang araw para sabihin sakanyang siya ang nawawalang isa sa apo. Malapit na niyang malaman na kambal kami at malalaman ng mundo na hindi pa patay ang kambal na Alcantara. Malapit na ang araw kung saan maghihiganti tayo sa ginawa nila sa pamilya natin

Sa ngayon ay hahayaan muna kitang maging normal at masaya kasama ang magiging boyfriend mo. Sana maging masaya ka sakanya

++++

Zach's POV

Today is the day. Ngayon ang araw na pinakahihintay ko

Inaayos namin ngayon yung mga kailangan para mamaya. Kinakabahan na excited yung nararamdaman ko ngayon. Paano kung hindi siya pumayag? Paano kung hanggang friends lang? Tsk dapat wag kong isipin yan siguradong Oo ang isasagot niya. Hooh kinakabahan tuloy ako

"Bro alam ko yang feeling na yan. Naranasan ko din yan" sabi ni Nate sabay tapik sa balikat ko

"Kabado si lover boy" pang aasar pa ni Josh

"Alam mo Josh hindi ka nakakatulong" sabi ko sakanya

Wala si Hails dahil ine entertain si Aya at para maiwasan na mapunta siya dito habang nag aayos kami

Nag aya din kami ng ilang estudyante para tulungan kami at para mas mapabilis

Hanggang sa naayos na any lahat at hihintayin nalang si Aya. Mas lalo akong kinabahan

++++

Aya's POV

Kasama ko ngayon si Hails habang naglilibot dito sa buong campus. Hindi ko alam kung bakit pa nakakangawit kayang maglakad lalo na at ang lawak ng campus at parang iniiwasan niya yung bandang field nakakacurious tuloy

Huminto muna kami para kumain nakakapagod kayang maglakad ng maglakad

Habang kumakain ay biglang may nag text kay Hails

"Tara na Aya mamaya ka nalang ulit kumain" sabi niya at pilit akong hinihila

"Kakatapos lang nating maglakad ng maglakad aalis na agad tayo? San ba tayo pupunta?" tanong ko habang hinihila niya ako

Hindi niya naman ako sinasagot at patuloy lang sa paghila sakin papunta sa… field?

Kanina iniiwasan namin yan pero ngayon dyan kami pupunta. Nacurious tuloy ako kung anong meron diyan

Nang makarating kami ay may nakita akong banner na may nakalagay na 'Will you be my girlfriend?'

Ang sweet naman ng may gawa niyan kaya pala hinila ako ni Hails papunta dito para manood ng confession

Nagulat ako ng biglang lumabas si Zach habang may hawak na kumpol ng blue roses kasama sila Ash. Teka bakit sila nandiyan? Si Zach ba yung magco confess? Akala ko ba mahal niya ako kaya niya ako nililigawan?

"Aya" sabi niya at bigla naman akong hinila ni Hails papunta sa gitna sa harap ni Zach

"Aya, pasensya na hindi na kasi ako makapaghintay na maging tayo kaya sana pumayag ka na ngayon. *ehem* Simula nung nakita kita ay nagkagusto na ako sayo kaso pilit kong tinatanggi kasi hindi naman kita type pero narealize ko na hindi na yun mahalaga. Palagi kitang inaasar kasi gusto kong makuha ang atensyon mo. Mahal na mahal kita kaya sana oo ang maging sagot mo pasensya na kung hindi na ako makapaghintay baka kasi maunahan pa ako ng iba kaya ito. Will you be my girlfriend?" sabi niya sabay abot sakin ng bulaklak

Nagulat ako kasi hindi ko ineexpect na para sakin pala to. Hindi ko rin ineexpect na ngayon siya magtatanong pero alam ko na ang isasagot ko kasi mahal ko na rin siya. Mahal na mahal at hinihintay ko nalang talaga na magtanong siya pero hindi ko ineexpect na ngayon at sa harapan pa ng maraming estudyante

"Ginulat mo ako dahil hindi ko ineexpect na ngayon at sa harap ng maraming tao mo ako gaganituhin" sabi ko

"Siyempre para malaman nila na akin ka lang so ano ng sagot mo?" kinalabahang tanong niya

Humugot muna ako ng hininga bago sumagot

"Oo, girlfriend mo na ako" sabi ko habang nakangiti

"T-talaga? Oo?" hindi makapaniwalang tanong niya kaya natawa ako

Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya. Nagpalakpakan naman ang lahat ng nanonood at nagsigawan sila Josh

"Akin ka na at wala ng makakaagaw sayo" sabi niya sabay kiss sa pisngi ko at kumalas sa yakap

Hinampas ko naman siya sa braso dahil sa ginawa niya. Nakakahiya kaya maraming taong nakatingin

"Ano ka ba andami kayang tao" sabi ko at alam kong namumula na ako

"You're blushing. Ang cute mo" sabi niya sabay kurot ng pisngi ko

"Mashakit ano ba" angal ko sabay hampas ng kamay niya para matanggal

Hinimas ko naman yung pisngi ko at nagulat ako ng may mga nagfake na ubo. Pagtingin namin ay nakatingin na pala samin sila Hails ng mapang asar

"Tama na yung kasweetan niyo dahil nilalangam na kami. Punta na tayo sa tambayan para magcelebrate. Dalawa na ang lover boy natin. Woooohhh!!" sabi ni Josh at nauna na. Hinawakan naman ni Zach yung kamay ko

Bago umalis ay nakita ko pa ang masamang tingin ni Beatrice

Natakot naman ako sa pwede niyang gawin kaya napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Zach

Napatingin naman ito sakin at tiningnan yung tinitingnan ko. Nang makita niya ay hinila niya agad ako palayo doon

"Don't worry hindi ko hahayaang saktan ka pa niya ulit. Proprotektahan kita, okay?" sabi niya kaya napangiti ako at tumango

Sumunod na kami kila Josh na nauuna na

Pagkapunta sa tambayan ay nagparty na sila. Nakakatuwa silang pagmasdan habang nagkakasiyahan. Natigil ako ng maramdaman kong nakatingin sakin si Ash habang tahimik na nakaupo at nanonood

"Bakit?" tanong ko ngumiti naman ito at umiling

Ng mag alas kuwatro ay nagpasya na kaming mag uwian dahil alam nilang may trabaho pa ako

Hinatid ako ni Zach pauwi at hinintay niya na rin ako para ihatid

Magkahawak lang kami ng kamay hanggang sa pagpasok sa loob ng restaurant

Gulat ang expression ni Ate Vivoree habang pabalik balik ang tingin saming dalawa at sa kamay namin

"K-kayo na?" tanong niya tumango naman ako kaya pigil siyang tumili

"Kyaahh! Mabuti naman Aya at sinagot mo. Mabuti din at hindi yan naiinip kahihintay sayo. Kinikilig talaga ako sainyong dalawa. Kailan kaya ako magkakaboyfriend?" sabi niya

"Tsk nandito naman kasi ako eh kung saan saan ka pa tumitingin nasa harap mo lang ako" dinig kong bulong ni Daren kaya napangiti ako

Mukhang may mabubuo na namang love team haha

*****

Thanks for reading!!!!

Salamat sa suporta niyo dahil umabot na tayo sa kalahati at salamat sa 3k reads

Please vote and comment!!

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon