Chapter 19: Acquaintance Party (Part 2)

9.4K 360 10
                                    

(Ito po yung time habang sumasayaw sila Aya)


Hailey's POV

Lahat ng inis ko sa pinsan kong epal  ay nawala ng inaya akong sumayaw ni Nate. Gusto kong lumabas at magtitili dahil sa kilig pero hindi ko naman siya pwedeng iwan dito. Tahimik kaming nagsasayaw. 

One word to explain AWKWARD!

"Uhm," sabay naming sabi.

"Ano yun?" sabay ulit naming tanong. 

"Ikaw muna," sabay ulit.

OMG! Meant to be lang? HAHAHAHAHA.

"Sige na, ikaw na wala naman akong sasabihin eh," sabi ko.

"Ano. Uhm, you look beautiful tonight," sabi niya. 

"Ah, salamat!" medyo disappointed kong sagot.  "Ngayon lang ba ako maganda?" bulong ko sa sarili ko.

"No! You're always beautiful. Everyday," sabi niya. 

OMG!! Narinig niya? Nakakahiya naman!

Ramdam kong namumula ako kaya in excuse ko yung sarili ko. "Uhm, CR lang ako!" paalam ko at hindi na hinintay ang sagot niya at dali daling pumunta ng CR. 


*******
(Ito naman po yung time na kumakain sila)

Beatrice's POV

How dare her to dance with my Zach?!!? Arghh, sumosobra na yang Nerd na iyan!

Nagigigil akong nakatingin sakanya habang masayang kumakain kasabay ang best friend niya at ang mga Prince's namin. 

Ang kakapal talaga ng mga mukha! Lagot ka sakin bukas! I will make you pay! I told you to leave my Zach because he's mine pero patuloy ka pa rin sa paglapit sakanya!


Aya's POV

Nagulat ako ng makita si Ash na nakalahad ang kamay sa harap ko. Katatapos lang kasi naming kumain at patuloy pa rin sa pagsayaw any ibang estudyante. Tinangap ko nalang dahil nakakahiyang hindi-an baka sabihin pa nila ng ako na nga ang inaalok may gana pa akong hindi-an.

Naglakad kami papunta sa kumpol ng mga tao at nag umpisang sumayaw. Habang sumasayaw kami ay naramdaman ko na safe ako kapag nandiyan siya.

"You look beautiful tonight," puri niya. 

"Thank you!" sagot ko habang nakayuko. 

Ramdam ko kasi yung sama ng tingin ng mga kababaihan sakin. Siyempre dalawang prinsepe ba naman nila ang nakasayaw ko eh. 

"Wag mo nalang silang pansinin," sabi niya ng mapansing naiilang ako. 

Nagulat ako ng tinaas niya yung baba ko sabay ngiti kaya nginitian ko din siya. Nang mapatingin ako sa table namin ay nakita kong nakatingin sa amin si Zach. Nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay umiwas ito ng tingin at kunwaring nakikinig kila Josh. 

Napatawa naman ako ng mahina. "Tayo ang magkasama pero sa iba parin nakatuon ang atensyon mo," nagulat ako ng magsalita si Ash may bahid ng pagtatampo pero nakangiti.

Muntik ko ng makalimutan na si Ash pala ang kasama ko. Hayyy, bakit kasi lagi ko nalang nakikita ang mukha ng Zach na iyan?

"Umupo na nga tayo," sabi niya at ngumiti ng mapang asar. 

"Hala!" gulat na sabi ko habang nakaturo sakanya.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Kailan ka pa naging mapang asar? Nahahawa ka na kala Josh! Tsk! Tsk!" sabi ko sabay iling.  Napatawa naman siya at nagulat ako ng may humila sakin papunta sa upuan ko. 

"Kung uupo, umupo na. Hindi yung daldal pa ng daldal," sabi ni Zach na siyang nanghila pala sakin.

"Bakit ba? Ano bang paki mo?" sabi ko. 

"Tsk! Basta! Eto kumain ka nalang," sabi niya sabay bigay sakin ng plato na may laman na dessert. 

Kinain ko nalang dahil gutom na rin ako. Nagutom ata ako kakasayaw. Matapos kumain ay nagpaalam akong mag-c-CR. 

Tiningnan ko yung repleksyon ko sa salamin habang napapangiti. Napatingin ako sa likod ko habang nakatingin pa rin sa salamin dahil may narinig akong nag-click yung parang nilock. 

Nawala ang ngiti ko ng makita kong nasa likod ko si Beatrice kasama ang mga alipores niya. Nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sa akin. 

"I told you to stop lingering around MY Zach, right?" nanggigigil na sabi niya kaya napaharap ako sakanya. "Answer me!!" galit na sabi niya ng hindi ako sumagot. 

"O-oo" utal at takot kong sagot. 

"Then why–-" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang may kumatok habang sumisigaw sa labas. 

"Aya bakit ang tagal mo sa loob? May problema ba?" sigaw ng nasa labas at alam kong si Zach iyon. Dali dali akong lumabas para maiwasan  sila. "Anong problema bakit namumutla ka?" nag aalalang tanong niya. 

"W-wala, tara na baka hinahanap na nila tayo!" sabi ko at nauna ng naglakad.


Zach's POV

Tsk, bakit antagal naman ng babaeng iyon baka kinain na ng inodoro yun ah?

"Uhm Zach pwede bang sunduin mo na si Aya sa CR?" tanong ni Hailey at halatang kinakabahan na rin. 

"Bakit hindi nalang ikaw, tutal babae ka naman?" sabi ko. 

"Basta, sige na!" sabi niya sabay tingin sakin ng nakakatakot. 

Yung tingin na sinasabing mamaya-ko-na- sasabihin look kaya tumayo na ako at pumunta ng banyo. Sinubukan kong buksan pero nakalock kaya kinabahan na ako. 

Hindi naman kasi ako papupuntahin dito ni Hails ng walang dahilan dahil pwede namang siya nalang. Pinakinggan ko muna kung anong nangyayari sa loob.

"Answer me!!" sigaw ng isang babae sa loob kaya kumatok ako at sumigaw para marinig nila baka kasi anong gawin nila. 

"Aya, bakit ang tagal mo sa loob? May problema ba?"  sigaw ko. Hindi rin nagtagal ay lumabas si Aya na namumutla. 

"Anong problema bakit namumutla ka?" agad kong tanong dahil nag aalala ako. 

"W-wala, tara na baka hinahanap na nila tayo!" sabi niya at nauna ng maglakad. 

Sinundan ko na siya at hindi na tinangka pang tingnan ang loob. Basta kahit anong mangyari ay proprotektahan ko siya. Hindi ko alam pero gusto ko siyang protekahan parang iyon ang tungkulin ko sakanya.

Nang makarating sa table ay nag paalam ng umuwi si Aya dahil bigla daw sumama ang pakiramdam. Kaya napagpasyahan naming mag-uwian na malapit na rin namang matapos iyan dahil sa alas onse na. 

"Hindi niyo naman kailangang sumabay sa akin pauwi. I-enjoy niyo nalang yung party," sabi niya.

"Hindi na. Nakakatamad na rin kasi," sagot naman ni Josh. 

"Oo nga saka malapit na ring matapos yan," dagdag naman ni Bruce. 

Kaya walang nagawa si Aya at sabay sabay kaming naglakad papuntang parking lot. Napagpasyahang ako ang maghahatid kay Aya dahil may bibilhin pa daw si Hails na sasamahan ni Nate. Iiwan niya daw yung kotse niya dito at ipapasundo nalang sa driver. 

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa makarating kami sa apartment na tinutuluyan niya. 

"Babye!" paalam ko habang nakangiti. 

"Salamat sa paghatid at saka ingat sa biyahe!" sabi niya at pumasok sa loob. 

Hinintay ko munang makapasok siya ng tuluyan sa loob bago ako umalis. 



*****

Thanks for reading!!! ♥♥

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon