Chapter 33: Relatives

9.9K 394 15
                                    

Aya's POV

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na dito na ako titira sa malapalasyong bahay na ito

Anlaki ng kwarto ko halos doble ng size nung bahay ko dati. Kasalukuyan akong nasa bathtub ngayon at naglalaro ng bubbles hihi

After ko mag bathtub ay pumunta ako sa isang pinto na katabi nito sabi kasi ni Kuya dalawa daw ang pinto sa CR yung isa pinto pabalik sa kwarto at yung isa ay papuntang walk in closet

Pagbukas ko ay tumambad sakin ang napakaraming magagandang damit at sapatos pati bag, alahas at make up meron

One word to say, WOW

Tumingin tingin ako ng pwedeng masuot. Para namang lahat pang alis eh. Sinuot ko nalang yung isang white dress na hanggang tuhod

Nagsuklay ako at nagblower saka lumabas. Sinuot ko yung kulay blue'ng fluffy na pambahay na tsinelas at lumabas na

Naglakad lakad ako hanggang sa makita ko yung hagdan. Bumaba na ako at nadatnan ko sa dining area si Lolo

"Oh nandito kana pala, hija ipapatawag palang sana kita" sabi ni Lolo pagkakita sakin

"Magandang po" bati ko sakaniya

"Magandang umaga din, halika umupo ka na" bati niya pabalik

Umupo ako sa tabi niya. Nasa pinakagitna siya nakaupo at sa kaliwa niya naman ako

"Wala pa po sila Kuya?" tanong ko kahit obvious na yung sagot

Nasanay na rin ako na tawagin siyang Kuya matagal ko na rin silang gustong tawagin nun. Sabi ko kasi sa sarili ko tatawagin kong Kuya yung magiging kaibigan kong lalaki pero hindi ko masabi sakanila dahil nahihiya ako

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Kuya kasunod si Kuya Aaron. Umupo si Kuya sa tabi ko sa kanan samantalang si Kuya Aaron ay sa harap ko na kanan ni Lolo. Bali ganito:

L/  Ako/  Kuya
O——————
L——————
O/ Kuya Aaron

Nagsimula na kaming kumain. Napakaraming pagkain merong itlog, hotdog, bacon, ham at bread pero mas marami yung kagabi busog na busog nga ako eh

"Ah Apo, pupunta dito young mga kamag anak natin. Nabalitaan kasi nila ang tungkol sa pagdating mo kaya gusto nilang makita ka" sabi ni Lolo

"Ah talaga po? Gusto ko na po silang makilala" excited na sabi ko

Mababait kaya sila? May mga bata kaya? Naku excited na ako!

"Tsk tsk napakakukulit nila at napakaiingay kaya ihanda mo na ang sarili mo" paninira ni Kuya Aaron na sinang ayunan naman ni Kuya

Bakit ang bad nila sa relatives namin? At talagang tandem pa sila. Tsk

"Bakit ang bad niyo?" sabi ko

"Hindi ah totoo kaya ang sinasabi namin sayo. Binabalaan ka lang namin" sabi ni Kuya

Napatawa naman si Lolo "Naku kayong mga bata kayo hindi talaga kayo nagbago"

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain at pagkatapos ay nagsi akyatan kami pabalik sa kwarto

Umupo ako sa queen size bed at nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Maraming mga libro, stuff toys at mga pictures

Maganda ang kwarto na ito. May kulay siya na blue at violet na paborito ko

Napatigil ako sa pagtingin ng may kumatok. Pumasok naman si Kuya at umupo sa tabi ko

"Eto diba wala kang phone" sabay bigay sakin ng isang kahon

Tinuruan niya ako kung paano kutingtingin iyon at nakita ko na lilimang  no. palang ang nakasave don. Sakanya, kay Kuya Aaron, sa telepono sa bahay, kay Lolo at sa butler ko

Sayang at hindi ko alam ang no. ni Zach at Hails sana natawagan ko sila

"Nga pala Aya wag mo munang sabihin kahit kanino ang tungkol dito, okay? Para na rin ito sa safety mo at may takdang araw para malaman nila" sabi niya "At kahit kala Zach at Hails bawal" dagdag niya

Napasimangot naman ako. Maya maya ay may kumatok at sinasabing bumaba na daw dahil nandoon na yung bisita

Nadatnan namin ang maingay na sala pagkababa namin

"Omy siya na ba ang pamangkin ko? Napakaganda naman" sabi nung isang babae na unang nakakita samin kaya napatingin silang lahat

"Mga apo nandito na pala kayo. Ito ang mga anak at apo ng dalawa kong pinsan at ng lola niyo" sabi ni Lolo

Nagpakilala naman silang lahat. Napakababait nila.

Katabi ko ngayong nakaupo yung dalawa kong pinsan na babae at lalaki na kaedad ko sa kanan si Sarah tahimik siya at palaging may dalang libro. Nanay niya yung unang nagsalita kanina si Tita Selene at napakabubbly niya

Sa kaliwa naman ay si Diana Wilson bubbly din siya at palaging kinukulit si Sarah mas bata siya ng isang taon samin. Only child lang siya at Mama niya nalang ang mayroon dahil bata palang siya ay namatay na ang tatay niya. Anak siya ni Daisy Wilson na nakababatang kapatid ni Selene. Parehong anak ng pinsan na babae ni Lolo

Katabi naman ni Diana ang kanina pa nambwibwiset kay Diana na naging dahilan kaya hindi na ako nito ginugulo ay si Warren Davidson mapang asar at ang panganay na anak ni Camile at James na nag iisang anak ng lalaking pinsan ni Lolo.

Yung mga nakababatang kapatid naman ni Warren na si Gerald ay kausap ni Ramon na nakababatang kapatid ni Sarah. Yung dalawang bunso naman ay kambal sila si Allia at Ally nakakatuwa silang tingnan habang naghahabulan. Si Allia ay bubbly at makulit samantalang tahimik at mahiyain si Ally

Si Kuya naman ay nasa dalawa kong Tita at parehong kinukulit. Napatawa ako ng mahina dahil sa itsura niya. Wala yung mga Tito ko dahil mga nasa trabaho. Si Lolo naman ay may pupuntahan muna

"Oh! Science Fiction ang binabasa mo? Mahilig ako sa mga ganyan" sabi ko kay Sarah pagkakita ko nung librong binabasa niya

"Talaga? Paborito ko yung mga ganitong libro. Nakakatuwa na pareho tayo yung kakambal mo kasi ay ayaw ng Sci. Fic. mas gusto niya daw ang action at educational" nagkainteres niyang sabi

"Mas maganda ang sci. fic. kaysa action pero nagbabasa rin ako ng educational" sabi ko

"Uy nakakuha ng partner si Ms. Bookworm" pang aasar ni Warren

Sinamaan naman siya ng tingin ni Sarah kaya natahimik ito habang sabay kaming napatawa ng mahina ni Diana

"Kukunin ko muna yung kakambal ko dahil nakakaawa na" napatingin naman sila kay Kuya at napatawa

"Nabiktima na naman nila Mama eh" sabi ni Warren

Tumayo na ako at nilapitan sila "Uhm hihiramin ko po muna yung kakambal ko"

Tumango naman sila at nagkwentuhan nalang tungkol sa business

"May utang ka sakin ha?" sabi ko kay Kuya habang hinihila siya sa papunta sa pwesto namin

Masasabi kong kahit na kakakilala ko palang sakanila ay napakagaan agad ng pakiramdam ko

Hayy ganito nga siguro kapag nakapiling mo na ang tunay mong pamilya

*******

Thanks for reading!!!

Pasensya na sa maraming relatives. Sobrang natutuwa lang talaga ako na maraming relatives at yung mga kaedad mo pa

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon