Aya's POV
Nagising ako na masakit ang katawan. Bumangon ako at pumasok sa banyo. Hinubad ko lahat ng suot ko at nakita ko na marami akong kalmot at pasa sa braso at binti. Hanggang ngayon din ay sumasakit ang anit ko at ang pisngi ko ay namumula dahil sa lakas at dami ng sampal na nakuha ko.
Naligo na ako at nagpatuyo ng katawan at buhok. Nilagyan ko na rin ng gamot at ointment ang mga sugat at kalmot ko.
Siguradong magagalit si Hails kapag nakita niya ang mga ito. Mas lalo pang lalala kapag nangyari iyon.
Nagbihis na ako at nag ayos para makapasok na.
Ash's POV
Naglalakad kami sa hallway at rinding rindi ako sa ingay ng mga tao pero napukaw ng atensyon ko ang sinasabi ng isang grupo ng mga babae.
"Alam niyo bang nakita ko yung nerd kahapon halatang bugbog sarado."
"Dapat lang sakanya iyon noh! Isa siyang malanding Nerd!"
At nagtawanan sila.
"Nakakatawa yung itsura niya nung binuhusan siya ng juice ni Miss Beatrice sa cafeteria kahapon."
"Yeah girl, bagay lang sakanya iyon," at nagtawanan ulit sila.
Nagalit ako sa sinabi nila, akmang lalapitan ko sila pero naunahan ako ni Zach.
"Anong sinabi niyo?" madiin na sabi ni Zach.
"P-prince Zach," sabi nung isa at namula sabay nagtilian.
Bwiset mga nakakarindi akmang sisigawan ko sila pero naunahan ulit ako ni Zach.
"I said what are you talking about??!!" galit na sigaw niya.
"D-dumating na po kasi si M-miss Beatrice kaya tinuruan niya ng leskyon yung Nerd na malandi," paliwanag niya.
"Hindi malandi si Aya dahil mas malandi pa kayo sakanya," galit na sabi ni Zach habang pinipigilan na saktan ang mga babae.
Nakayukom ang kamao nito at nanggigigil ang ngipin. Mabilis itong naglakad papunta sa room. Habang naglalakad ay nakita namin si Hails.
"Hails!!" tawag ni Zach.
"Oh bakit?" nakangiting sabi niya pero naging ngiwi nang makita ang galit na si Zach.
"Si Aya?"
"Nasa garden pupuntahan ko nga siya eh," sagot niya. Naunang pumunta si Zach at sumunod kami. "Bakit galit si Zach?" dinig kong tanong ni Hails kay Nate.
"Malalaman mo mamaya," sagot naman nito.
Tumahimik nalang ang dalaga at sumunod sa amin. Nang makarating sa garden ay nakita namin si Aya sa usual spot niya sa ilalim ng puno habang nagbabasa. Dali-daling lumapit sakanya si Zach. Nang mapansin niya kami ay tumayo ito at biglang hinablot ni Zach ang braso nito sabay taas ng long sleeve.
Aya's POV
Nagulat ako ng itaas ni Zach ang long sleeve ko dahilan para makita nila ang mga pasa at kalmot ko.
"Sinong gumawa niyan?" mahinahong tanong niya pero ramdam ko na may galit na nagkukubli sa likod nun. Pero kahit na ganun ay hindi ako sumagot at yumuko nalang.
"Sino sabi ang gumawa niyan?" medyo tumaas ang boses nito na siyang ikinagulat ko.
"H-hindi ko kilala," sabi ko habang pinipigilan ang mga luha ko.
"Sila Beatrice ba?" may bahid ng galit na sabi niya. Umiling lang ako.
"Aray!" daing ko ng hawakan nito ang pisngi ko.
Masakit pa ito dahil sa lakas at dami ng sampal na binigay nila sa akin kahapon. Mas lalong dumilim ang mukha nito ng makitang namumula ang pisngi ko. Bigla naman itong umalis at iniwan kaming pito.
"Aya, anong nangyari sayo? Sinong gumawa niyan?" nag aalalang tanong ni Hails pagka alis ni Zach.
"Doon muna tayo sa tambayan para gamutin yung iba mong sugat," sabi ni Nate.
Naglakad na kami papunta sa tamabayan nila. Pagkarating doon ay pinaupo nila kami habang kinukuha ni Bryan yung first aid kit.
"Pasensya na dahil sa amin kaya ka nila binubully kung hindi ka sana namin nilapitan," sabi ni Josh.
"Tama at saka kung hindi ka namin iniwan kahapon ng mag-isa hindi ka sana magkakaganito." dagdag ni Bruce.
Tahimik lang sa tabi si Ash at Nate. Maya maya ay dumating din si Bryan kaya nag umpisa ng gamutin ulit ni Hails ang mga sugat ko. Medyo hindi ko kasi naayos ang pag-ga-gamot kanina.
"Tama sila kung hindi ka namin iniwan kahapon sana hindi ka nagkaganyan," sabi ni Hails.
"Ano ba kayo. wag niyo ngang sisihin ang sarili niyo dahil hindi naman kayo ang may kasalanan." Pagpapagaan ko sa kanila
Ngayon ko nalang ulit naramdaman na may mga taong laging nandiyan para sa akin maliban kay Hails at sa mga co- workers ko. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang pakiramdam na may pamilyang nagmamahal sa akin.
Zach's POV
Hinahanap ko ngayon sila Beatrice dahil sigurado akong siya ang nag utos na gawin kay Aya iyon. Hindi ko alam pero ayokong nakikitang nasasaktan si Aya. Nakita ko siya sa kasama yung mga alipores niya sa isang bench.
"Beatrice!!" Tawag ko dito.
"Zach!!" nakangiting sabi niya sabay yakap sa akin. Tinulak ko naman ito dahilan para mapaupo siya. "Zach?" naiiyak na sabi niya pero hindi ako naaawa.
"Bakit mo ginawa iyon?" tanong ko dito. Kahit hindi ko sabihin ay alam kong alam niya ang sinasabi ko.
"Ang alin?" painosenteng sabi niya. Nang mapansin niyang hindi ako sasagot ay napangisi ito. "Alam ko na! Yung tungkol sa malanding Nerd na iyon---" hindi nito natapos ang sasabihin niya ng sampalin ko siya.
Napagilid ang mukha nito at hinawakan ang pisnging nasaktan bago umiiyak itong tumingin sa akin. "Ano bang nagustuhan mo sa Nerd na iyon?! Ginagamit ka lang niya para sumikat at para sa pera kaya layuan mo na siya!" sumbat niya.
"Wag mo ng gagawin ulit sakanya iyon dahil ako na ang makakalaban mo!" galit na sabi ko.
"Bakit gusto mo na ba ang Nerd na iyon kaya mo siya pinoprotektahan? Tandaan mo, Zach! Akin ka lang at walang pwedeng umangkin sa iyo!" desperadang sabi niya.
"Hindi mo ako pag aari," sabi ko bago siya tuluyang iwan.
Someone's POV
Nakaupo ako ngayon sa dito sa opisina ko ng may tumawag sa akin.
"Lolo, maraming sugat at kalmot siya dahil sa mga nambubully sa kanya." Sabi ng apo ko.
"Sino ang mga lapastangan ang gumawa sa prinsesa ko niyan? Alam mo na ang gagawin sakanila basta nararapat na magdusa sila higit pa sa tinamo niya," sagot ko habang nakayukom ang palad.
Wala sinuman ang may karapatang saktan ang nag-iisang prinsesa ko.
"Opo, Lolo. Ako na po ang bahala sa kanila." Sabi niya.
Pinatay ko na ang tawag habang nagpipigil ng galit.
Hintayin mo, Apo, at malapit na ang araw kung saan maghihiganti tayo sa lahat ng ginawa nila. At malalaman mo na ikaw ang nag iisang tagapagmana ko.
*******
Thanks for reading!!!
Sino kaya si Someone?
At sino yung kausap niya?
Sino yung tinutukoy niyang apo at tagapagmana niya?
Para masagot ang mga katanungan patuloy na subaybayan ang istoryang ito
Salamat!!! ^_^
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...