Aya's POV
Nagising ako ng maramdaman kong may nakatingin sakin. Pagmulat ko ay nagulat ako ng makita kong nakatitig sakin si Zach
Teka? Paano to nakapasok? Sa pagkakaalam ko pagkahatid niya sakin kagabi ay pinaalis ko agad siya saka nilock ko yung bahay. Kaya paaano siya nakapasok?
Nasagot naman ang tanong ko ng itaas niya ang isang susi habang nakangiti
"I have a spare key. Hiningi ko to sa may ari ng apartment para kung emergency saka alam niyang boyfriend mo ako at wala akong gagawin na masama" paliwanag niya na parang nababasa ang iniisip ko
Nang maalala kong bagong gising pala ako ay mabilis pa sa alas kuwatro akong tumakbo sa banyo
"Huwag kang mag alala maganda ka pa rin kahit natutulog… kahit may tumutulong panis na laway" sigaw niya galing sa labas na sinabayan niya pa ng tawa
Nanlaki yung mata ko at tumingin sa salamin. Tsk wala naman eh pero ampanget ko kaya tapos tinititigan niya pa ako. Waaaaahhhh
Mabilis akong nagayos at lumabas. Wala na siya sa kwarto paglabas ko kaya lumabas ako
Nakita ko siyang naghahain sa kusina
"Luh! Nagluto ka?" tanong ko
"Di ba halata?" pamimilosopo niya
"Tsk di ko naman kasi alam na marunong ka palangagluto" sagot ko
"Umupo ka na nga" sabi niya sabay hila ng upuan kaya umupo na ako
Hinainan niya ako saka siya umupo sa tapat ko at naghain para sa sarili niya
Tinikman ko yung luto niya. Hmm infernes masarap. Hotdog, bacon at itlog yung niluto niya
Napansin ko naman na nakatingin lang siya sakin at parang hinihitay yung magiging reaksyon ko
"Masarap ba?" tanong niya
"Hmm pwede na" sabi ko kahit na ang totoo ay sobrang sarap mas masarap pa ata sa luto ko eh
Kumuha pa ako at kumain ng kumain
"Okay, hindi nga masarap" sabi niya habang nakangiting nakatingin sakin
"Huwag mo nga akong titigan kumain ka nalang diyan" sabi ko nakakailang kasi eh. Mabuti naman at itinuon niya nalang yung pansin niya sa pagkain
Habang kumakain ako nakatingin sakin. May dumi ba sa mukha ko kaya kanina pa siya nakatingin? O kaya naman masyado lang akong maganda or panget?
Tahimik nalang kaming kumain pero minsan ay nahuhuli ko siyang tumitingin sakin at kapag nahuhuli ko siya ay napapangiti siya sabay iwas. Tsk pasimple
Pagkatapos kumain ay maghuhugas sana ako pero pinigilan niya ako at sinabing maligo at mag ayos dahil may pupuntahan kami
Kahit nagtataka ay sinunod ko parin. Saka ko lang nalaman na walang pasok ngayon dahil sabado kaya pala ang agang dumating
Sinuot ko nalang yung blue na dress na binili sakin ni Aya at white shoes na regalo sakin nung Mama niya last year nakatabi lang dahil nahihiya akong isuot
Nagponytail lang ako at nagpulbo saka sinuot yung salamin ko
Pagkatapos mag ayos ay lumabas na ako. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Nang makita niya naman ako ay tumayo ito at pinatay ang TV
"Malabo ba mata mo?" tanong niya
"Hindi naman" sagot ko
"Tanggalin mo nalang"
"Ayaw bigay sakin to ni Mama eh" angal ko
"Parang tatanggalin lang saglit eh" mahinang bulong niya pero pinasadyang marinig ko kaya tiningnan ko siya ng masama "Sabi ko nga wag mo ng tanggalin" suko niya sabay kamot sa batok
"Halika na saan ba tayo pupunta?" tanong ko
"Secret" sabay hila sakin paalis
Sumakay kami sa kotse niya at siya na ang bahala kung saan kami pupunta
Nakarating kami sa mall. Pumasok na kami sa loob habang hawak niya yung kamay ko
Naglibot libot lang kami hanggang sa pumasok kami sa isang boutique. Pumunta kami sa men's wear
"Anong bagay sakin?" tanong niya habang hawak yung blue at green na polo
"Eto" turo ko sa blue
"Bibilhin ko to. Ikaw anong gusto mo? Dress? Skirt? Shoes?" tanong niya
"Ayoko. Punta nalang tayong Timezone" sabi ko kaya binayaran niya na yung polo saka kami pumunta sa Timezone
Nilaro namin lahat. Ngayon ay nilalaro namin yung basketball. Nagpataasan pa kami pero siya rin yung nanalo
Hindi namin napansin na inabot na pala kami ng tanghali kaya naghanap kami ng kakainan
Huminto kami sa isang restaurant at pumasok sa loob. Inasist naman kami ng waiter
"Baka mahal dito?" tanong ko pagkaupo namin
"Okay lang yan libre ko naman kaya wag ka ng umangal" sabi niya at nag order na
Hindi rin nagtagal ay dumating na yung order kaya kumain na kami
Steak na may fries at gulay sa gilid yung in order niya kahit alam kong mahal yun ay kinain ko nalang dahil sayang kung ibabalik ko lang
Nagkukwento siya habang tahimik akong nakikinig
Nang matapos ay inaya niya ako na magsine na hindi ko naman tinangihan
Pagkatapos mamili ng ticket ay namili naman kami ng makakain. Isang malaking popcorn at dalawang coke in can
Umupo na kami at hindi rin nagtagal ay nag umpisa na
Nakakakilig yung palabas dahil tungkol din siya sa lovers kaya maraming couple ang makikita mo sa paligid
Nang matapos ay pumunta naman kami sa park. Umupo kami sa swing
May naalala ako sa scene na ito. Dito kami unang naging magkaibigan sa lugar na ito dito sa mismong swing na ito
Umupo kami sa damuhan ng mapagod sa swing. Nakasandal ako sa ilalim ng puno habang nakahiga siya sa lap ko
Sinusukay ko yung buhok niya habang nakangiti siyang nakapikit at nakatitig ako sakanya
Ang swerte ko sakanya dahil bukod sa gwapo at mayaman ay sweet at malambing din siya sa sarili niyang paraan
Nung una hindi ko inakala na magkakagusto ako sakanya dahil sa mayabang siya at nakakainis pero heto ngayon at kami na
Masaya akong nakilala siya– sila. Swerte kami ni Hails dahil nakilala namin sila at naging parte ng buhay namin
Nang mag alas kuwatro ay hinatid niya na ako pauwi dahil may trabaho pa ako
Matapos kong mag ayos ay hinatid niya ako papunta sa restaurant. Hindi rin siya nagtagal dahil tinawagan siya ng kapatid niya. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako
Nagsimula na akong mag serve at magpunas pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung itsura niya habang kausap yung kapatid niya parang masamang balita
Tatanungin ko nalang siya bukas. Pinagsawalang bahala ko nalang muna at nag focus sa trabaho
*****
Thanks for reading!!!!
Please vote and comment!!
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...