Aya's POV
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Zach habang nagmamaneho siya
"Secret" sabi niya habang nagmamaneho
Hindi nagtagal ay huminto yung kami sa tabi ng dagat. Nagtataka naman akong tumingin sakanya
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko pero nginitian niya lang ako bago bumaba
Nagtanggal naman ako ng seatbelt at bubuksan na sana ang pinto pero nauna niyang binuksan
Uy! Nagiging gentleman na siya
Hinawakan niya yung kamay ko at naglakad kami papunta sa may tabing dagat kung saan may bangka o mas magandang sabihin na yate
Inalalayan niya akong sumakay doon at dinala sa may loob
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko at napahawak sa railings ng umandar na yung sasakyan
Inalalayan niya naman ako then pumunta kami sa loob. Dinala niya ako sa isang kwarto at nakita ko na may malaking kama doon
Umupo ako sa kama at pumunta siya sa may closet then binigyan niya ako ng white dress
"Bihis ka doon" sabi niya habang nakaturo sa isa pang banyo na sa palagay ko ay CR
Sinunod ko nalang yung sinabi niya at nagpalit. Tinaggal ko din yung heels ko dahil nangangawit na ako saka naghilamos ng mukha ko para matanggal yung make-up
Paglabas ko ay nakita ko si Zach na nagpalit na din naka t-shirt siya habang nakapantalon. May kinuha siya sa gilid at lumuhod sa harap ko
Nagulat ako sa ginawa niya. Hinawakan niya yung magkabila kong kamay at nilagay sa balikat niya saka tinaas yung kanang paa ko then may sinuot siyang dollshoes na kulay puti ganun din yung ginawa niya sa kabila. Tumayo naman siya pagkatapos at kinuha yung damit na dala ko then nilagay sa isang tabi
"Labas tayo?" pagaaya niya sakin. Tumango naman ako at ngumiti
Hinawakan niya naman yung kamay ko at naglakad kami palabas. Pumunta kami sa may upper deck at napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin
Humawak ako sa may railing at tumingin sa dagat. Kita ko yung mga ilaw ng mga bahay kumbaga city lights. Kahit na madilim ay napakaganda ng view
Nagulat naman ako ng maramdaman kong yumakap sakin mula sa likod si Zach. Hinayaan ko nalang siya at pumikit habang dinarama ang simoy ng hangin
Napaisip naman ako kung ano ng nangyari sa hotel. Siguradong galit ang tatay niya dahil napahiya sila. Ang kinakatakot ko lang ay baka itakwil siya ng tatay niya
Kamusta na kaya sila Kuya? Alam kaya nila kung nasan ako? Oo siguro dahil mukhang plano nilang magkakaibigan ito
Napabuntong hininga naman ako at tiningnan ang singsing ko. Napakaganda non at kumikinang. Hindi parin ako makapaniwala na engage na kaming dalawa ni Zach. Si Zach na pinakamamahal ko
"Gutom ka na po?" tanong niya
"Opo" sagot ko at bahagyang tumango
Kumalas naman ito sa yakap ko at hinawakan ulit ang kamay ko
"Tara kain na tayo" sabi niya at nagulat ako ng pagharap ko ay nakita kong may lamesa na doon at may pagkain
Pinaghila niya ako ng upuan kaya umupo na ako. Umupo naman siya sa harap ko
Hindi ko napigilang mapangiti dahil meron pang kandila sa gitna
May dunating naman na waiter at nilagyan ng wine ang baso
"Planado talaga ang lahat?" tanong ko habang nakatingin sa pagkain sa harap
Puro seafood ang nandoon. Iba't ibang putahe
Tumango naman siya habang nakangiti "Maganda ba? Nagustuhan mo?" tanong niya
"Oo naman" sabi ko at kumuha ng pagkain
Nagugutom na kasi ako. Napatawa naman siya ng mahina at kumuha na rin ng pagkain
Kaya niya pala ako niyakap kanina ay para maayos yung mga pagkain. Hindi ko talaga napansin iyon dahil nakatuon ang atensyon ko sa view at sa pag-iisip
Hindi ko inakala na ganito pala ang sinasabi nilang plano. Kaya pala mga kampante sila dahil sigurado sila tungkol sa ginawa nilang plano pero paano kung pumalpak? Sayang naman ito
"Matanong ko lang. Kaninong yate to?" tanong ko
"Ah kala Josh" sagot niya at uminom ng wine
Sila Josh pala ang may-ari nito. Ang sosyal naman hehe
"Uhm Zach. Paano kung itakwil ka ng Papa mo? Kasi diba hindi mo sinunod yung utos niya" nagaalala kong sabi
Napatigil naman siya sa pagkain pero nagpatuloy din at ngumiti
"Huwag kang mag-alala akong bahala doon" sabi niya
Kahit na sabihin niya yun ay hindi ko pa rin mapigilang wag mag-alala. Dahil sakin yun kaya mahirap
"Masarap ba? Ako nagpaluto niyan" proud na sabi niya
"Opo masarap" sagot ko
Sus naman parang yun lang. Pinaluto niya lang naman pero kung hindi niya pinaluto hindi ko to matitikman
Pagkatapos kumain ay bumalik kami sa kwarto. Pareho kaming nakaupo sa kama. Nilalaro niya yung kamay ko
"Zach" tawag ko sakanya
"Hmmm?"
"Saan ka matutulog?" tanong ko
"Siyempre sa kama" pamimilosopo niya
"Umayos ka nga" banta ko
"Maayos naman ako ha" sabi niya at tumingin sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin
"Dito" sabay tap sa kamang inuupuan namin
"Eh saan ako?" tanong ko
"Dito din" sabay tap ulit sa kama
Eh? Magkatabi kami?
"Tabi tayo?" gulat kong tanong
Painosente naman itong tumango
"Ayaw" sabi ko at umiling iling pa
"Ayaw mo ba akong katabi?" paawa niyang tanong
"Gusto kaso… baka… kasi" utal utal kong sabi
Hindi ko makuha yung dapat kong sabihin yung hindi siya naoofend
"Don't worry wala akong gagawin. Matutulog lang tayo" pay aasure niya
"Pero wala na bang ibang kama?" tanong ko
"Wala"
Eh?
Gusto ko naman talaga siyang katabi kaso nahihiya ako. First time ko kasing makatabi sa pagtulog ng lalaki. Sanay kasi ako na mag isa lang kung meron mang katabi eh si Hails lang
Pero naniniwala ako sa sinabi ni Zach na wala siyang gagawin. Na matutulog lang kami at kung meron man ay lagot siya sakin. Isusumbong ko din siya kay Kuya lagot siya don
Magkwentuhan lang kaming dalawa dahil parehas kaming hindi pa makatulog
Hindi rin nagtagal ay inantok na ako kaya humiga na kami. Nakahiga ako sa braso niya habang nakatakap siya sakin. Yung mukha ko ay nasa dibdib niya at ang ulo niya ay nakapatong sa ulo ko
Haayyy kahit na ayoko ang araw na ito ay hindi ko parin mapigilang gustuhin dahil sa nakasama ko ang pinakamamahal ko
*****
Thanks for reading!!!
^_^
![](https://img.wattpad.com/cover/96251838-288-k267948.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...