Chapter 28: I Don't Like You

9K 358 19
                                    

Aya's POV

Tahimik akong naglalakad dito sa hallway. Hindi ako nasundo ni Zach dahil may ginagawa pa daw siya kaya malalate din siya

Pagkarating ko sa room ay iilan palang ang tao, maaga pa kasi kaya wala pang gaanong tao

Umupo na ako sa pwesto ko at nilabas yung libro ko saka nagbasa

"Huy!" nagulat ako ng biglang may sumigaw sa harap ko at nakita ko si Hails na nakataas yung kilay pati sila Josh ay nakatingin din sakin

Doon ko rin narealize na marami na rin palang tao dito. Sa sobrang focus ko sa pagbabasa nakalimutan ko yung paligid ko

"Sorry, masyado lang akong nafocus dito sa binabasa ko kaya hindi ko kayo napansin" paghihingi ko ng pasensya

"Okay lang, teka ano nga palang nangyari kahapon?" tanong naman ni Josh

"Okay lang naman. Close kami ng mommy niya pero hindi ko alam sa daddy niya kasi hindi naman siya nagsasalita kaya nga ako kinakabahan eh" sagot ko

"Naku ganyan talaga si Tito nakakatakot pati nga kami natatakot diyan eh kaya nga kinabahan ako nung nalaman kong dumating na siya at gusto kang mameet" sabi ni Josh. Si Josh lang talaga ang talkative sa kanilang magkakaibigan pareho sila ng pinsan niya

Sasagot pa sana ako pero dumating na yung teacher kaya nagklase na

Wala pa rin si Zach. Sabi niya malalate lang siya eh bakit wala pa siya dito

Pagkatapos ng first subject ay nagsipuntahan sila sakin

"Bakit wala si Zach?" -Josh

"Diba lagi kayong magkasama?"-Bruce

Tanong nila

"Ano ba kayo kaibigan kayo ni Zach hindi niyo alam kung nasan siya?" sermon sakanila ni Hails

"Siya kasi yung kasama kagabi diba?" sagot ni Josh

"Ilang oras niyo palang akong hindi nakikita namiss niyo na agad ako. Nakakatouch naman" napatingin kami sa harap ng may magsalita

"Uy Zach bakit ngayon kalang?"- Bruce

"Oo nga hindi ka man lang nagsabi"- Josh

"Bakit ko naman sasabihin sainyo bakit sino ba kayo? Ha?" sabi niya sabay upo sa tabi ko

"Nagkagirlfriend ka lang ganyan ka na. Nakakahurt ka ng feelings" pagiinarte ni Josh

"Tumigil ka nga mukha kang bakla" inis na sabi ni Hails

"Ha! Napakagwapo ko para maging bakla saka maraming iiyak kapag nangyari yun" pagmamalaki niya pa

Bago pa tuluyang magtalo yung dalawa ay dumating na si Ma'am kaya nagsiayusan na sila

Umupo si Hails sa likod ko sa tabi ni Nate. Nagpalit sila ni Zach gusto raw kasi nilang katabi yung mahal nila haha

"Sabi mo malalate ka lang. Bakit second subject ka na pumasok?" tanong ko sakanya hinawakan niya naman ang kamay ko bago sumagot

"Nung pumasok kasi ako, kalagitnaan na ng klase kaya sabi ko mamaya nalang ako papasok kasi ng diba terror yun baka kung ano ano yung itanong sakin nun" sagot niya

"Tsk"

"Makinig na tayo baka makita tayo ni Ma'am nakakatakot pa naman yan kapag nagalit parang dragon tapos bubugahan tayo ng apoy" napatawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi niya

Andami talagang kalokohang alam ng lalaking to

                            ~*~

Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Hinatid lang ako ni Zach sa apartment at umalis na siya

Nag ayos lang ako at pumasok sa trabaho

Habang nagpupunas ng lamesa ay nagulat ako ng may isang lalaking nakaitim ang lumapit sakin

"Ayako Zein Khan?" tanong niya

"Ako nga po. Bakit po?" sabi ko

"Gusto po kayong makausap ni Mr. Zeke Davis" magalang niyang sabi

"Po? Zeke Davis? Ako po?" naguguluhang tanong ko

Tumango lang ito at sinabing sumunod ako kaya sumunod nalang ako at sumenyas kay Ate Vivoree na lalabas lang

Pinasakay niya ako sa isang itim na kotse sa labas ng restaurant

Nagulat ako ng makita ko sa loob yung daddy ni Zach

"Good afternoon po" bati ko dito

"Didiretsuhin na kita hija. Hindi kita gusto para sa anak ko" sabi niya

"Po?" gulat kong sabi

"Ayoko sayo dahil hindi lalago ang kumpanya. Walang kinabukasan ang kumpanya kung ikaw ang mapapangasawa ng tagapagmana ko. Kaya habang maaga pa ay iwanan mo na ang anak ko. Bibigyan kita ng pera para umalis kung maaari ay pumunta ka sa ibang bansa at kailan man ay wag ng magpapakita samin" sabi niya

Nagulat ako dahil hindi ko alam na ganto pala ang tatay niya. Na mahalaga lang sakanya ang kinabukasan ng kumpanya

"Babalik ako dito bukas at gusto kong malaman ang sagot mo. Sana ay isagot mo ang tama" sabi niya at sinenyasan akong lumabas na

Pagkalabas ko ay umalis na yung kotse at iniwan akong tulala at umiiyak

Bakit ganun? Porket ba mahirap ako ay hindi na ako pwedeng maging mayaman? Hindi niya ba maintindihan na mahal lang namin ang isa't isa? Bakit? Umiiyak lang ako dito hanggang sa lumabas si Manager Anne

"Jusko anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong niya

Hindi ako sumagot at niyakap lang siya habang umiiyak. Pinasok niya ako sa loob at mabuti nalang dahil walang customer

Sinara muna nila ito at pumalibot sakin

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

"Anong ginawa o sinabi sayo nung lalaki kanina? Ha?"

Lahat sila nag aalala sakin kaya dapat hindi na ako umiiyak. Ayaw kong makita silang ganyan

Pinilit kong tumahan at magsalita

"Nakausap ko kanina yung tatay ni Zach at sinabi niyang… sabi niya ayaw niya daw ako para sa anak niya kaya gusto niyang maghiwalay kami" sabi ko habang pinipigilang umiyak

"Ansama naman niya para sabihin sayo yun. Hindi porket mahirap tayo ay hindi na tayo pwedeng mag asawa ng mayaman. Tsk mga tao ngayon" sabi ni Ate Vivoree

"Tahan na. Wag ka mag alala kahit anong mangayari nandito lang kami" sabi ni Manager Anne

Napakaswete ko na nandito sila para sakin

Maaga nila akong pinauwi para raw makapagpahinga ako. Pinahatid pa nila ako kay Daren para lang makasiguro na ligtas ako

Nagpasalamat ako sakanya at pumasok na sa loob pero pakiramdam ko parang may nakamasid sakin

Siguro dahil lang to sa pagod kaya kung ano anong naiisip ko. Humiga agad ako sa kama pagkapasok

Hayy nakakapagod. Inalis ko muna yung mga problema para makapagpahinga. Kailangan kong ipahinga yung utak ko

Hanggang sa lamunin na ako ng antok

                         ~#~

Someone's POV

Tsk hindi nila kilala ang kinakalaban nila. Hindi dapat nila pinaiiyak at sinasaktan ang nag iisa naming prinsesa

Hintayin niyo ang magiging kabayaran ng ginawa niyo sakanya

Hinintay ko munang makapasok siya. Nang makita kong nakapatay na yung ilaw ng kwarto niya ay umalis na ako pero pansin ko na may tao sa isang sulok kanina

Hindi ko nalang yun pinansin at umalis na kailangan ko itong sabihin sakanya

******

Thanks for reading!!!!

Alam kong maraming katanungan ngayon isipan niyo pero malapit na yang masagot dahil malapit na rin ang revelation

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon