Aya's POV
"Nakakaawa siya"
"Oo nga mahirap ang hindi tanggap ng pamilya ng mahal mo"
"Dapat lang sakanya yan noh? Para magising siya sa katotohanan"
"Yeah, Feeling niya naman bagay siya sa pagiging girlfriend ni Prince Zach"
"Mabuti ngayon nagising na siya sa katotohanan"
"Masyado kasing ambisyosa hahaha"
Nagtawanan sila matapos akong pagchismisan. Hindi kasi nila alam ang nararamdaman ko eh
Nakayuko akong naglalakad habang nakayakap sa libro ko pero napahinto ako ng may makita akong mga paa sa harap ko
"Hey, Nerd" napatingin ako kila Diana na nasa harap ko kasama yung mga alipores nila
"Look at her nakakaawa siya. Masyado ka kasing ambisyosa kaya iyan. Wag ka kasing mangarap ng mataas iyan tuloy bigla kang bumagsak" pang aasar niya kaya nagtawanan sila pati yung mga tao dito sa hallway
Napayuko nalang ako para hindi nila mapansin ang pag iyak ko. Nagulat ako ng biglang may humarang sa harap ko. Pagtingin ko ay si Hails
"Anong karapatan niyo para pagsalitaan ng ganyan ang best friend ko. Ha? Wala kayong karapatan dahil hindi niyo alam ang nararamdaman niya" singhal niya sakanila
"Ano naming pake mo ha? Isang ka pang ambisyosa. Lumakas na yung loob mo simula ng maging boyfriend mo si Nate" sigaw pabalik ni Diana
"Bakit naiingit ka? Kasi naging boyfriend ko yung matagal mo ng gusto? Kailan man ay hindi magiging sayo si Nate dahil napakapanget ng ugali mo" sabi ni Hails
Napipikon na si Diana at balak sana niyang sabunutan si Hails ng biglang may humawak sa kamay niya at ng makita niya kung sino ay nagulat ito at natahimik
"N-nate"
"Don't you dare hurt my girlfriend" matigas na sabi niya
"N-nate. Bitawan mo ko n-nasasaktan ako" at yung pinipigilan niyang luha ay umagos na
Nang bitawan siya ni Nate ay bigla itong tumakbo habang umiiyak. Sumunod naman yung mga alipores niya
"Ayos lang kayo?" tanong ni Nate
"Oo. Ha! Bagay lang sakanya yun at least naranasan niyang masaktan. Sampalin ba naman ng katotohanan" natatawang sabi ni Hails "Bes wag mong pansinin yung mga sinasabi nila. Mga insecure lang yung mga yun" pagpapagaan niya
Naglakad na kami papunta sa room. Nang tanungin namin si Nate kung bakit nandoon siya at hindi kasama yung lima sabi niya susunduin daw dapat niya si Hails sa gate kaso nadatnan daw niya kami doon
Pasalamat kami dahil dumating si Nate dahil kung hindi ay siguradong magkakarambulan doon at baka maguidance pa kami at makakasama yun sakin dahil running for valedictorian ako
Nang makarating sa room ay kumpleto na sila doon at ng makaupo ay biglang lumapit samin si Josh
"Narinig ko may away daw kanina at kasali kayong tatlo doon" sabi niya
"Tsk kailan ka pa naging chismoso ha?" tanong sakanya ni Hails
"Narinig ko lang sa nasa unahan ko kanina noh kaya hindi chismoso ang tawag doon" pagtatanggol niya sa sarili niya
At nagaway na naman sila. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Zach at umupo sa tabi ko
"Sorry ngayon lang ako hindi kita napagtanggol kanina. May mahalagang bagay kasi akong ginawa" sabi niya
"Okay lang"
~*~
Habang naglalakad kami sa hallway ay magkahawak kami ng kamay ni Zach
Masaya ako dahil kahit na hindi payag ang tatay niya samin ay walang pinagbago ang pagmamahal niya sakin
Natigil kami sa paglalakad ng biglang humarang sila Beatrice sa daan namin
"Hi Zach. Ihatid mo ulit ako mamaya ha?" pasweet na sabi niya sabay tanggal ng pagkakahawak ng kamay namin pero hindi niya magawa dahil mahigpit ang hawak namin na naging dahilan para sumama ang timpla ng mukha niya
"Zach, sabay tayong maglulunch diba? Sinabi mo yun sakin nung sinusundo mo ako sa bahay" napabitaw ako sa kamay niya
So siya pala yung mahalagang bagay na sinasabi niya? Na naging dahilan kung bakit siya late at hindi ako napagtanggol? Pero ano namang say ko? Girlfriend lang ako at fiancee siya. Kahit na ako ang mahal siya parin ang pakakasalan. Ano pang saysay ng pagiging girlfriend niya? Bakit kasi mahirap ako?
Ngumiti nalang ako ng pilit "Samahan mo na siya. Masamang hindi tumupad sa pangako"
"Pero-"
"Zach, siya na ang nagsasabi kaya tara na" pagpuputol niya sa sasabihin ni Zach sabay kapit na parang linta kay Zach
Pinanood ko lang sila habang naglalakad palayo. Pilit pang lumilingon si Zach pero hindi siya hinahayaan ni Beatrice
Masakit man pero kailangan saka para sakanya rin naman yun
Tumalikod nalang ako at pumunta sa garden. Ramdam ko ang pagsunod sakin ni Hails at Nate
"Alam mo beshy ang tanga mo" sermon sakin ni Hails pagkaupo ko sa ilalim ng puno
"Tingin ko naman tama yun atsaka para narin sa ikabubuti ni Zach yun" sagot ko
"Tapos ito ka nasasaktan? Mahal niyo ang isa't isa kaya dapat ipaglaban niyo rin ang isa't isa. Kahit na may sagabal magagawa niyong lampasan yan. Ano pang silbi na mahal niyo ang isa't isa kung hindi niyo naman kayang ipagtanggol ang sarili niyo? Bes diba matalino ka? Diba matapang ka at haharapin ang lahat ng pagsubok? Ganyan kita nakilala pero bakit ngayon naguumpisa ka ng mag give-up? Hindi ikaw ang best friend na nakilala ko 7 years ago kung maggigive-up ka na agad" mahabang sermon niya saka umalis
"Tama yung sinabi niya. Nakilala ka namin na hindi madaling sumuko sa pagsubok. Pagisipan mo. Nandito lang kami kahit anong mangyari dahil kaibigan mo kami. Susundan ko muna" sabi niya sabay tapik sa balikat ko at sinundan si Hails
Naiwan ako ditong tulala at iniisip ang sinasabi nila. Tama sila dahil hindi ako yung tipo ng tao na madaling sumuko. Kaya nga ako tumagal ng pitong taon na magisa at walang alalay ng magulang. Sa dami ng pagsubok na naranasan ko ngayon pa ba ako susuko? Ako kaya yung tipo ng tao na hindi madaling sumuko. At ngayon patutunayan ko sakanila na ako parin ang taong nakilala nila. Na matapang at hindi marunong umatras sa anumang pagsubok
Bukas. Simula bukas ay hindi ko na tatakasan ang problema at pagsubok ko. Babawiin ko kung ano ang akin. At akin si Zach. Mahal namin ang isa't isa kaya lalabanan namin ito. Kahit na buong mundo pa ang kalaban namin
Hindi ako susuko
*******
Thanks for reading!!!!!
Iyan na!!!! Fighting Aya!! Ipaglaban ang pagmamahalan!
Dedicated to @Baymax_Cutiepie
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...