Chapter 1: The Nerd

19.2K 562 46
                                    

Ayako's POV

"Ewww, bakit ba pinapayagan nilang dito mag aral 'yang nerd na iyan?"

"Oo nga dapat hindi na siya pumasok."

"Yeah right, hindi ba siya nahihiya sa itsura niya, kung ako siya magtatago nalang ako sa bahay namin."

"Kahihiyan lang ang dala ng nerd na iyan sa school ng mga mayayaman."

Ilan lang yan sa mga bulungan dito sa hallway pagpasok ko pero hindi ko nalang sila pinansin at nanatiling nakayuko habang naglakad.

"Argh! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, Nerd!" sigaw sa akin ni Diana, siya ang kanang kamay ng Queen Bee dito dahil sa yaman nila at ganda pero bitch naman.

"S-s-sorry po, Diana. P-pasensya na hindi na m-mauulit," utal utal kong sabi habang nakayuko. 

Takot din ako, noh. 

Sasabunutan sana ako nito ngunit napahinto ito ng biglang nag bell. 

Hayyys, saved by the bell.

"Pasalamat ka nalang dahil nag-bell na pero sa susunod na makita kita hindi ko na iyon palalampasin." Sabi nito bago umalis pero binangga muna nito ang balikat ko kaya natumba ako at nalaglag na naman ang dala kong mga libro.

Dali-dali kong pinulot ang mga ito at pumunta na sa room ko. Baka malate pa ako.

Pagbukas ko palang ng pinto ay mga nilamukos na papel agad ang sumalubong sa akin galing sa mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin at naglakad na papunta sa upuan ko pero habang naglalakad ay pinatid ako ng isa kong kakalase na naging dahilan para madapa ako.

Napuno ng tawanan at pang aasar ang buong klase kaya tumayo na lang ako at inayos ang sarili ko bago ako umupo sa upuan ko. Hindi ko nalang sila pinapansin dahil sanay na ako sa kahihiyan na ibinibigay nila sa akin.

Natahimik rin ang klase ng dumating ang guro namin sa unang subject.

BTW! Hindi pa pala ako nagpapakilala dahil sa pambubully nila sa akin.  Ako nga pala si Ayako Zein Khan, 17 years of existence, isang nerd at ulilang lubos, kung nagtataka kayo kung bakit ako nag-aaral sa isang sikat na paaralan ay dahil isa po akong dakilang scholar.

Isang Grade 12 student dito sa Alcantara University.


****

FAST FORWARD

Recess na ngayon at andito ako sa paborito kong tambayan ang library. Dito ako kumakain ng sandwich na baon ko habang nagbabasa ng libro kasi kung sa cafeteria pa ay baka hindi rin ako makakain dahil ibubully lang nila ako.

Hindi naman ako pinagbabawalan ng librarian dito dahil alam niya ang kalagayan ko.

Kung nagtataka kayo kung may kaibigan ba ako o wala, ang sagot diyan ay meron, sadyang nasa business trip lang siya. Siya si Hailey Rose Anderson, 18 years old na siya at pareho kaming Grade 12

Mayaman ang nag iisang best friend ko at ang pamilya nila ang may ari ng isang 5 star restaurant. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.

Kabaligtaran ko naman siya dahil kung ako mahiyain siya naman ay matapang kaya nga siya ang savior ko. Tahimik ako habang siya naman ay maingay, bubbly at palakaibigan pero ako lang ang kaibigan niya dahil plastik lang daw yung iba at ako lang daw yung hindi.

Pero siyempre kung may pagkakaiba meron ding pagkakapareho at iyon ay pareho kaming mahilig magbasa, masayahin at kumain ng sweets.

So iyan muna at pupunta na ako sa susunod kong klase dahil malapit ng magtime.


****

FAST FORWARD

Kakatapos lang ng klase at naiwan ako para maglinis dahil hindi naman naglilinis ang mga kaklase ko pero okay lang dahil sanay na ako. Nagwalis lang at inayos ang mga upuan ang ginawa ko at umalis na rin dahil papasok pa ako sa trabaho ng ala sais at 4:30 na.

Lumabas na ako ng classroom at dumiretso papuntang gate. Naglakad lang ako papunta sa apartment na nirerentahan ko, walking distance lang kasi ito. Maliit lang ito kasyang pang isang tao lang.

Naggawa lang ako ng mga assignment at nag ayos na para pumasok. Hindi ko muna sinuot yung uniform dahil doon ko nalang susuotin baka kasi madumihan.

Lumabas na ako ng bahay at naglakad dahil malapit lang naman at para bawas gastos. Pagkarating doon ay nagbihis lang ako at tumulong sa pag-se-serve.

"Aya, pa-serve sa table 4," sabi ni Ate Vivoree isa sa mga kaempleyado ko mas matanda lang siya ng tatlong taon sa akin.

Kinuha ko na yung tray at dinala sa table 4. "Here's your order sir, enjoy your meal." Magiliw kong sabi sa lalaking customer na nakaupo sa table 4.

"Ah! Thanks!" sabi niya pero hindi nakatingin sa akin kaya hindi ko nakita ang mukha niya pero sigurado akong gwapo siya. Umalis na ako doon at nag-serve sa iba.

"Aya! Tawag ka ni Manager Anne." Sabi sa akin ni Daren, isa rin sa mga ka-empleyado ko dito at hindi rin nagkakalayo ang edad namin.

"Sige tatapusin ko lang ito." Sabi ko at tinapos ang pinupunasan kong lamesa.

Pumunta na ako sa office ni Manager Anne at kumatok.

"Pasok!"

Pagpasok ko ay nakita ko si Manager Anne na may inaayos na mga papeles.

"Upo ka muna Aya, sandali lang at tatapusin ko lang ito," wika niya. Umupo na ako at hinintay siyang matapos kagaya ng sinabi niya.

"Aya, dahil sa kasipagang ipinamamalas mo nitong nakaraang mga araw ay dinagdagan ko ang sweldo mo, ito oh!" wika niya ng matapos at inabot sa akin ang isang sobre na naglalaman ng sweldo ko sa loob ng isang buwan.

"Salamat po, Manager Anne." Masaya kong sabi

"Sige na at bumalik ka na sa trabaho mo."

Lumabas na ako ng may ngiti sa labi. Pumunta muna ako sa locker at inilagay to doon saka ako bumalik sa trabaho.

"Bakit ka daw pinapatawag?" bungad sa akin ni Ate Vivoree.

"Binigay lang yung sahod ko," sabi ko at kinuha ang mga i-se-serve ko at nagpunas na rin ng lamesa.

"Ay! katapusan na pala ng buwan magkano kaya ang sahod ko, hindi na ako makapaghintay." Masayang sabi pa niya at bumalik na sa trabaho.

Maya maya rin ay nagsara na ang restaurant kaya nag-kanya kanya na rin kami ng uwi.

"Sigurado ka bang ayaw mong sumabay, Aya?" nag aalalang sabi ni Daren, gusto niya kasing sumabay ako sa motor niya dahil delikado na daw sa daan dahil gabi na at babae pa ako, sila Ate Vivoree at Manager Anne naman at nauna na.

"Hindi na malapit lang naman ang apartment na tinutuluyan ko," sabi ko at nag simula ng maglakad pauwi. Ganyan talaga sila sa akin kasi parang magkakapatid na rin ang turingan namin sa isa't isa.

Nang makarating sa apartment ay nag ayos at kumain lang ako. Nang matapos ay pumunta na ako sa kwarto ko at hiniwalay hiwalay ang sahod ko para sa mga gastusin. Saka ako humiga at nagpahinga.

'Hayy! Nakakapagod ang araw na ito' sabi ko sa isip ko bago ako lamunin ng antok.


*****

Thank you for reading!

Hope you liked it! Please leave a vote and comment your thoughts!(~ ̄³ ̄)~

-💜

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon