Chapter 43: Father and Son

9.1K 345 31
                                    

Zach's POV

To: My Nerd ♥

Sunduin kita bukas ng umaga?

From: My Nerd

Wag na diba nga hindi alam nila Lolo na alam mo na? Edi buking tayo! Kulit mo talaga ^_^

To: My Nerd

ToT Sayang naman! Huhu

From: My Nerd

Haha sige na at tinatawag na ako sa baba. Bye I love you :*

To: My Nerd

Sige po. Bye I love you too :*

*tok* *tok* *tok*

Napatingin ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko at nakitang pumasok si Butler Han.

"Young master, ipinapatawag kayo ni Master Zeke" sabi niya sabay bow bilang pagbibigay respeto

"Nasaan siya?" tanong ko

"Nasa opisina niya" sagot niya

"Sige susunod ako" sabi ko at umalis na siya pagkatapos yumuko

Inayos ko muna yung itsura ko bago bumaba dahil dapat pa rin na maging maayos kahit na sa bahay at si Daddy lang ang kakausapin ko

Hindi ko rin mapigilang kabahan dahil huli kaming nag-usap ay noong pag-uwi ko kinabukasan pagkatapos ng Engagement Party. Muntik niya pa akong palayasin katulad ng sinabi niya noon pero napigilan siya ni Mommy at ni Zam

Nag-away kami at halos masira ang mga gamit sa sala dahil doon. Non ko lang kasi siya sinuway buong buhay ko lagi ko siyang sinusunod dahil gusto kong maging katulad niya pero ngayon ipaglalaban ko yung tama at akin

Lahat ng makakasalubong kong maid at butler ay yumuyuko sa tuwing dinadaanan ko sila. Hindi ko nalang sila pinansin at dumeretso sa opisina ni Daddy

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. Nang marinig ko ang sagot sa loob ay pumasok na ako

Nakita ko siya na nakatayo sa harap ng bintana niya pero humarap siya ng nasa harap niya na ako

Iminuwestra niya sakin ang upuan kaya umupo ako sa sofa habang umupo siya sa gitna at single couch

"Mahal mo ba talaga siya?" agad niyang tanong

Kahit hindi niya sabihin kung sino ay alam ko na. Alam ko na na ito rin ang pag-uusapan namin kaya kahit papaano ay napaghandaan ko

"Opo Mahal na mahal ko siya, Papa" matatag kong sabi

Pinakatitigan muna ako nito na parang tinitingnan kung nagsasabi ako ng totoo bago bumuntong huminga at magsalita

"Alam mo napagisip-isip ko ang tungkol sa inyong dalawa dahil sa nalaman kong kaya mo akong balewalain at hindi sundin. Iyan ang bagay na hindi ko nagawa noon. Hindi ko napaglaban ang pagmamahal ko sa babaeng minahal ko dati pero hindi ko pinagsisihang mahalin ang Mommy mo at ang step mother mo ngayon. Alam kong hindi mo mapapabayaan ang kumpanya kahit na walang kumpanya ang minamahal mo. Susuportahan ko na kayong dalawa dahil napatunayan niyo na sakin ang sarili niyo. Simula palang ng makausap ko siya bago ang engagement party ay nalaman kong mahal ka talaga niya kaya maswerte ka dahil nakakita ka ng ganyang babae. Sana ay maging masaya kayong dalawa anak at tandaan mo na kung may kailangan kayo ay huwag kayong mahiya" mahabang sabi ni Papa

Nakangiti lang ako habang nagsasalita siya. Napakasarap pala sa pakiramdam na sinusuportahan ka ng Tatay mo sa babaeng mahal mo

Sa sobrang saya ko pa ay niyakap ko siya pero yung manly hindi ko rin napigilang mapaluha dahil sa saya. Dapat ay malaman to ni Aya dahil siguradong matutuwa siya

"Salamat Papa. Maraming maraming salamat. Sobrang saya ko na malamang tanggap mo na kaming dalawa" sabi ko sabay kalas sa yakap at punas ng luha

"Wala yun" sabay tapik sa balikat "Dito mo kaya siya pakainin ng lunch? Matutuwa ang Mommy at kapatid mo" sabi ni Papa habang nakangiti

Ngayon ko nalang ulit nakitang ngumiti ng tunay si Papa yung puno ng saya na ngiti at napakasarap pagmasdan niyon

"Sige po sasabihin ko sakanya" sagot ko

"O sige makakaalis ka na dahil may aayusin pa ako" lumabas na ako at nakangiting bumalik ng kwarto

To: My Nerd ♥

Dito ka lunch samin. May importante akong sasabihin. Sunduin kita sa kanto nitong village namin

From: My Nerd

Anong meron? Di mo ba pwedeng sabihin ngayon?

To: My Nerd

Importante kaya dapat personal. Kita nalang tayo mamaya. Bye! I love you! :*

From: My Nerd

Ok po bye! I love you too :*

                          ~*~

"Ano ba talagang sasabihin mo? Bakit kailangan ko pang pumunta dito?" takang tanong ni Aya na may halong kaba habang naglalakad kami papasok sa bahay

"Malalaman mo mamaya" sagot ko habang nakangiti hanggang sa tuluyan na kaming makapasok

Dumiretso kami sa dining area at nakita namin doon si Papa, Mommy at Zam na nakaupo at nakangiting hinihintay kami

Ipinaghila ko si Aya ng upuan na katapat ni Zam na katabi ko habang ako ay umupo sa kaliwa ni Papa

"Kanina ka pa namin hinihintay hija. Halika kumain na tayo" nakangiting wika ni Papa na alam kong nagpagulat ng husto kay Aya

"P-po? P-pasensya na po kung pinaghintay ko k-kayo. Kain na po t-tayo" hindi pa nakakahuma sa gulat na sagot niya

Nagtataka namang tiningnan ako ni Papa

"Haha Papa gusto ko kasing masorpresa si Aya sa gagawin niyo kaya hindi ko muna sinabi. Pasensya na" natatawang sabi ko

"I-ito ba yung sinasabi mong importante mong sasabihin?" medyo pabulong na tanong niya sakin

Napakamot naman ako sa batok dahil siguradong malalagot ako dito mamaya

"Oo hehe" sabi ko kasabay ng pagkurot niya sa tagiliran ko

Itong girlfriend ko nahahawa na sa kabrutal-an ng best friend niya. Marunong na akong saktan eh

"Kayo talagang mga bata kayo oh. Kumain na nga kayo" bawal ni Mommy kaya napangiti ako at kita ko ang pamumula niAya

Nilagyan ko yung plato niya ng kain at ulam saka kami masayang kumain. Nagkukwentuhan kami na isa sa madalang na mangyari sa bahay na ito lalo na sa hapag-kainan pero ngayon ay nagagawa na namin

Pagkatapos kumain ay nag-usap muna si Papa at Aya. Hindi na ako kinabahan dahil alam kong tanggap na siya ni Papa kaya hindi siya magagawang saktan

Matapos mag-usap ay pumunta kami ni Aya sa garden at umupo sa bench

"Hindi pa rin ako makapaniwala na tanggap na tayo ng Papa mo. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon" sabi niya habang nakatingin sa langit

"Ganyan din yung nararamdaman ko kanina. Walang mapaglagyan yung saya ko at salamat sayo dahil naramdamdaman ko ulit ito" pasasalamat ko sakanya

"Ganon din ako sayo at hinding hindi yun magbabago" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko at may matatamis na ngiti sa labi

Napakaswerte ko na nakilala ko siya at minahal

******

Thanks for reading!!!!!

Sorry! Sorry po talaga kung ngayon lang ako nakaupdate. Ngayon lang kasi kami WiFi at medyo nahirapan din akong gumawa ng mga bagong chapter dahil masama ang pakiramdam ko dahil sa ubo. Gustong gusto ko po talagang magsulat, gumawa at mag post kahapon kaso hindi talaga kaya. Kaya pasensya na talaga

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon