Chapter 6: Deal

11K 397 2
                                    

Aya's POV

"Pssst!! Nerd!"

Tuloy tuloy pa rin ako sa pagbabasa.

"Pssst!! Nerd!"

Huwag mong pansinin.

"Uuyyyy Nerd!!" bulong pa nito sabay kalabit.

Sinamaan ko ito ng tingin at nagpatuloy sa pagbabasa pero tuloy pa rin ito sa pangangalabit kaya hindi na ako nakapag pigil at nasigawan ko ito.

"Hindi ka ba talaga titigil!?!"

Doon ko lang napansin na nakatingin na pala sa amin ang lahat habang masasama ang tingin. Napapikit ako dahil alam kong ilang sandali lang ay masisigawan na naman ako.

"Get out now!!!!!" galit na sigaw nung librarian.

Dali dali ko namang niligpit yung mga gamit ko mabilis na umalis habang ramdam ko na nakasunod itong Yabang na ito. Napabuntong hininga ako at napasimangot.

First time kong mapalayas at masigawan ng librarian.

"Hahahahahahaha!!!" tawa nito nang pagkalabas namin.

Sinamaan ko naman ito ng tingin pero tawa pa rin ito ng tawa.

Napagalitan na nga kami at pinalabas pero may gana pa siyang tumawa? Nakakainis.

Nang napansin nito ang tingin na ibinibigay ko dito ay tumigil na ito pero halatang nagpipigil lang.

"Nang dahil sa iyo hindi na ako pwedeng pumunta sa library ngayon!" inis kong sabi sakanya at iniwan siya doon.

Pupunta nalang akong garden kasi doon lang tahimik maliban sa library tutal ay mamaya pa yung klase ko. Wala akong ibang matatambayan bukod doon lalo na ngayong pinalayas ako sa library.


*****

Zach's POV

Umalis na rin ako ng umalis si Nerd pero di ko na siya sinundan.

Grabe, hindi ko talaga napigilan yung tawa ko dahil sa itsura nung librarian hahaha galit na galit.

Pumunta nalang ako sa tambayan namin dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Sigurado kasing galit na galit din sakin si Nerd.

Nadatnan ko naman na nagvi-video games yung kambal habang nakaupo sa lapag samantalang nag ce-cellphone si Josh habang naka upo sa single couch. Siguradong nasa kusina si Nate habang si Ash naman ay nagbabasa sa sofa katabi yung pusa niya. Umupo nalang ako sa tabi ni Ash at naglaro sa din cellphone ko.

Boring.

Nang tamarin na ako sa kakalaro ay lumabas nalang ako ng tambayan. Napadaan ako sa punong laging tinatambayan ni Nerd at nakita ko siya doon na natutulog. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya.

Hindi ko alam pero feeling ko gumaganda siya, yung mahahaba niyang pilik mata, matangos na ilong, rosy cheek at yung labi niyang kulay pink parang ang sarap hali- Aaaaaaahhh!! Ano bang iniisip ko?! Bakit pinagnanasahan ko yang Nerd na iyan?! Nerd yan! Nerd! Nerd!

Aish, nababaliw na ako.

Ginulo ko ang buhok ko at halos sabunutan ko na ang buhok ko dahil sa frustration.

"Nababaliw ka na ba?" dinig kong tanong ni Nerd na gising na pala.

"Aish! Ikaw may kasalanan nito! Ikaw na Nerd ka!" bulyaw ko rito na nagpagulat sakanya.

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon