Aya's POV
Pagkatapos ng party ay kinausap ko sila Lolo. Ang barkada naman ay inaya ni Lolo na dito nalang matulog dahil malalim na ang gabi. Kasalukuyan naman silang nasa may mga guest room. Nakapagpalit na rin ako ng damit
Nakaupo ako ngayon dito sa sofa sa office ni Lolo katabi ko si Kuya habang kaharap si Kuya Aaron at nasa single chair naman si Lolo
"Apo ano ang iyong sasabihin?" tanong ni Lolo na halatang curious dahil hindi ko maipagpabukas ang usapan
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita
"Alam ko na po kung sino yung bumangga sakin 14 years ago" sabi ko
Napaseryoso naman sila at napa-ayos ng upo. Tiningnan nila akong tatlo na hinihintay ang sasabihin ko
"Siya yung driver at dahilan kung bakit sila nagkaganon. Hindi ko alam ang pangalan niya at aalamin ko palang bukas. Gusto ko lang na sabihin sainyo kasi alam kong naghahanap din kayo ng impormasyon" paliwanag ko
"Aya sino yung sila na sinasabi mo?" tanong ni Kuya Aaron
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko kasi baka makulong din sila at ayokong mangyari yun dahil kay Hails at dahil sa naging mahalaga na rin sila sakin
Nahalata naman nila ang pagdadalawang isip ko kaya nagsalita ulit si Kuya Aaron
"Sige na Aya karapatan din namin na malaman"
Napaisip naman ako bago sumagot
"Si... Ang pamilya Anderson pero nagsisisi na sila kaya wala ng dahilan para makulong sila. Napatunayan na nila sakin yun dahil sila ang nag-alaga at tunulong sakin noong mag-isa lang ako" pagtatanggol ko
"Sige pero dapat may makulong para pagbayaran ang kasalanan nila. Sige na magpahinga na kayo" sabi ni Lolo humalik ako sa pingi niya bago kami nagsialisan
Sabay sabay kaming tatlo na naglakad papunta sa kwarto namin. Magkakatabi lang din naman kasi yung mga kwarto namin
Pagkahatid nila sakin sa tapat ng kwarto ko ay nagpaalam na ako at humalik sa pisngi nila bago pumasok
Sumalampak ako ng higa sa kama pagkapasok ko
Hayyy nakakapagod ang araw na ito
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako
~*~
Nakaupo ako dito sa sofa sa bahay nila Hails. Nakasuot ako ng white dress at white doll shoes then nakalugay yung buhok ko at walang salamin
Nakita ko naman na dumarating sila Tita at Tito kasama si Hails
Pagkalapit sakin ay bigla nalang akong niyakap ni Tita habang umiiyak
"I'm sorry hija. I'm so sorry. Hindi namin ginusto ang nangyari noon. Patawarin mo kami" sabi niya bago kumalas sa yakap at nagpunas ng luha
"Tita ano ba naman kayo. Napatawad ko na kayo. Matagal na kahit wala pa akong alaala" sabi ko sabay punas din sa luha na hindi ko namalayang tumulo
Umupo naman si Tita sa tabi ni Tito na seryoso habang si Hails ay tumabi sakin
"Uhm Tita ginawa ko po ito" sabi ko at binigay sakanya yung box ng cupcakes na ginawa ko kanina
"Thank you hija. Nag-abal ka pa" sabi niya at tinaggap
"Nagpunta po talaga ako dito para sana uhm itanong tungkol doon sa lalaki na nagplano tungkol sa pagkakabangga ko. Ano pong pangalan niya?" tanong ko at tiningnan sila
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...