Aya's POV
Mabilis lumipas ang araw at mas lumalim ang pagkakaibigan namin. Kasalukuyan kaming nandito sa tambayan nila at nagku kwentuhan.
"Uhm, Aya, matanong ko lang. Anong nangyari sa parents mo?" nag aalanganing tanong ni Bryan.
"Oo nga kasi hindi ka masyadong nagku kwento pero kung ayaw mo okay lang, hindi ka namin pipilitin." Dagdag ni Bruce.
Itong kambal na ito laging magkadugtong ang sagot parang magkadugtong din ang utak.
Oo nga pala nung nakaraan kasi ay nagku-kwentuhan kami tungkol sa mga family namin. Na-OP nga ako eh kasi bukod sa wala akong magulang ay wala rin akong business. Halos lahat kasi sila ay mga magiging tagapagmana ng mga business ng pamilya nila samantalang ako lang ang hindi.
"Uhm... okay lang naman at saka kaibigan ko naman kayo kaya hindi masamang ikuwento ko sa inyo," sabi ko at nag umpisang magkuwento.
*Flashback*
Nagising akong walang alaala noon sa ospital noong 4 years old ako. Hindi ko alam kung anong pangalan ko at ang lahat hanggang sa may isang babae at lalaki ang nagpakilalang mga magulang ko.
Ramdam ko na totoo ang sinasabi nila kaya sumama ako sa kanila. Dinala nila ako sa Pilipinas para daw lumayo sa mga gustong manakit sa akin. Sila din daw kasi ang may dahilan kung bakit ako nawalan ng alaala.
Nanirahan kami sa isang hindi kalakihang bahay. Nagtatrabaho si Papa sa isang company habang si Mama ay inaalagaan ako. Madalas ay tahimik ako dahil sa wala akong alam sa paligid ko.
Madalas akong nagtatanong kay Mama kung anong mga nangyari sa nakaraan ko dahil gusto kong may malaman kahit na kaunti tungkol sa mga nasa paligid ko.
"May mga kamag anak tayo sa Japan---" pinutol ko ang sasabihin ni Mama dahil hindi ko mapigilang magtanong.
"Mama, eh, bakit hindi tayo doon tumira? Hindi ba doon din tayo galing?" tanong ko.
"Kasi nandon ang mga may gustong manakit sa iyo kaya tayo lumipat dito sa Pilipinas. Gusto namin ng Papa mo na maging ligtas ka dahil ikaw ang nag iisa naming Prinsesa," paliwanag ni Mama.
"Pero mama kailan po tayo babalik doon? Gusto ko na po kasing makilala iyong mga kamag anak po natin," pag-uusisa ko.
"Hindi ko pa alam anak pero kapag nawala na iyong gustong kumuha sa iyo ay babalik tayo doon pero sa ngayon ay dito muna tayo, okay?" sabi niya.
"Opo, Mama. Pero may kapatid po ba ako?" tanong ko kasi sa mga nakikita kong mga litrato ay may kasama akong isang batang lalaki.
"Anak, may gagawin pa pala si Mama kaya sa susunod ka nalang magtanong, okay?" pag iiwas ni Mama.
Tuwing magtatanong ako tungkol sa kapatid ay lagi nilang iniiba ang usapan. Kaya naghinala akong may tinatago sila pero kalaunan ay hinayaan ko nalang alam ko kasing sasabihin din nila sa akin ang tungkol doon.
Mabilis dumaan ang araw at tuwing tinatanong ko sila Mama tungkol sa kapatid ay ganon pa rin at napapansin kong nalulungkot sila o nangungulila.
*After 5 years*
Kasalukuyan kaming kumakain nila mama ng nabuksan nila ang topic tungkol sa kaarawan ko. Ilang araw nalang kasi at kaarawan ko na.
"Anak, saan mo gustong pumunta sa birthday mo?" tanong ni Mama.
"Sa amusement park po!" sagot ko naman.
"Sige, doon tayo pupunta iyon na rin ang regalo namin dahil sa magagandang grado mo." Sabi ni Mama. Lagi kasi akong may honor at may naguuwing medalya kaya tuwang tuwa sila Mama.
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...