Chapter 5: Endearments

11.8K 449 4
                                        

Aya's POV

Nakaupo lang ako dito sa upuan ko habang nagbabasa ng libro. Nakakatamad kasi lalo na at hindi pa nakakauwi si Hails. Sa isang araw pa raw ang balik niya.

Maya maya lang ay pumasok na yung teacher namin sa first subject kaya itinabi ko na yung libro ko.

"Good morning, class!"

"Good morning, maam!" bati namin pabalik at nag umpisa ng magklase.

Habang nagsusulat ako ng notes ay biglang kumalabog ang pinto na siyang naging dahilan para mabaling ang atensyon ng lahat dito. Pumasok ang anim na kalalakihan at dire-diretso silang umupo sa likurang bahagi, na siyang nasa likuran ng upuan ko.

Hindi nalang sila pinansin ni ma'am at nagklase ulit. Napailing nalang ako at napabuntong hininga.

Walang respeto.

Sa kalagitnaan ng klase ay nagulat ako ng may sumipa sa upuan ko. Nung una ay hindi ko nalang pinansin dahil baka hindi sinasadya pero ng tumagal ay hindi na ako nagdalawang isip na tingnan siya dahil hindi na talaga ako makapag concentrate sa klase.

"Ano bang problema mo?" inis kong bulong pero ngisi lang ang sinagot niya.

Ang yabang.

Sino pa ba kundi si Zachary Davis. 

Umayos nalang ulit ako ng upo at sinubukang makinig pero tuloy pa rin siya sa pagsipa hanggang sa naubusan na ako ng pasensya.

"Ano ba talagang problema mo?!" inis kong sigaw sakanya.

Natahimik ang lahat at doon ko lang napansin na napasigaw pala ako kaya nakatingin ang lahat sa akin. Napalunok ako at nanigas sa pwesto ko dahil sa kahihiyan.

"Ms. Khan are you asking me what's my problem?!" galit na sabi ni ma'am.

"O-of course not, ma'am." Utal utal kong sabi at tumayo.

May respeto naman kasi ako 'di tulad ng iba diyan.

"Then why are you shouting?!"

"N-nothing ma'am."

"You're shouting because of nothing?" mataray at di makapaniwalang tanong ni ma'am na naging dahilan para magtawanan yung mga kaklase ko. Muli akong napalunok at napayuko.

"I'm sorry, maam," paumanhin ko dito.

"Okay you may take your seat but don't shout again because of nothing," inis na dagdag nito.

Umupo na ako at nag patuloy na ulit ang klase. Tiningnan ko naman ng masama si Mr. Yabang dahil sa pagtawa.

Totoo naman. Ang yabang niya.

Siya kaya ang dahilan kung bakit ako napagalitan at mapahiya. Grabe first time kong mapagalitan ng teacher sa harap ng buong klase.


****

Nahuli akong lumabas ng classroom dahil inaayos ko pa yung gamit at hindi ko napansin na naiwan din pala dito si Mr. Yabang.

Well, 'yan na ang itawag natin sakanya dahil bagay din naman sakanya.

"Oh, ano pang ginagawa mo diyan nasa cafeteria na yung mga kaibigan mo." Sabi ko sakanya kasi hindi ako komportable na nandito siya nakakabwiset kasi yung gwa- panget niyang mukha lalo na at nakatayo siya sa harapan ko.

"Bakit mo naman ako pinapaalis agad ayaw mo nun tayong dalawa lang rito." Sabi niya at nagpakita na naman ang nakakainis niyang ngisi.

"Che! Tumigil tigil ka nga," sabi ko at dali daling inayos ang gamit ko at tumayo.

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon