Aya's POV
"Uhm! Zach, pwede bang ako nalang ang mamili ng kakainan natin?" pakiusap ko dito.
Huhuhu, please, pumayag ka.
"Bakit naman?" balik tanong nito at nag cross arms pa.
"Huwag kang mag-alala masarap naman sa kakainan natin." Sabi ko habang nakangiti.
"Sigurado ka?" paninigurado nito.
Nako, ayaw pa maniwala.
"Oo naman, lagi kaya akong kumakain doon." Pagmamalaki ko rito.
Mura na, masarap pa!
"Osige. Siguraduhin mo lang!"
Yes!
Lumabas na kami ng room. Medyo dumistansya lang ako rito dahil baka kung ano na naman ang sabihin ng schoolmates namin at pag initan pa ako ng ulo.
Pumunta kami sa parking lot at huminto sa isang itim na kotse. Pumasok na siya sa loob pero nakatayo pa rin ako sa labas unang beses ko kasing sumakay sa kotse lalo na at kasama ang isang lalaki.
Lumabas naman ito ng makitang hindi ako sumunod sa kanya. "Oh, ano pang hinihintay mo? Sakay na." Inip na sabi nito habang nakapatong ang braso sa taas ng pinto ng kotse niya.
"Sa kotse? Kasama ka?" naiilang kong sabi.
"Malamang anong gusto mo? Maglalakad ka? Pwede naman." Sabi nito at akmang papasok na pero pinigilan ko ito. Napalunok ako at bahagyang nag-isip isip sandali.
Bahala na!
"S-sandali sasama na ako." Sabi ko at dali-dali ng sumakay sa kotse baka kasi iwan na ako nito.
"Saan ba iyong sinasabi mo?" tanong nito at pinaandar na ang sasakyan.
Muli akong huminga ng malalim at tinuro sakanya ang daan.
Zach's POV
Huminto kami sa tapat ng isang 5 star restaurant kagaya ng itinuro niyang daan.
Sigurado ba siya na dito niya gusto eh mamahalin ang mga pagkain dito.
Bumaba na kami ng kotse ng maayos ko ang pagkaka-park.
"Sigurado ka bang dito mo gustong kumain?" paninigurado ko rito at muling tiningnan ang restaurant.
"Oo naman madalas kaya akong kumain dito at saka masarap dito." Nakangiting sabi nito na parang proud na proud.
"Talaga?" paninigurado ko ulit pero ngiti lang ang isinukli nito.
Bakit ba ang hilig ngumiti ng Nerd na ito.
Nang akmang papasok na ako sa loob ay bigla niya akong hinawakan sa braso at pinigilan.
"Aano ka diyan?" takang tanong nito at tiningnan pa ang restaurant na papasukan ko dapat.
"Diba sabi mo dito tayo kakain?" taka kong tanong.
Ang gulo naman ng babaeng to!
"Anong diyan, wala akong sinabing diyan." Sabi nito at tiningnan ulit yung resto.
"Eh, bakit dito tayo huminto kung hindi naman pala tayo dito kakain?" inis ko ng tanong rito.
"Hahaha, hindi diyan. Dito!" natatawang sabi nito sabay harap sa akin sa katabing mga kainan sa tabi nito na nagpatigil sakin.
"D-diyan? Sigurado ka?" sabi ko dito sabay lunok.
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Dla nastolatkówSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...