Chapter 32: Real Family

10.2K 407 28
                                    

Ash's POV

Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Matatanggap kaya niya kami? Paano kung magalit siya samin lalo na sakin dahil matagal ko ng alam na siya yung hinahanap namin pero hindi namin sinabi sakanya? Pero kahit na ganun ay alam kong maiintindihan niya dahil doon ko siya nakilala

Ayako, kakambal ko

~#~

Aya's POV

"Enjoy your meal" sabi ko sa customer pagkaserve ko ng order niya

Nandito ako ngayon sa restaurant. Nakipagpalit kasi yung pangumaga dahil may gagawin siya ngayong umaga eh wala rin naman akong ginagawa kaya pumayag ako. Tatlo kaming part timer dito, siya pang umaga, yung isa pang hapon samantalang ako pang gabi. Hindi kasi pwede yung isa kaya ako nalang

"Welcome sir" bati ko sa customer na pumasok. Hindi ko na tiningnan dahil busy ako sa pagpupunas ng table

"Miss pwedeng makahingi ng tubig?" tanong nung nasa kabilang lamesa. Siya ata yung pumasok

"Sige po sir" saka ako kumuha at ibinigay sakanya "Ah! Ikaw yung apo nung Alexander Alcantara diba at ikaw din yung lalaking laging nandito?" sabi ko sakanya at inilapag yung tubig niya

"Oh naalala mo pa ako. Paano mo naman ako nakilala eh hindi ako nagpapakita sa media?" tanong niya

"Uhm nag aaral po ako sa Alcantara University. Scholar po ako doon at nakita ko kayo nung pumunta kayo doon" sagot ko

"Ah okay" sabi niya habang tumatango tango

"Kunin ko na po order niyo" paalam ko at kinuha order niya

Pagkabigay ko ay nagpaalam akong may gagawin pa. Nagpunas ako ng mga lamesa at hindi rin nagtagal ay natapos ang shift ko

Nagpaalam ako sakanila at naglakad na pauwi. Dumaan muna ako sa grocery store wala na kasi akong stock sa bahay

Namili lang ako ng hotdog at isang tray ng itlog. Bukas ko pa kasi makukuha yung sahod ko kaya bukas nalang ako bibili ng pang stock. Sakto na rin to para ngayong tanghalian hanggang kinabukasan

Binayaran ko na ito at umuwi na. Nagluto agad ako pagkauwi


~*~

Nagbabasa ako ngayon ng libro ng biglang may kumatok kaya binuksan ko at nagulat ako ng makita kung sino yun

0o0

Talagang nanlalaki yung mata ko at naka o ang bibig

Pano ba naman kasi nasaharapan ko si Alexander Alcantara kasama ang apo niyang si Aaron Alcantara na kausap ko lang kanina at mas nagulat ako ng makita si Ash kasama nila

"A-ano pong ginagawa niyo dito?" gulat kong tanong

"May mahalaga lang kaming sasabihin, hija. Maaari ba kaming pumasok?" sabi ni Mr. Alexander Alcantara

"Ah opo" sabay bukas ng malaki sa pinto para makapasok sila

Pumasok naman sila at umupo sa sofa. Dali dali ko namang niligpit yung kalat ko

"Pasensya na po medyo madumi hindi ko po kasi ineexpect na may darating na bisita" paumanhin ko at umupo sa harap nila "Ano po palang sadya nila?"

Nakita ko naman na lumambot ang itsura niya na kanina ay seryoso

Nagulat nalang ako ng bigla ako nitong niyakap

"Apo ko. Ikaw ang nawawala kong apo" sabi niya na mas gumulat sakin

A-apo? Tama ba yung dinig ko?

"P-po? Baka po nagkakamali kayo?" gulat kong sabi. Umalis naman siya sa pagkakayakap sakin

"Hindi kami maaaring magkamali dahil nagpa DNA test na kami" sagot niya

Ha? Paanong?

"Kung nagtataka ka ay nagpakuha kami ng piraso ng buhok mo kay Ash" sabi ni Mr. Aaron

"Eh? Bakit po si Ash? Ano pong connect kay Ash? Saka bakit po siya nandito?" tanong ko

"Si Ash ang kakambal mo at ikaw ang isa sa nawawala kong kambal na Apo" paliwanag ni Mr. Alexander

"Po? Kakambal? Siya po yung kakambal ko?" gulat kong tanong habang palipat lipat ang tingin sakanya at kay Ash. Tango naman ang isinagot niya

"Matagal mo na bang alam?"

"Oo at ako din ang nagsabi sayo na nakita na kita" sagot niya

"Eh bakit hindi mo sinabi sakin? Kaya pala ang bait mo sakin samantalang sakanila masungit ka" sabi ko at ngumiti

Halatang nagulat naman ito "T-talaga? Hindi ka galit sakin?"

"Bakit naman ako magagalit sayo? Gusto mo bang magalit ako sayo?" sabi ko umiling naman ito at bigla akong niyakap na ikinagulat ko pero kalaunan ay ginantihan ko

Ang totoo nakaramdam ako ng galit pero nawala din iyon kasi alam ko naman na may dahilan siya

"Uhm ano pong itatawag ko sainyo?" tanong ko

Hindi ko naman kasi alam ang itatawag ko sakanya alanganamang Mr. Alexander? Edi ang weird non

"Lolo nalang ang itawag mo sakin at apo magimpake ka na para makauwi na tayo" sabi ni Mr. Alex- I mean Lolo

"Bakit po? Hindi po ba pwedeng dito nalang ako?" tanong ko

"Mas maganda kung sa bahay ka na tumira para ligtas ka at gusto ko rin na makasama ka sa tagal ba naman ng hindi ka namin kasama" paliwanag niya

"S-sige po" sabi ko at pumunta sa kwarto para mag impake

Pagkatapos ay tinulungan nila akong magbuhat at dalin sa kotse na dala nila

Nakasakay kaming dalawa ni Ash dito sa kotse niya samantalang sila Lolo at Kuya Aaron (na sinabi niya) ay sasakay sa kotse nila

Nakatingin lang ako sa labas sa buong biyahe iniisip kung totoo ba ito

Totoo ba ito? Baka panaginip lang? Kinurot ko yung sarili ko at Ouch totoo nga. Hindi ako makapaniwala na nakita ko na yung mga kamag anak ko at hindi na ako mag isa sa buhay

"Ash diyan ba tayo titira?" tanong ko ng makarating at makita yung bahay- I mean mansion na pinasukan namin

"Oo at wag ng Ash, Kuya ang itawag mo sakin saka iyan din yung tawag mo sakin dati" sabi niya

"Ok K-kuya" sabi ko ng nakangiti

Tumingin ako sa labas at may nakita akong fountain sa gitna na pinaliligiran ng mga halaman at anlaki ng bahay- I mean mansion

Hindi ako makapaniwala na dito na ako titira

"Tara na" sabi niya at naunang lumabas ni hindi ko manlang napansin na nakahinto na kami dahil sa pagtingin sa magandang paligid

Nagulat naman ako ng may isang lalaki na nagbukas ng pinto kaya lumabas nalang ako

Sinundan ko lang sila papasok at bumungad samin ang mga nakahilerang mga maid at butlers

"Good afternoon" sabay sabay nilang bati

Pagdating namin sa dulo ng mga nakahilera ay may nakita akong isang babae at lalaki

"Good afternoon master, young masters and welcome back young lady" sabay na bati nung babae at lalaki

"Siya si Loida ang head maid dito siya naman si Darwin Kang ang butler mo tawagin mo siyang Butler Kang" pakilala ni Lolo

Wow may butler ako at titira ako sa mansion na ito

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakilala ko na sila

******

Thanks for reading!!!!

Nasa media po yung mansion nila

Dedicated to @yanAmazingness

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon