Chapter 50: Graduation

10K 347 53
                                    

Aya's POV

'Mama, Papa tapos na ang lahat. Nagbayad na ang dapat magbayad at nagsisi na ang dapat magsisi. Alam kong masaya na kayo diyan at alam kong lagi lang kayong nasatabi namin. Nagbabantay. Ma, Pa ga-graduate na kami ni Kuya. Magco-college na kaming dalawa. Gusto sana namin na kayo yung kasama namin sa pagkuha ng diploma namin pero alam naming impossible. Aalis na po ako ha? Mainipin po kasi eh at alam kong kanina pa siya naghihintay. Mabuti nga po hinihintay niya ako eh at hindi iniiwan. Alis na po ako. Babye po. I love you both'

Hinawakan ko muna ang puntod nila bago tumayo at pagpagin yung dress ko. Pagka-ayos ko ay tumingin ako sa langit

Maganda ang panahon ngayon kaya masarap mamasyal. Tumalikod na ako at naglakad papunta sakanya

"Ang tagal mo naman" bungad niya pagkadating ko sa harap niya

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay na ako. Hinintay ko siyang makapasok bago ako nagsalita

"Siyempre naman. Matagal ko din silang hindi nadalaq eh" sagot ko at nagsimula na siyang magmaneho

Papunta kami sa t at ngayon ang araw ng graduation namin. Nakawhite dress ako na nakababa yung magkabilang bulaklaking strap at medyo wavy siya. Nakacream na heels ako then nakalugay yung buhok ko pero kinulot ng konti.

Pagkadating sa school ay pumunta kami sa paggaganapan ng ceremony at sa labas non ay naghihintay sila Hails na nakatoga na

"Bakit hindi niyo pa suot yung toga niyo?" tanong niya kaya sinuot na namin at pagkatapos ay pumasok na kami sa loob at umupo sa assigned seats namin

Dito ako nakaupo sa stage katabi ko si Nate, yung principal at si Lolo. Ehem Valedictorian at Salutatorian kasi kaming dalawa

Wala si Beatrice dahil nasa mental na siya. Tuluyan na siyang nabaliw at kasalukuyang nagpapagaling. Sabi ng magulang niya ay alam nilang may problema sa utak ang anak nila at obsessed kay Zach kaya nung sinabi nitong gusto niyang pakasalan si Zach ay sinunod nila dahil pinagbantaan sila nito

Ganun din sa mga alipores niya. Natakot daw sila sa banta niya kaya hindi nila maiwan. Nung nalaman nilang dinala na sa mental si Beatrice ay humingi sila ng tawad samin dahil sa mga nagawa nila dati at pinatawad ko sila

Nagumpisa na yung ceremony at nagsalita na yung mga dapat magsalita hanggang sa ibibigay na yung diploma

Isa-isa ng tinawag ang mga lalaki sa section namin dahil kami ang nasa pinakamataas na section

"Davis, Zachary" tawag nung adviser namin

Nagpalakpakan naman kaming lahat. Siyempre pinakamalakas yung akin. Proud girlfriend here! Kasama niyang umakyat si Daddy-- yung tatay niya. Sabi kasi nila sakin ay iyon ang itawag ko sakanila

"Cross, Nathan Dave"

Umakyat na si Nate kasama yung father niya kaya nagpalakpakan kami

"Woohh! Boyfriend ko yan!" sigaw ni Hails ng sabitan ng medal si Nate at tumayo pa habang pumapalakpak ng malakas

Wala talagang hiya ang babaeng ito. Ako tuloy ang nahihiya para kay Nate eh

"Park, Ashton Zion" Park pa rin ang ginamit niyang surname sa college niya nalang daw babaguhin

He's with Lolo. Siya yung aakyat sa aming dalawa

"Scott, Bruce" kasama niya yung father niya. Daddy's boy kasi

"Scott, Bryan" kung si Bruce ay kasama yung father nila siya naman is yung mother nila

"Takashi, Josh" umakyat siya kasama yung mother niya. Nasa flight palang daw kasi yung father niya at hindi na makakaabot dito

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon