Chapter 34: Twin Bonding

10.7K 373 46
                                    

Dahil birthday ni author ay may medyo mahaba tayong update at pupunta tayo sa...... Baguio!! ♥♥

Hope you like it!!

*****

Aya's POV

Pagkatapos magkwentuhan ay nagpasya na rin silang umuwi. Dadalaw nalang daw ulit sila.

Ngayon ay nakababad ako sa bathtub. Magbo bonding daw kasi kami ni Kuya at pupunta kami sa Baguio para malayo at walang makakilala samin baka kasi kapag may nakakita samin ay mapagkamalan pa kaming may relasyon

Bukas ng tanghali kami babyahe pauwi kaya hindi na rin kami papasok at saka ipinagpaalam na kami ni lolo para daw kahit papaano ay makapagbonding kaming kambal

Pagkatapos magbathtub ay pumunta na ako sa walk in closet at namili ng damit na susuotin. Pinili ko nalang yung blue dress at tinernuhan ko ng white doll shoes

Nagpatuyo ako at nagsuklay ng buhok saka ako pumunta sa harap ng salamin at umupo. Naglagay lang ako ng konting blush on, eyeliner at pink lipstick then humarap ako sa human sized mirror. Oh bago ko pa makalimutan kinuha ko yung salamin ko at sinuot

Tiningnan ko ang sarili ko doon at perfect. Kumuha ako ng sling bag at nilagay doon ang mga importanteng gamit ko. Kumuha na rin ako ng isang backpack at nag impake ng ilang damit dahil mag oover night kami

Pagkalabas ko sa walk in closet ay sakto naman na may kumatok at pumasok si Kuya Aaron

"Tara na hinihintay ka na ng kakambal mo sa baba" sabi niya at kinuha yung bag ko saka naunang bumaba

Sumunod naman ako sakanya at naabutan ko sila sa baba

"Mag ingat kayo sa biyahe mga Apo ha? Ikaw Ashton bantayan mo ang kapatid mo. Ayako wag makulit at makinig sa kuya mo" paalala ni Lolo at hinatid nila kami sa labas

"Babye Lolo, Kuya Aaron. Ingat po kayo dito ha?" sabi ko at kahit na isang araw palang kaming nagkakasama ay malapit na ang loob ko sakanila

Sumakay na kami sa loob at umalis na

"Kuya daan muna tayo sa convenient store bili tayo ng pagkain para may pagkain tayo habang nasa biyahe" sabi ko kay Kuya

Tumango naman ito at huminto sa kanto ng village. Pagkalabas kasi ng village ay merong convenient store

Bumaba na kami ni Kuya at pumasok sa loob. Kumuha ako ng mga biscuit, junk foods at inumin saka kami nagbayad

Nag umpisa na ulit kaming bumyahe. Inilabas ko naman yung earphones na kasama ng cellphone na ibinigay ni Kuya saka nakinig sa music. Alam ko kasing malayo iyon. Nilabas ko din yung isang pack ng fres na binili ko din kanina at nag umpisang kainin. Inalok ko din si Kuya na hindi niya naman tinanggihan

Nakatingin lang ako sa labas habang nakikinig ng music hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako

~*~

Nagising ako ng may naramdaman akong tumatapik sa pisngi ko kaya napadilat ako at nakita ko si Kuya na nakangiting nakatingin sakin yung ngiting parang may ginawang kalokohan

"Oh anong ngiti yan?" sabi ko habang umaayos ng upo at tinatanggal ang earphones ko

"Wala. Nandito na tayo" sagot niya at lumabas

Napatingin naman ako sa labas at nakita ko sa harap ang isang malaking statue ng leon. Inayos ko muna yung itsura ko bago lumabas ng kotse alam ko kasing mukha akong ewan dahil kagigising ko lang

Paglabas ko ay napayakap ako sa sarili ko kaya kinuha ko yung hoody ko sa kotse. Grabe hindi ko akalain na ganito pala kalamig dito

"Bilisan mo! Halika dito! Picture tayo" sabi ni Kuya na ngayon ay nasa may statue ng leon

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon