Aya's POV
"Gala tayo mamaya Aya ha? Tayong dalawa lang. Matagal na mula ng magbonding tayo ng tayong dalawa lang. Alam mo na simula ng magka-love-life tayong dalawa" sabi ni Hails habang naglalakad kami papuntang cafeteria
Magkatabi kaming dalawa habang nasa likuran namin yung mga lalaki
Oo nga matagal na rin simula ng makapag-bonding kaming magkaibigan. Madalas kasi naming kasama yung mga boyfriend namin at hindi pa nakatulong yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw
"Sige! Tutal maaga naman ang dismissal natin mamaya" excited kong sabi
"Tulad ba ng dati?" nakangiti niyang sabi
"Hindi saka may pera naman ako. Kakasahod ko lang" sabi ko
Yung tulad ng dati kasing sinasabi niya eh yung sa mall kami at maglilibot libot pero siya ang gagastos. Ngayon naman ay sarilihan kami kumbaga kanya kanyang bayad
"Eh pano yung mga bayarin mo?" nagaalalang tanong niya
"May sobra sa sweldo ko dahil masipag daw ako kaya may gagamitin ako para mamaya" sabi ko
Hindi ko kasi pwedeng sabihin sakanya na nakita ko na yung tunay kong pamilya at sakanila galing yung pera ko. Totoong sumahod na ako at may sobra pero bayad na yung mga gastusin ko sa apartment dahil nabayaran na iyon ni Lolo hanggang sa birthday naming kambal. Sa birthday daw kasi namin kami ipakikilala ulit
"Bes! Huy! Lutang ka na" nabalik lang ako ng biglang winagayway ni Hails yung kamay niya sa mukha ko at doon ko lang napansin na nasa cafeteria na kami
"Pasensya na may iniisip lang. Ano order na tayo?" tanong ko
"Kami na ang magoorder" sabi naman ni Zach
Nagkibit balikat nalang ako at pumunta sa upuan na katabi ng glass wall. Magkatapat kaming umupo ni Hails at nagkwentuhan
"Aya grabe talaga!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Hails sa gitna ng pagkukwentuhan namin"Oh bakit?" takang tanong ko
"Grabe kasi yung kanina. Hindi ko alam na may tinatago ka palang bangis" sabi niya at nagtawanan kami
"Oh kumain ka na" biglang may naglagay ng pagkain sa harap namin kaya napatigil kami sa pagtatawanan
"Hoy Hailey! Grabe ka makatawa at makasigaw ha? Dinig na dinig hanggang sa pila" reklamo ni Josh at umupo sa tabi ni Zach na nakaupo sa kaliwa ko
"Hoy ka rin! Over ka naman!" sabi naman ni Hails
Hindi ko nalang sila pinansin at bumaling kay Zach
"Maggagala kami mamaya ni Hails kaya hindi mo ako mahahatid" sabi ko sakanya
"Sasama nalang ako" sabi niya
"Hindi"
"Ihahatid?"
"Hindi"
"Hihintayin ko nalang kayong matapos?"
"Zach kaya nga kami magbobonding eh para kaming dalawa lang tapos sasama ka?" angal ko
"Kasi naman eh…" aangal pa sana siya pero umiling ako
"Hindi" sabi ko at kumain nalang
~*~
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papuntang parking lot. Nagpapaalam si Hails kay Nate habang si Zach ay patuloy pa rin akong kinukulit
"Hindi nga. Ay ang kulit bahala ka magagalit ako" banta ko kaya natahimik siya
Mabuti naman
Tumingin naman ako kay Kuya na parang nagpapalaam at tumango naman ito. Ibig sabihin ay pinapayagan niya ako at susunduin nalang mamaya sa apartment dahil siguradong doon ako ihahatid ni Hails mamaya
Nang nasa harap na kami ng sasakyan ni Hails ay tumingin ako kay Zach
Yung itsura niya ay parang gusto paring sumama pero umiling ako at sasakay na sana pero mabilis niyang hinawakan yung kamay ko at hinarap sakanya
"Sige na nga. Basta magiingat ka ha?" paalala niya kaya napangiti ako
"Opo" sabi ko at pasimpleng tumingin kay Kuya bilang paalam bago sumakay
Umalis na kami ni Hails at nagpunta sa mall na paborito niya na pagmamay-ari pala namin. Wow talaga dahil hindi ko akalain na ganto kami kayaman
Pagkapark ng kotse ay pumasok na kami sa loob at dire-diretso sa loob ng boutique
Pumunta agad kami sa mga dress at hayun todo tingin si Hails
"Pili ka na bes kapag kinulang pera mo ako ng bahala" sabi niya habang patuloy pa rin sa pamimili
Tumingin tingin din ako hanggang sa napako yung mata ko dun sa isang dress. Up-shoulder siya at may kalahating dangkal na manggas. Kulay cream siya at may pagkawavy yung laylayan. Plain pero maganda
Kinuha ko yun at sinukat then lumabas na ako. Nasa loob ng fitting room si Hails kaya pumunta muna ako sa mga sapatos. Busy si Hails at saglit lang ako kaya hindi niya mapapansin kung mawala ako saglit
Naghanap ako ng sapatos na babagay sa dress ko at ayun kinuha ko yung cream na heels saka sinukat
Pagkatapos ay pumunta ako sa counter para magbayad. Pagbalik ko sa dressing room ay kalalabas lang ni Hails
"Oh nakabili ka na?" tanong niya pagkakita sa hawak ko
"Oo. Hindi na kita nahintay kasi busy ka sa panunukat" sagot ko
"Dapat hinintay mo ako. Patingin nga ako baka mamaya panget yung napili mo" nakangusong sabi niya at inabot yung paper bag pero iniwas ko agad
"Hindi na. Mumurahin lang to at maganda din kaya wag ka ng mag-alala" sabi ko
"Kahit na…" hindi niya na tinuloy at nagpatuloy nalang sa pamimili
Hayy mabuti naman at hindi na siya nagpumilit. Pagnakita niya kasi ito ay siguradong magugulat siya. Paano kasi mahal ito naka-anim na libo ata ako
Sabi kasi ni Kuya wag daw akong magtipid dahil marami naman daw kaming pera. Sabi din niya na dapat hindi mumurahin yung bilin ko dapat daw maganda at mahal. Awayin ako nun kapag hindi maganda at mahal kaya napilitan tuloy
Pagkatapos ay naglibot libot pa kami. Kasalukuyan kaming nandito sa Timezone at naglalaro ng basketball. Naglalaban kaming dalawa pero puro lang tawanan dahil mas marami pa yung hindi nashu-shoot kaysa sa mga nashu-shoot
Pagkatapos ay pumunta kami sa isang restaurant dahil gabi na at medyo gutom na kami. Umangal pa ako pero hindi niya ako pinayagan
Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Hayy bessy kung pwede ko lang sanang sabihin sayo yung mga latest na pangyayari sa buhay ko kaya lang kapag nalaman ni Kuya yun siguradong babatukan ako nun
Hindi ko alam kung bakit ayaw niya eh kaibigan naman kita kahit nga kay Zach na kaibigan niya ayaw. Hayyy
Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa park at umupo sa swing habang nakatingin sa mga bituin sa langit
"Ang ganda" nasabi ko nalang
"Oo nga"
Hindi rin nagtagal ay nagpasya kaming umuwi dahil lumalalim na ang gabi. Hinatid niya ako sa apartment at pagkaalis niya ay tinawagan ko si Kuya para magpasundo
******
Thanks for reading!!!!
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...