Chapter 5: Visitor

11K 494 8
                                    

"Bye Ma!" paalam ko kay Mama habang nakalambitin ako sa gate ng bahay.

"Mag-iingat kayo dito. Asikasuhin mo ang kuya mo. Tawagan niyo lang ako kung may emergency," sabi naman ni Mama.

"Opo. Ingat Ma," sabi ko naman.

Sabado kasi ngayon. Kailangang pumasok ni Mama sa trabaho at kami naman ni kuya ay walang pasok sa school. Bukas pa uuwi si Mama dahil may dadaluhan daw siyang event sa kumpanyang pinapasukan niya. Kaya naman sakin nakatoka ang pag-aasikaso sa bahay kapag wala siya. At kasama na doon, of course, ang pag-aasikaso kay kuya.

Maagang umaalis si Mama kapag Sabado kaya naman ako na ang nagluluto ng agahan namin.

Dumiretso na ako sa kusina para magluto ng agahan. Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto nung saka pumasok sa kusina si kuya.

"Good morning. Si Mama?" tanong niya habang naghihikab.

"Nauna na. Maghilamos ka na at malapit na 'tong matapos na agahan natin," sabi ko naman.

"Sure. By the way, can you cook our lunch and dinner today? Kishou and I will be a bit busy with our schoolworks so maybe you can cook for us?" tanong niya sakin.

"Sige na po. Basta magpa-deliver ka ng pizza this afternoon," sabi ko naman.

"Sure. And by the way, Kishou will share a room with us-"

"ANO?!"

Muntik ko nang mapalipad ang mga tinapang kasalukuyan kong piniprito.

"Kishou will share a room with us. Bakit, may problema ba?" tanong ni kuya.

"W-wala po," sagot ko naman.

"Okay lang ba kung sa bed natin siya matulog? Malaki naman ang higaan natin," sabi pa ni kuya Grey.

"Okay na po. Sa sahig na lang ako matutulog," sabi ko.

"Don't. Kasya pa naman tayo doon," sabi naman agad ni kuya.

"Okay, okay. Fine. Just hurry up. Lalamig na yung sinangag," sagot ko.

Dali-dali namang pumasok sa loob ng CR si kuya.

I sighed. I guess I just have to deal with the situation. I still feel kinda awkward and uncomfortable with Kishou. Siguro didistansya na lang ako. There are a lot of things to do in this house anyway, and they'll definitely be busy with their schoolworks so kahit na papano ay naibsan ang pag-aalala ko.

Pagkatapos naming mag-agahan ni kuya ay inutusan ko siyang mamili sa grocery ng mga kakailanganin mamaya. Ako naman eh naglinis ng bahay at nag-asikaso ng mga tanim sa bakuran.

Kasalukuyan akong nagti-trim ng mga halaman nung biglang tumunog ang door bell namin. Expecting Kuya Grey, I immediately went to the gate to open it. But I was surprised when I saw Kishou standing there instead.

"Hello! Good morning," he said coolly.

Pinadaanan niya ng titig ang suot ko. I then realized that I was wearing the same red sando and the same black boxer shorts that I wore back when he called me before.

"Hi. Pumasok ka na," sabi ko at niluwagan ko ang pagkakabukas sa gate. Pumasok naman agad siya.

"Have you eaten your breakfast? Do you want anything? Juice? Coffee? Water?" tanong ko habang nakasunod sa kanya.

Kishou laughed a bit.

"Wag kang mag-alala, kumain na ako. Don't fuss over me. Hmm… I like your house. So simple yet comfortable-looking," sabi niya na nakatingala sa bahay namin.

"Tara na sa loob. Hintayin mo na lang si Kuya Grey sa may sala. Nasa labas pa kasi yun, namimili ng mga lulutuin ko," sabi ko naman.

"Sure," sagot ni Kishou sabay pasok sa bahay namin. "So, you can cook?"

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon