"Confess your sins now or we'll see how much blood your body contains."
Gino was talking to Sei.
His voice was shaking with uncontrolled anger. He held the guns firmly in his hands even though his whole body was trembling.
"G-Gino… Hindi mo naman kailangan siguro na tutukan pa ng-"
"Shut up. I saved your ass two times, maybe even numerous times already, Kishou. You cannot dictate me on what I shouldn't and should do," he said sharply.
Bumaling siya ulit sa pinsan niya.
"Hindi ka ba magsasalita? Gusto mo bang tingnan muna natin kung ga'no ka-pula ang dugo nito ni Red?!" sigaw ni Gino.
"Walanghiya kayong dalawa!" sigaw naman ni Red.
"Nakita mo na ang matagal ko nang sinasabi sa 'yo, Red! Hanggang ngayon ba magbubulag-bulagan ka pa rin?!" sabi ni Gino.
Sei reached for his gun. Binaril naman ni Gino ang baril ni Sei. Tumalsik 'yun palayo.
"Hindi lang baril ko ang nakatutok sa ulo mo ngayon, Sei. Maraming magpapasabog ng bungo mo sa oras na gumawa ka ng mali. Nakatikim na 'yang binti mo 'di ba? Gusto mo bang unti-unti kong paakyatin sa ulo mo ang mga tama mo ng baril?" tanong sa kanya ni Gino.
Sei just glared at us. "Iwan mo na kami ni Red. Wala kaming ginagawang masama sa inyo!"
"Wala? Kitang-kita ng dalawang mata ko ang ginawa ninyo. May sapat akong ebidensya. Sa oras na patayin ninyo ako o tumakas kayo ay hahabulin kayo ng mga pulis. Pasalamat na lang kayo at hindi ko kayo sinumbong agad. Ngayon, umamin ka na, mahal kong pinsan. Sukol ka na."
"Wala akong ginagawang masama!"
"EH KUNG PASABUGIN KO KAYA ANG BUNGO NITO NI RED?!" sigaw ni Gino sabay diin ng baril niya sa sintido ni Red.
"STOP IT!" sigaw naman ni Sei.
"Hindi ako titigil hangga't hindi ka umaamin ng mga kasalanan mo, Sei. Natatakot ka bang malaman namin ang totoo? O baka naman mas handa kang makitang dumanak ang dugo ni Red kesa sa aminin mo ang mga kasalanan mo?!" tanong ni Gino.
"Tama na! Aamin na ako!" sagot ni Sei.
Gino smiled, pointing his guns to his cousin.
"Magsimula ka kung saan nagsimula ang lahat."
Sei glanced at Red.
"Ginawa ko lang naman 'yun lahat dahil mahal ko si Red…"
"I DON'T HAVE TIME FOR YOUR SENTIMENTS! I WANT THE TRUTH AND I WANT IT NOW!" galit na galit na sigaw ni Gino.
"Calm down," sabi ko sa kanya.
He glared at me.
"Trust me, Kishou. Sa oras na malaman mo ang totoo, ang ginawa ng walanghiyang 'to, tingnan natin kung magawa mo pang kumalma!" sagot niya.
Bumaling siya ulit kay Sei. "Now, my dear cousin, I want you to confess your sins at tingnan natin kung madadala sa dasal ang mga kasalanan mo… Pero kung mananahimik ka ay wala ka nang Red na mapakikinabangan pa…"
Sei was shaking all over. Yumuko na lang siya sa sahig at hindi na tumitig pa sa kahit isa sa amin.
"Una kong nakita si Red nung first year pa lang ako sa Emerald…" panimula niya.
"What?! I thought you spent all of your high school years in Veron?!" gulat na tanong ni Red.
Hindi nakatitig sa kanya si Sei.
"Unang beses ko pa lang na nakita si Red agad na akong nahulog sa kanya. Pero parati niyang kasama si Kishou. Gusto ko siyang makilala. Gusto kong mapalapit sa kanya. Pero ano bang magagawa ko? Parating nakabuntot sa kanya si Kishou," sabi ni Sei.
BINABASA MO ANG
His Revenge
Roman d'amourHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...