Chapter 19: Rumors

8.9K 358 10
                                        

Red's POV

"HAPPY BIRTHDAY!" bati sa'kin ng mga tao sa bahay.

Its November 1, yes. At birthday ko nga. Well, konting tao lang naman ang nakapunta. Undas ngayon at kahit na inimbitahan ko ang buong section namin eh iilan lang ang nakapunta. Aside sa Undas nga eh nasa bakasyon din lahat halos ng mga kaklase ko.

Irvin and Dana were able to come with some of my classmates na advanced pumunta sa mga sementeryo. Kami nga rin ni Kuya Grey eh umalis na ng Pangasinan bago pa man matapos ang October. Kishou came with us kaya naman nandito rin siya sa bahay para maki-celebrate.

At sinabi rin sa 'min ni Mama na may nabili na silang mas malaking bahay para sa 'min. Balak nila na lumapit kami doon bago mag-Pasko. 'Yun na raw ang regalo sa 'kin ng parents ko.

"Hey, happy birthday," bati sa'kin ni Kishou nung napag-isa na rin ako sa wakas.

"Thanks," I said, beaming at him.

"So, you're now officially a teen," he said while eating a slice of cake.

I raised an eyebrow. "Why did you say so?"

"Wala lang," Kishou said, shrugging his shoulders, "thirteen ka na 'di ba? May 'teen' na ang edad mo."

"Yeah. Great," I said boredly.

Bigla siyang may inabot sa'kin. "Here. My gift for you. Pasensya na kung hindi ko 'yan nabalot. I'm not an expert im gift wrapping and rushed ko rin 'yang binili. I hope you'll like it," sabi ni Kishou habang iniaabot sa akin ang isang maliit ma itim na box.

"Can I open it now?" tanong ko.

"Certainly."

I opened the box and it revealed a red wristwatch.

"You're gonna get busy in Emerald sooner so a watch will really help you watch the time," Kishou said timidly.

"Ang mahal nito," I said awkwardly.

"Its a gift, okay? I don't want to be rude pero wala kang pakialam sa presyo niyan. Sa pagkakaalam ko kapag regalo, kahit gaano kamahal pa 'yan, eh kailangan mo 'yang tanggapin. Regalo nga 'di ba? Eh 'di sana binenta ko na lang 'yan sa'yo kung namamahalan ka diyan," he said.

Tumawa na lang ako. "Oo na. Thank you so much," sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Not at all," he said, hugging me back.

Biglang dumaan sa gitna naming dalawa si Kuya Grey.

"Ang sarap nitong cheesecake! Tara tikman mo Red," sabi ni kuya matapos niyang mabalibag si Kishou sa pader.

"I'm full. Thank you na lang," sabi ko naman.

"Then tara, Kishou. Ipapakain ko sa'yo ang LAHAT ng cheesecakes na nandito," kuya said to Kishou with an evil grin.

Wala nang nagawa si Kishou nung kinaladkad na siya ni Kuya Grey palayo.

Lumapit naman sa 'kin sina Irvin at Dana. "Happy birthday!" bati nila sa 'kin.

"Yeah, thanks," sagot ko naman.

"Nilagay na lang namin doon 'yung regalo namin sa'yo. Buksan mo na lang later," sabi ni Dana.

"Oo na. Ako na bahala doon," sagot ko.

"So, kumusta na kayo ni Kishou?" tanong naman ni Irvin.

I stared at him. "What about us?"

"Well, you spent your vacation together 'di ba? At sa nakikita ko sa inyo ngayon eh mukhang nasa ibang level na ang pagsasama ninyong dalawa. So, kumusta na kayo?" tanong niya.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon