HR II - Chapter 12: Danger

8.7K 351 32
                                    

"Our block is planning to have an outing just after the school days this year. Balak naming magpunta sa isang resort to stay there for three days and two nights. Majority ng klase sasama," sabi sa 'min ni Jonas, block president namin.

"Sounds really boring. I'll pass," sabi ni Sei habang naghihikab.

Hinampas ko naman ang ulo niya.

"We'll go. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko naman.

"We're still talking about it. Kayo, may mga suggestions ba kayo?" tanong niya.

"Nah. We'll be good with your choices. Just inform us kung kelan ba tayo aalis," I said, smiling at him.

Bumaling sa 'kin si Sei pagkaalis ni Jonas.

"Are you serious about going with them? Pa'no na ang mga plano mo?" tanong niya.

"Stop whining. Tatlong araw lang naman po. And besides, it's a great opportunity to work with my other plans," I said, glancing at Kishou.

"Whatever," Sei replied.

Bumaling naman ako kay Kishou.

"Are you going to join the outing?" tanong ko sa kanya.

"I'd love to. Pero pag-iisipan ko pa. Sayang naman kasi 'yung tatlong araw sa trabaho," sagot niya.

"Sei and I will go. Sumama ka na rin kaya? It'll be really fun. Pwede mo ring isama si Bianca," sabi ko.

"Nah. She's going home to her relatives right at the start of the vacation," sagot ni Kishou.

"I see. Sumama ka na nga kasi. Tatlong araw lang naman 'yun. Pansin ko na parati kang busy. I think you should relax for a bit," sabi ko.

Kishou sighed. "Oo na. Ang kulit-kulit mo talaga…"

He stood up and picked his bag.

"Uhm, I'm going to the canteen for a snack. Gusto mo bang sumama? My treat," sabi niya.

"Sure," I said, wrapping my hands around his arm.

Kishou looked a bit uncomfortable. I winked at Sei when we passed by his table. He rolled his eyes in reply.

"Do you think they have anything sweet there?" tanong ko kay Kishou habang naglalakad kami sa hallway.

"They sell muffins or cupcakes sometimes. You can also try pansit. Masarap naman ang pansit diyan," sagot niya.

"I see. Ikaw na bahala. I'll eat anything," sabi ko naman.

Kishou bought me pansit and a muffin. Sinamahan pa niya ng isang Chuckie.

"Thank you!" sabi ko naman.

"No problem," he replied.

Habang kumakain na kami ay makailang beses akong pinadaanan ng titig ni Kishou.

"Saan ba nakalibing si Grey?" tanong niya bigla.

Nagkuyom ako ng mga kamay ko.

"St. Joseph Memorial Cemetery," I said without looking at him.

"Balak ko sanang bisitahin ang puntod niya. Ni hindi ko pa man lang siya kasi nadadalaw mula nung nailibing na siya," sabi ni Kishou.

How dare you…

"Sure. Pwede kitang samahan kung kelan mo gusto…"

"Okay lang ba 'yun sa 'yo?" tanong niya.

"Yeah."

"And… about the people who killed your brother, bakit wala kayong kinasuhan?" tanong niya.

"Maniniwala ba ang mga pulis sa statement ng isang baliw?" I said as I laughed sharply. "I admitted na ako ang nakabaril sa dalawang kumidnap sa 'min ni Kuya Grey. But the police, nung nalaman nilang may saltik ako, said na baka ako lang naman daw ang pumatay sa sarili kong kapatid. How ridiculous is that?!" sabi ko at 'di ko na naitago pa ang galit ko.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon