HR II - Chapter 47: Gino's Tale

7.4K 248 13
                                        

An odd buzzing sound filled my ears after Gino said those words. I felt Red crumble in my arms as his world collapsed. Wala ni isa sa amin ang nakagalaw, walang nakapagsalita. Napatitig na lang din ako sa kawalan.

"There must be some mistake, Gino," I said.

"Ayoko ring maniwala nung una. Pero wala akong magagawa. 'Yun ang totoo. Ayoko nang magsinungaling pa… Grey died because of Red."

Napasabunot na lang si Red sa ulo niya. "N-No… Th-That's too much…" he said, silently crying as he stared into the emptiness in front of him.

"Red… I'm sorry… Alam ko namang hindi mo 'yun sinasadya," sabi ko.

He stood up slowly before walking towards Gino. Lumuhod si Red sa harap niya.

"Please…" he whispered. "Please kill me… Kill me… Patayin mo na lang ako…"

"You don't know what you are talking about," Gino said.

"Gino… Patayin mo na lang ako… Para mo nang awa. Ayoko na… Tama na," he said weakly.

"I'm sorry but I can't do that," Gino said, backing away from Red. "I know it's hard and unbearable pero kailangan mong malaman ang katotohanan. I'm really sorry. Alam ko naman na aksidente lang ang lahat…"

Lumapit si Sei kay Red.

"Red-"

Agad siyang sinipa palayo ni Gino.

"How dare you talk to him… Ganyan na ba kakapal ang mukha mo?"

Red stood up and walked towards the door.

"Red… Where are you going? It's fine… Wala kang kasalanan sa nangyari," sabi ko.

Pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Nakatitig lang siya sa kawalan at walang buhay na naglakad papunta sa pinto.

Agad ko siyang hinawakan sa kamay niya.

Red collapsed to the floor, crying silently. For a moment ay tila nakita ko sa kanya ang Red na hinatid ko dati sa bahay nila matapos ko siyang gahasain. Weak, shattered, lifeless.

Lumuhod ako sa harap niya.

"Red, listen to me, kung walang taong nagpa-kidnap sa 'yo ay hindi mo sana mababaril si Grey. Wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan ng lahat. Sa akin nagsimula ang lahat ng paghihirap mo. Please, Red. Don't blame yourself…" I said.

But Red just stared at me blankly.

"K-Kuya Grey…" he whispered.

"Red… Red…" I said, shaking him lightly.

He just swayed lifelessly.

"Magsalita ka naman oh. Red… Answer me. Please say something…" I said as tears fell from my eyes.

Silence.

Isang kamay ang lumapag sa balikat ko. It was Gino.

"Tama na, Kishou. It's too late. I'm sorry," sabi niya.

Tumitig na lang ako kay Red.

"I love you…"

Wala na akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya at umiyak sa balikat niya.

I know it's too late. I've lost Red again. I've lost the person I love for the second time. I was too late… I am always too late…

•••

Naabutan ko si Gino sa isang malapit na parke sa labas ng ospital kung saan namin dinala si Red. Nawalan kasi siya ng malay kanina habang nasa kotse kami. Naupo ako sa tabi ni Gino sabay abot sa kanya ng kape.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon