Red's POV
"Kuya Gino's following us," sabi sa 'kin ni Sei isang hapon habang nasa isang park kami.
I breathed deep. "I see."
Lumingon muna ako sa paligid.
"How about Aliyah? Nakakatunog na ba siya?" tanong ko.
Sei shook his head. "No. Sabi sa 'kin ng mga tao ko eh hindi naman nakakahalata si Aliyah."
"How about your cousin? May alam ba siya sa mga ginagawa natin?" tanong ko pa.
"I can't tell. Halos wala naman siyang sinasabi sa 'kin. But I can feel that he knows we're up to something. Kung hindi pa niya alam ngayon, then kalaunan ay malalaman din niya kung hindi tayo mag-iingat," sagot ni Sei.
Huminga ako nang malalim. "We need to hurry up. Kailangan ko nang mapatay ang Aliyah na 'yan at yung iba pa as soon as possible," sabi ko.
"I know. Dadalhin kita ngayon kay Aliyah. Pinapabantayan ko na rin 'yung isa sa mga pumatay sa kuya mo. Si Gio naman at 'yung isa pa eh pinapahanap ko na," sagot niya.
"Good. Where are we going?" tanong ko.
"To a charity event," sagot ni Sei.
"Charity event?!" gulat kong tanong.
"Charity event kung saan isa sa mga major contributors ay ako," he said.
"At nandoon si Aliyah?" tanong ko.
"Yep. She'll welcome us with open arms," sabi ni Sei.
"Fine. Ikaw na lang ang humarap sa kanya. Mahirap na at baka makilala niya ako. Lalo pa kung nabalitaan na niya ang nangyari kina Sheena at Venice eh kung makita niya ako baka maghinala siya," sabi ko.
"Okay. You can stay in the car. Let's go," sabi ni Sei sabay hatak sa 'kin.
Pero natigilan ako pagkatayo ko.
"Stop."
Lumingon sa 'kin si Sei. "Why? What's the matter?"
Pasimple 'kong pinadaanan ng titig ang buong paligid.
"Stay here. Meron lang akong mensaheng ipapadala kay Gino," sabi ko sabay lakad papunta sa isang bench 'di kalayuan mula sa 'min.
"What the hell are you talking about?" Sei asked.
Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad ako palapit sa lalaking nakaupo sa isang bench. Nagkunwari akong nagbabasa sa phone ko habang palapit sa kanya.
Nung tumapat ako doon sa lalaki ay umikot ako sabay sipa sa ulo niya. Nadapa siya sa semento at hinawakan ko ang mga kamay niya sa likod niya.
"What the f*ck are you doing?!" gulat na tanong ni Sei nung nakahabol siya sa 'min.
"Let me go! Ano ba?! Wala akong ginagawang masama sa 'yo!" sigaw nung lalaki.
"Wala nga ba?" sabi ko sabay buhat sa kanya. "Inspect his jacket!" utos ko kay Sei.
Kinapa ni Sei ang jacket nung lalaki. Isang voice recorder na may kasamang microphone ang nakuha niya doon.
"That's an odd thing to carry around, isn't it?" tanong ko naman.
Sei inspected the voice recorder. Maya-maya pa ay nag-play siya ng isa sa mga file na nahanap niya.
… But I can feel that he knows we're up to something. Kung hindi pa niya alam ngayon then kalaunan…
"Sino ang nag-utos sa 'yo na sundan kami? Say it!" sigaw ko doon sa lalaki.
"Wala akong alam!" sagot niya.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
