HR II - Chapter 23: Villain or Victim

7K 288 23
                                        

Janus…

Maliwanag sa buong bahay. Maraming tao ang nakasuot ng itim. Nakaupo lang ako sa isang tabi, tulala at hindi makagalaw. Matagal nang naubos ang mga luha ko kaya hindi na ako makaiyak. Si Mama naman ay pilit na nagpapakatatag. Pinipilit niyang suklian ng ngiti ang bawat taong nagpapaabot sa 'min ng pakikiramay.

I was only ten years old back then pero alam ko na ang mapait na katotohanan na sinabi sakin ni Mama: Patay na si Papa at hindi na siya babalik.

I cried at first. Masakit syempre. Pero alam ko sa sarili ko na lahat naman tayo mamamatay eh. Everyone has to die someday. Minsan nga lang eh nauuna na ang iba. Ang nag-iisang bagay na nagpapasaya na lang sa 'kin ay ang katotohanan na balang-araw… kung talagang totoo ang kinukwento sa 'kin ni Mama… eh magkakasama-sama rin kami nina Papa.

I was too young to lose a father. Madalas akong akapin ng kung sino. Malamang naaawa sila sa 'kin. Pero hindi nila alam na hindi naman ako malungkot. Magkakasama rin kasi kami ulit ni Papa. Medyo matatagalan nga lang. Kaya habang hindi pa kami nagkikita eh kailangan kong maging good boy at alagaan si Mama. Gusto kong mapasaya si Mama para masaya rin si Papa kung magkita-kita na kami.

"Kishou ang pangalan mo 'di ba?" tanong bigla sa 'kin ng isang lalaki.

I looked up and saw a person smiling at me.

Tumango na lang ako.

"Ako nga pala si Kuya Janus. Katrabaho ako ng Papa mo. Baguhan pa lang ako sa trabaho kasi kaka-graduate ko lang nung nakaraang taon. 21 years old na ako. Ilang taon ka na ba?" tanong niya.

"Ten po," sagot ko naman.

Naupo siya sa tabi ko. Nagulat ako sa ginawa niya kasi wala ni isa sa mga nakiramay sa 'kin ang umupo sa tabi ko. Oo, yayakapin nila ako pero aalis lang din naman sila.

"Ayos ka lang ba? Kumakain ka ba nang maayos? Baka pinapabayaan mo ang sarili mo," tanong niya.

"O-Okay lang po ako," sagot ko naman.

Aside kay Mama, siya lang din ang tao na nagtanong sa 'kin kung okay lang ba ako. Napatitig na lang ako sa kanya.

"Kumusta po ba si Papa sa trabaho?" tanong ko bigla sa kanya.

Kuya Janus smiled. "Magaling ang Papa mo sa trabaho. Malapit din ako sa Papa mo dahul ginagabayan niya ako. Tinutulungan niya ako lalo at kulang pa ako sa experience," sagot niya.

"Mabait po ba si Papa sa trabaho?" tanong ko pa.

"Mabait na mabait ang Papa mo," sagot niya.

"Mabait din po siya dito sa bahay eh. Kaya pala…"

Kuya Janus frowned at me. "Kaya pala ano?"

"Kaya pala nawala siya agad. Sabi ng teacher namin kapag mabait ka raw madali ka raw kunin ni Papa God," sabi ko.

Tumawa nang marahan si Kuya Janus. "Talaga ba?"

Tumango naman ako. "Opo."

"Eh ibig sabihin pala mga bad guys lang ang nabubuhay nang matagal?" tanong niya.

"Hindi naman po sa ganun. 'Yung mga bad guys daw po eh matagal mamatay kasi binibigyan pa sila ng chance ni Papa God na magbago. Kapag po ba mabait ka eh may kailangan ka pang baguhin? Wala naman po 'di ba?" tanong ko.

Kuya Janus ruffled my hair. "Alam mo, para kang matanda kung magsalita. Saan mo ba narinig ang mga 'yan?" tanong niya.

"Sa school po. Tapos kung minsan eh sa mga kwento ni Mama," sagot ko.

His RevengeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon