I was released after a few days mula sa ospital. Hindi naman seryoso ang tama ko ng baril. In fact eh nagagamit ko na nga ang kaliwang braso ko. Pero pinag-iingat pa rin ako ng doktor.
Madalas pa rin na bumisita sa 'kin si Kishou. Katunayan nga eh sumabay pa siya sa 'kin nung umuwi na ako.
"Can I talk to you for a while?" tanong sa 'kin ni Kishou habang naglalatag ako ng mga plato sa mesa.
"Sure. Ano 'yun?" tanong ko.
He looked around.
"Tungkol 'to sa kung sino ang bumaril sa 'yo…" sabi niya na halos bulong na lang.
I automatically frowned. "What?"
"Matagal ko na 'tong tinatago sa 'yo Red dahil kulang pa ako ng mga ebidensya. Pero hindi ko na maikakaila pa na nasa panganib ka. Natatandaan mo pa ba nung kinuwento ninyo sa 'kin 'yung kaso ng Rose Killer?" tanong niya.
I nodded.
"Joshua, Venice, Sheena, and Aliyah all died at the hands of the same person. Sila 'yung mga taong kinuntsaba ko para mapaasa ka dati, Red. Naaalala mo pa ba 'yung sinabi ko tungkol kay Gio?" tanong pa niya.
Tumango na lang ako. "O-Oo. Bakit?"
"Palagay ko siya ang nasa likod ng lahat ng 'to. Malakas din ang hinala ko na si Gio ang nagpabaril sa 'yo," paliwanag niya.
I frowned. "Why would he do that?"
"Gusto niyang maghiganti sa 'yo. Sabi ninyo may note na iniwan 'yung killer 'di ba? Malakas ang hinala ko na ikaw ang target ng Rose Killer. And look at his name… Rose Killer. Rose. Ano ba ang usual na kulay ng rosas? Red. Nasa panganib ka ngayon," sabi ni Kishou.
Why are you telling me this?
"Janus ang pangalan ng nagbigay sa 'kin ng puting rosas…"
"Then Janus is the Rose Killer," sabi ni Kishou.
He breathed deep before looking directly at my eyes. "May contact ako kay Janus. Ilang linggo na niya akong kinakausap. Pwede nating alamin ang location niya para mahuli natin siya."
What the f*cking hell is he talking about?
"W-Why are you doing this?" tanong ko sa kanya.
Kishou sighed before holding my hand gently. "Ito na lang ang paraan para makabawi ako sa ginawa ko sa 'yo at sa nangyari kay Grey. I will do everything para mahuli kung sino man ang nasa likod ng lahat ng 'to."
I became really confused with what he said. Sinabi ni Sei na may koneksyon si Kishou kay Janus at heto na nga si Kishou na umaamin na ng koneksyon nila. Parte ba 'to ng mga plano niya?
I really don't know why are you doing this, Kishou. Hindi ko alam kung tapat ka o nagpapanggap ka lang. Pero isa lang ang alam ko; kung ikaw man o hindi ang pumatay sa kapatid ko, pagbabayarin pa rin kita sa ginawa mo sa 'kin.
Nothing will change, Kishou. Matagal ko nang binuo ang desisyon ko.
•••
Binisita naman ako nina Dana at Irvin kinaumagahan matapos akong makauwi.
"At hindi ka man lang magrereklamo sa pulis?" tanong ni Dana nung natapos na akong magkwento tungkol sa nangyari sa 'kin.
"Sei said that he'll handle it. May lead na sila kung sino ang gumawa nun sa 'kin," sagot ko.
Irvin gave me a calculating look. "At tiwala ka naman kay Sei?"
I frowned at him. "Why would I not trust him? Ilang taon na kaming magkaibigan. And besides, may kapit sa pulis ang mga Adaira kaya magiging mabilis lang ang kaso ko," sagot ko.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomansaHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
