Hapon na naman at as usual eh naghihintay na ako kay kuya sa gilid ng court. Its almost five in the afternoon at malapit na rin lang naman silang pauwiin. Kakatapos lang din kasi halos ng practice namin.
At wala na ring nag-attempt na umaway sa'kin mula nung pinagtanggol ako ni Kishou. Bantay-sarado na kasi ako kay Kuya Grey at kay Kishou.
Kalat na kalat na rin halos sa buong school yung nangyari. Buti na lang at walang may alam ng totoong motibo sa'kin ni Kishou. Baka sumabog ang buong school kung malaman nila na naghahabol siya sa'kin, lalo na yung mga babae.
Kaya naman hayun, nakaladkad ako sa kasikatan ni Kishou. Nung naglaro nga ako ng volleyball eh sandamakmak na yung taong nanood ng game.
Nanalo pala kami, by the way. Coach was really impressed with us. Kahit si Irvin eh kasama na inter-school tournament bilang reserve.
"Red, right?" biglang sabi ng kung sino habang nakayuko ako sa phone ko.
Nag-angat ako ng mukha at isang lalaki ang nakatayo sa harap ko. Judging by his looks eh mukhang isa rin siyang basketball player.
"Uhm… yeah. Why?" tanong ko naman.
"I'm Gio. Teammate ako ng kuya mo at ni Kishou," sagot nung lalaki.
"Oh, I see. May kailangan ba sila? O pinapasabi?" tanong ko.
"Nothing, actually. I just want to talk to you," sabi niya sabay upo sa tabi ko. Umusog naman ako nang konti palayo sa kanya dahil halos magkadikit na kami.
"About?" tanong ko naman.
"About you and Kishou?" sagot ni Gio.
"What about us?" tanong ko.
"You're close, right?" tanong niya.
I paused. "Well… yes," sagot ko naman.
"About how close?" tanong pa ni Gio.
Tumitig ako sa kanya at kumunot ang noo ko. "Okay, why are you asking that?" tanong ko.
"I'm just curious-"
I stared at him sharply.
"Well, I heard Grey and Kishou talking about the latter's feelings for you. I was shocked at first. But when I saw you, well, mukhang matitipuhan ka talaga ni Kishou," sagot niya.
"And what do you mean by that?" tanong ko.
"You're attractive. And I heard that you're a volleyball player too and that makes you extra cool," sabi niya.
"And because I'm attractive eh matitipuhan na agad ako ni Kishou? I don't think he's like that," sagot ko naman.
"Well, you still don't know who Kishou really is kung ganyan ang tingin mo sa kanya. He values looks more than anything else, kahit ugali pa 'yan. If you're attractive and he likes you, then he'll do everything to get you-"
"But what if he can't get me?" tanong ko.
"That's Rule No. 1. He will always get what he wants," sagot ni Gio.
"And I'm not interested with him, thank you. I can defend myself and I'm not gullible," sagot ko.
Bigla na lang niya akong inakbayan.
"Then you might get interested with me. I can give your body the attention that it deserves…"
Bigla akong nakaramdam ng kamay sa binti ko.
"HELP!" sigaw ko sabay talon palayo kay Gio. Sa pagmamadali kong makalayo sa kanya eh nadulas pa ako at nauntog ang ulo ko sa semento.
Humahangos na dumating sina kuya at Kishou.

BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...