Red's POV
I was awoken from my sleep with the ringing of my phone. I groped for my phone on the bedside drawer before I got up.
"This is Red speaking…"
"Nasaan ka ngayon?" tanong ng boses ni Irvin.
"Nandito ako sa bahay. Natutulog. Why?" sabi ko habang nagkukusot ng mga mata.
"Pwede ba tayong magkita? Kasama ko ngayon si Dana," sabi niya.
I glanced at the window. "Pwede mamaya nang mga alas kwatro? Ang init pa sa labas oh…"
"This is really urgent, please. Kailangan talaga nating mag-usap."
Kumunot ang noo ko. "Pwede mo naman atang sabihin sa 'kin over the phone 'di ba?"
"I can't explain this over the phone. I need to talk to you in person ASAP," Irvin said. There was a tone of desperation in his voice.
I sighed. "Oo na. Saan ba tayo magkikita?" tanong ko.
"Diyan na lang sa may park sa labas ng village ninyo. Papunta na rin kaming dalawa ni Dana," sagot ni Irvin.
"Okay. See you later," paalam ko naman bago ako bumangon mula sa higaan ko.
"And Red-"
"Yes?"
"Pumunta ka rito nang mag-isa, okay? Go here alone at 'wag mong sasabihin kahit na kanino na papunta ka rito. Got it?" Irvin said clearly and slowly.
I just frowned at my phone. "Okay."
Nagbihis na ako at dumiretso na papunta sa park kung saan kami magkikita nina Dana at Irvin. Nakasalubong ko naman si Sei sa sala ng bahay pagkababa ko mula sa kwarto ko.
"Oh, where are you going?" tanong niya sa 'kin.
Naalala ko 'yung sinabi sa 'kin ni Irvin.
"May pupuntahan lang ako. Madali lang. Ba't ka napunta rito, by the way?" tanong ko naman sa kanya.
"Balak ko sanang makipag-sex sa 'yo kaso mukhang nagmamadali ka," he said.
Inumang ko sa kanya 'yung kamao ko. "Seriously? Tanghaling tapat?"
Se just laughed. "Madali ka lang ba? I'll just wait here," sabi niya.
"I think I'll be quick," I said, glancing at my watch. "Magluluto ako later ng lasagna. Dadaan na rin ako sa supermarket."
"Sure. See you later," sabi ni Sei.
"Can I borrow your car? Nagmamadali kasi ako eh," sabi ko.
"Hingin mo na lang kay Manang Criselda," sabi ni Sei sabay on ng TV.
"Okay. Thanks a lot. Bye," paalam ko naman bago ako naglakad palabas ng bahay.
The park that Irvin was referring to was a five-minute car ride mula sa bahay namin. Madalas lang akong maglakad papunta doon pero dahil tanghaling tapat ako gustong makita nung dalawa eh nag-drive na lang ako.
Halos bakante ang park nung nakarating ako doon. I parked the car and immediately ran towards a nearby tree to avoid the sun's scorching heat.
Nandito na ako sa park. Sa bandang kaliwa pagkapasok mo ng main gate. Sa ilalim ng puno ng narra, text ko kay Irvin.
Hindi nagtagal ay may tumigil na taxi sa gate. Lumabas mula doon sina Dana at Irvin. Kumaway naman ako pagkakita ko sa kanila.
Dali-dali silang tumakbo papunta sa 'kin. Pero natigilan ako nung nakita ko kung ano ang hawak nila.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomantikHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
