Chapter 15: Guilt

9.5K 403 30
                                        

"Achoo!"

Isang tabla ng gamot ang lumipad papunta sa noo ko.

"I have told you many times to drink medicine already," iritang sabi ni kuya habang naglalaro sa desktop sa kwarto namin.

"I'm fine. Nakakainom pa lang ako kaninang umaga," sabi ko sabay subsob sa unan.

Dahil nga naulanan ako eh nagkasakit ako. Buti nga at nasaktong weekend ako tinamaan ng sakit.

Agad naman akong nakauwi nung natapos na akong makikain kina Kishou. Dumiretso ako sa CR pagkauwi ko at naligo agad kaya hindi na nakita ni kuya na damit ni Kishou ang suot ko.

At hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung muntik nang gawin ni Kishou nung gabing 'yun. He tried to kiss me.

I shivered a bit. The idea of him kissing me was way too much for my brain…

Pero may isa ring bagay ang gumugulo sa isip ko.

Kung sino 'yung nagtext sa'kin.

I'd like to believe that Kishou was telling me the truth. Tsaka kung nagsisinungaling man siya eh ba't kailangan niya pa akong pagpahintayin doon sa tulay? He could've just invited me to his house right away.

So ibig sabihin, may isa pang tao ang nakakaalam sa motibo sa'kin ni Kishou.

But why would they text me to meet Kishou? Para siraan siya sa'kin? Baka babaeng classmate ni Kishou yung nag-text sa'kin.

"Argh!" sigaw ko at inuntog-untog ko ang ulo ko sa unan.

"Stop it. You'll get dizzy…" sabi ni kuya.

Tumigil na ako dahil nahilo na talaga ako.

"Something's bothering you?" tanong sa'kin ni kuya.

"Nothing. My head's just aching a bit," sabi ko sabay subsob ulit ng mukha ko sa unan.

"Then drink medicine," bored niyang sagot.

"Order me pizza… I'll be fine with pizza…"

"No pizza for you until you get well," he said firmly.

"Just one box…" sabi ko naman.

"Nope."

"I can cook your favorite dish-"

"That won't work."

"I can do all of your homeworks-"

"Nope."

Sinubsob ko pa lalo ang mukha ko sa unan. "Why are you doing this to me, brother? Why hast thou forsaken me?!" muffled kong sigaw at kunyari ay umiiyak pa ako.

"Stop it. You'll suffocate yourself. And don't say weird things out of the blue," sabi ni Kuya Grey.

Tumingala na lang ako sa kisame. "I'm so bored…"

"Don't move too much. Malala pa ang sakit mo. Just lay there. Ako na ang magluluto ng pananghalian natin," sabi ni kuya.

"Are you sure? Can you cook something edible?" tanong ko.

"Hey, I can still cook food kahit na papano!" he said defensively.

"Yeah, great. I want soup. Tsaka fried chicken tsaka pizza…"

Tumayo na lang si kuya sabay hampas ng unan sa ulo ko. "No pizza, I said."

Nagkunwari na lang akong umiiyak sa unan ko. "You're so evil…"

Binuksan ni kuya yung cabinet niya at kumuha ng isang jacket.

"Whatever. I'm going to the supermarket. You want soup and chicken, you say?"

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon