HR II - Chapter 28: Unveil

6.1K 270 6
                                        

Sei's POV

"Mama, kelan po ba uuwi sa Papa?" tanong ko sa nanay ko habang nakatanaw sa gate ng bahay namin.

"Darating din 'yun. Pumasok ka na dito sa loob at baka lamigin ka diyan," tawag sa 'kin ni Mama mula sa kusina.

Pero hindi ako umalis mula sa pagkakaupo sa gate. Bibihira ko lang makita si Papa kaya naman inaabangan ko talaga ang bawat pag-uwi niya sa bahay namin.

Buti na lang at 'di nagtagal ay dumating na rin si Papa. Agad akong tumakbo papunta sa kanya.

"Papa!"

"Kumusta na ang anak ko? Naging good boy ka ba habang wala ako? Hindi ka ba naging pasaway kay Mama?" tanong niyang habang buhat-buhat ako.

"Naging good boy po ako. Tsaka tinutulungan ko po si Mama dito sa bahay," sagot ko naman.

"Bakit ngayon ka lang dumating?" tanong naman ni Mama. "Kanina pa kakahintay sa 'yo ang anak mo."

"Pagpasensyahan mo na at marami lang akong inasikaso sa munispyo," sagot ni Papa.

Mayor kasi si Papa sa isang kalapit na munisipyo namin. Pero kahit malapit lang ang pinagtatrabahuan niya mula sa bahay namin eh halos isang beses kada isang linggo ko lang siyang makita. Sabi ni Mama eh busy lang daw talaga si Papa kaya bihira siyang makauwi.

Pero kahit bihira lang kami magkita eh mahal na mahal ko si Papa. Kahit kailan hindi ko naramdaman na pinabayaan niya kami. Kaya naman hindi ko nagawang magalit o magtampo kay Papa kahit na kailan.

Pero ang isa sa mga ipinagtataka ko ay kung bakit hindi ko pa nakikita si Lolo sa side ni Papa. Patay na kasi ang Lolo at Lola ko sa side ni Mama.

Sa tuwing tinatanong ko si Mama tungkol doon eh busy daw kasi ang Lolo ko sa trabaho nito kaya hindi pa raw ito nakakapunta man lang sa bahay namin.

"Dito po ba kayo matutulog?" tanong ko kay Papa habang kumakain kami ng hapunan.

Nagkatitigan sina Mama at Papa.

"Inayos ko na po 'yung tutulugan natin nina Mama," sabi ko pa.

Papa smiled at me. "Sige. Dito ako matutulog dahil naging good boy ka sa Mommy mo," sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

"Tsaka may family day po kami next week. Sasama po ba kayo?" tanong ko pa.

He paused. "S-Sige. Magsasama kami ng Mama mo diyan sa Family Day."

Kaya naman tuwang-tuwa ako nung sinabi 'yun ni Papa. Madalas kasi akong tuksuhin na wala raw akong tatay. Kadalasan kasi si Mama ang uma-attend ng mga events sa school namin.

Pero isang malaking ilusyon lang pala na isa kaming masaya at buong pamilya.

"'Wag mong papangakuan 'yung bata ng mga bagay na hindi mo naman matutupad!" dinig kong sabi ni Mama kay Papa. Bumaba kasi ako mula sa kwarto ko nung nagising akong wala sila sa tabi ko.

"Susubukan ko naman Alicia eh…"

"Susubukan? Ilang beses mo na ba 'yang sinabi?" tanong ni Mama.

Huminga nang malalim si Papa. "Galit ka pa rin ba sa 'kin hanggang ngayon?"

"Oo. Dahil anak natin ang naiipit sa gulo na 'to. Ako 'yung unang minahal mo Sean! Ako yung unang dumating! Pero ako na ngayon ang nakikihati ng oras at atensyon mo!" sabi ni Mama.

"Ginawa ko 'yun para sa inyo. Kung hindi ko sinunod and utos ni Papa hindi ko rin sana kayo mabibigyan ng magandang buhay ngayon. Kailangan kong pakasalan si Helena," sagot ni Papa.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon