Chapter 14: Attempt

9.3K 382 14
                                    

"Hey," bungad ko kay Grey kinagabihan nung nakita ko na siyang nakaupo sa isang bench sa parkeng tinukoy niya kanina.

He just nodded at me. Napatitig na lang ako sa kanya.

"Why so serious?" natatawa kong tanong kay Grey.

"I'm going to talk about something serious," he said simply.

"I see. At bakit mo ako pinatawag dito?" tanong ko naman.

"I'll just go directly to the point, Kishou. You should stop pursuing your feelings for my brother," he said.

Natigilan ako. "I can't do that…"

"And why?" tanong ni Grey.

"I don't know. Pero kung ano man 'to na nararamdaman ko para kay Red, I want to pursue it," I said.

"But you're hurting my brother-"

"I am not hurting him and I will not hurt him!" matalim kong sabi.

"You're already hurting him. Hindi pa nga nagiging kayo nasasaktan na si Red. Tingnan mo 'yung nangyari kanina. Pa'no na lang kung malaman ng buong school ang nararamdaman mo para sa kapatid ko? Lugi si Red dahil paniguradong magagalit sa kanya ang sandamakmak ng mga babae. My brother will be subject to ridicule and sufferings!" sagot ni Grey.

"At kung sa palagay mo maitatago mo ang nararamdaman mo kay Red, nagkakamali ka. You're famous! Bantay-sarado ang lovelife mo sa lahat ng babae sa Emerald! And my brother's starting to make a name for himself. Mawawalan kayo ng privacy kapag nagkataon," dagdag pa niya.

Napayuko na lang ako at nagkuyom ng mga palad ko. "Palagay mo ba hindi ko siya kayang ipagtanggol?"

"You can only shield him from physical attacks! You can't spare him from emotional stress! Lalaitin at lalaitin kayo ng mga tao! Ang bata pa ng kapatid ko, Kishou! Not him!" galit niyang sigaw sa'kin.

"Bata lang ba ang tingin mo sa kapatid mo? Sa palagay mo ba ganun lang siya?" tanong ko sa kanya.

Grey suddenly stared at me sharply. He then closed his eyes temporarily, breathed deep, and tried to calm himself.

"Yes. That's why I'm trying to protect him. Hindi ko sinasabi na ayaw ko sa'yo. Ayoko lang talaga na ngayon mo pa ipagtutulakan ang nararamdaman mo para sa kanya. I love my brother very much. Wala akong objection kung maging magkaibigan man kayo. Pero sana, hanggang doon na lang muna ang lahat sa inyong dalawa," sabi ni Grey.

He breathed deep again bago siya panandalian na yumuko. "And besides, wala pang intensyon ang kapatid ko na pumasok sa isang relasyon. Just let him enjoy his life first. Hindi magtatagal at tatanda na rin 'yan si Red. Ipaubaya mo na sa kanya 'yung oras na pwede pa niyang gugulin sa pagkabata niya," sabi ni Grey.

"Fine. I will not push my feelings for him for now. But I will wait, Grey. I will wait. Papatunayan ko sa'yo na kaya ko ring ipagtanggol ang kapatid mo," I said sharply.

Grey just sighed. "Ipaubaya mo na sa'kin 'yun sa ngayon. Kaya kong ipagtanggol ang kapatid ko," he said.

Hinampas niya ang balikat ko. "Klarado na ba sa'yo na hindi mo na muna ipagtutulukan ang nararamdaman mo para kay Red?" tanong niya sa'kin.

Tumango na lang ako.

"Fine. I will. Pero sana naman 'wag mong ilalayo si Red sa'kin. I want to know him more. Sana naman hindi mo sa'kin ipagkait ang pagkakataon na makilala pa siya lalo," sabi ko.

"That's fine to me. But you'll be under strict surveillance. Araw-araw kitang babantayan kapag kasama mo ang kapatid ko," sagot ni Grey.

"That's better than not seeing him at all," I said with a smile.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon