HR II - Chapter 30: White Rose

6.4K 249 29
                                        

Kishou's POV

Hapon na at hinihintay ko na si Red na matapos sa practice nila. Halos alas-singko na kaya patapos na rin sila.

Well, medyo maganda naman ang development naming dalawa ni Red. Madalas kaming mag-tawagan. Minsan naman kapag weekends eh gumagala kami. Although hindi pa niya ako sinasagot eh alam ko naman na binubuo pa rin niya ang tiwala niya sa 'kin. I'm willing to wait.

"Tara na," biglang sabi ni Red na nasa tabi ko na pala.

"Oh, okay. Akin na 'yang bag mo," sabi ko.

"Ako na. Kaya ko 'to. Manliligaw kita, hindi alalay," Red said.

Gusto ko sana siyang ihatid parati sa bahay nila pero 'di pumayag si Red dahil kaya naman daw niya at kasama naman niya parati si Sei. And besides, malayo ang village nila mula sa condo ko at ayaw akong nagagabihan na Red lalo pa't may serial killer na umaaligid sa paligid.

"Dadaan muna 'ko sa locker room namin at sa CR. May mga naiwang akong gamit at magpapalit ako ng damit. Okay lang ba kung maghintay ka muna sa may gate?" tanong ni Red.

"Sasamahan na kita. Ang lapit-lapit lang naman nun," sabi ko.

"Sure. Thanks," Red said as he held my hand. Napangiti na lang ako habang nakatitig sa magkahawak naming kamay.

"Where's Sei? Hindi ba siya sasama sa 'yo?" tanong ko.

"Dumiretso sa gym. May session siya ngayon," sagot niya.

"I see. Malapit na midterms natin. Nag-aaral ka ba nang maigi?" tanong ko.

Red smiled. "Para kang si Mama. Nag-aaral po ako. Kung gusto mo eh pumunta ka sa bahay at mag-review tayo nina Sei. Nagbabalak din kasi 'yun na mag-review."

Nakarating na kami sa locker room nina Red. Naghintay naman ako sa hallway sa labas.

Biglang nag-ring ang phone ko. Napahinga na lang ako nang malalim nung nakita ko kung sino 'yung tumatawag.

"Yes, Janus?"

"The next killing will happen by next week. Isang anak ng mayamang mag-asawang negosyante ang mamamatay," bungad niya sa 'kin.

"Then probably malalaman na natin kung sino ang Rose Killer. Mayaman sila so malamang hindi sila papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang anak nila," sagot ko.

"Don't underestimate the Rose Killer. Let me ask you one thing, Kishou. Bakit sa dinami-dami ng napatay ng Rose Killer na 'yan eh wala pa ring magandang development ang kaso?" tanong ni Janus.

I frowned. "Magaling magtago ng ebidensya ang Rose Killer…"

"Nope. Kung magaling magtago ng ebidensya ang Rose Killer na 'yan eh hindi sana nahahanap ang mga bangkay ng mga pinapatay niya," sagot niya.

Tumitig ako sa kawalan. "Maybe they have a connection with the police?"

"Bingo. Papano uusad ang kaso kung mismong mga pulis ang humaharang at nagpapabagal sa proseso? The Rose Killer is clever, Kishou," sabi ni Janus.

Huminga ako nang malalim. "Ilan pa ba ang papatayin ng Rose Killer na 'yan?' tanong ko.

"Hmm… Around four, I think? Kasama ka na doon…"

"What?!"

"Yep. But don't worry, hangga't nandito ako, walang mangyayari sa 'yo at sa taong mahal mo," sagot niya.

"So Red is also a target of the Rose Killer?" tanong ko.

"I cannot say that, Kishou. What I can only say is that Red is also in danger. Maraming traydor sa paligid. Malay mo isa ako sa mga traydor na 'yun…"

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon