Hapon na naman at palabas na ako ng room namin. Nakasunod sa 'kin sina Irvin at Dana.
"Sigurado ka ba na ngayon mo na 'yun gagawin?" tanong sa 'kin ni Dana. Kinuwento na rin kasi namin sa kanya ni Irvin 'yung nangyari kanina.
I nodded. "Kelan pa ba? Gusto ko nang malinawan ang lahat."
I've already texted Kuya Grey na dadaan ako kina Kishou bago umuwi. Nasabihan na nga rin pala siya ni Kishou earlier na balak niya akong imbitahan for dinner sa bahay nila ngayong gabi.
Sabi nga ni Irvin eh tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para makausap ko si Kishou.
"Mauna na kami. Bye. Take care," paalam sa 'kin nung dalawa.
Kumaway naman ako sa kanila bago ako tumalikod papunta sa room nina Kishou.
Nakasalubong ko si Kishou sa isang hallway.
"Hey," he said upon seeing me. "Pinuntahan mo pa talaga ako. Pwede mo naman akong hintayin sa gate."
Lumapit siya sa 'kin para dalhin yung bag ko pero hindi ko 'yun binitawan.
"I can manage. Thank you," sabi ko.
He stared at me for a few seconds. "You look weird. May problema ba?" tanong niya.
"Wala. Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko," sabi ko naman.
"Umuwi ka na lang kaya? Magpahinga ka," sabi niya sabay salat sa noo ko.
"Okay lang ako. Magpapahinga na lang ako nang konti sa bahay mo. And besides, I have an important matter to discuss to you," sabi ko naman.
"Yeah, sure. Magpapatulong din kasi ako sa ibang lessons namin ngayon sa'yo. 2nd term na kasi kaya medyo pahirapan na ang topics namin," sabi niya.
Last term nga kasi eh parati ko siyang tinutulungan sa pag-aaral niya. Tinutulungan ko siya sa pagre-review at maging sa paggawa ng mga projects niya. Sabi nga nina Dana at Irvin eh nagmumukha na raw akong alalay ni Kishou.
Nag-taxi na lang kaming dalawa papunta sa bahay niya.
I can feel Kishou's repeated glances on me. Nagkunwari na lang akong hindi 'yun napapansin at tumitig na lang ako sa labas ng bintana ng taxi.
Sinubukan niya akong alalayan nung pababa na ako ng taxi pero tumanggi ako. "Bata pa 'ko. Hindi pa 'ko uugod-ugod."
"Uhm, sa kwarto ko na lang tayo mag-aral. Magluluto na muna ako sa kusina then magpahinga ka na muna. After dinner na lang tayo mag-aral," sabi niya habang papasok kami ng bahay niya.
"Yeah, sure," sagot ko naman.
Hinawakan bigla ni Kishou ang braso ko pagkapasok namin ng kwarto niya.
"Hindi na ako magpapanggap na wala akong alam, Red. Alam ko na kinuwento sa'yo ni Irvin 'yung nakita niya kaninang umaga," he said.
"Yeah, that's true. At gusto ko sanang malaman kung ano ang meron sa pinag-usapan ninyong dalawa," sabi ko.
"He tried to apologize to me pero sinabihan ko siya na dapat sa'yo siya humingi ng tawad at hindi sa 'kin," sagot ni Kishou.
"Are you sure? Bakit sabi ni Irvin eh nung unang beses niya kayong nakita, mukhang hindi naman 'yun ang pinag-uusapan ninyo?" tanong ko.
"Sinasabi mo ba na mali ako?" tanong ni Kishou.
"Wala akong sinasabi na mali ka. Gusto ko lang sana na malinawan ang lahat. Ayokong nagsisinungaling ka sa 'kin," sabi ko.
Kishou sighed. "Fine. Matagal na kaming magkakilala nung lalaking tumulak sa'yo. We're friends, actually."
Natigilan ako.
BINABASA MO ANG
His Revenge
Storie d'amoreHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
