Hapon na at nakabantay na kami ni Sei sa palengke kung saan nagtatrabaho si Gio. Nakasakay kami sa isang kotse na naka-park 'di kalayuan mula sa palengke.
"Nandiyan siya sa loob ngayon. Nakapuwesto na ang mga tao ko at naghihintay na lang sila ng magandang tiyempo para kunin si Gio. Konti lang naman ang mga tao sa parteng ito ng palengke kaya magiging madali lang ang pagkuha natin sa kanya," sabi ni Sei.
I nodded. Tumitig na lang ako sa mga naglalakad na tao sa labas ng kotse namin.
"It would be preferable if you kill him quickly. Kahit hindi nagpaparamdam si Kuya Gino ay hindi pa rin tayo nakasisigurong hindi niya tayo binabantayan. Mahirap na," sabi pa niya.
"Nasaan ba ang pinsan mo ngayon?" tanong ko.
"Tumawag sa 'kin kanina 'yung isang tauhan ko. Wala raw sa bahay o sa condo unit niya si Kuya Gino. Nakita raw nila 'yung kotse niya sa kumpanya. Malamang pumasok 'yun ngayon. I also checked his schedule. May importanteng meeting siya kaninang alas dos," sagot ni Sei.
"Okay," I said absentmindedly.
Biglang nag-ring ang phone ni Sei.
"Hello? Okay. Good. Susunod na kami. Be very careful at magbantay kayo nang maigi sa paligid. Make sure na walang nakasunod sa inyo. We'll follow you right away. Bye," sabi ni Sei.
"Nakuha na ba siya?" tanong ko.
Sei nodded. "Yeah. Susunod na tayo sa kanila."
'Di nagtagal ay natanaw na namin ang isang itim na van na lumabas mula sa isang side ng palengke. Agad naman 'yung sinundan ni Sei.
"So, tell me, kung magawa mo na ang mga plano mo, ano na ang gagawin mo?" tanong sa 'kin ni Sei habang nasa daan kami.
I stared at him blankly.
"I don't know. Maybe tatapusin ko muna ang pag-aaral ko sa Emerald. Gusto ko nang makaalis sa lugar na 'to. Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng nangyari sa 'kin," I said.
"Pa'no naman ako? Iiwan mo lang ba ako dito?" tanong niya.
"You'll always be my friend, Sei. Habang-buhay kong tatanawin bilang utang-na-loob ang naitulong mo sa 'kin. Hindi mo lang ako tinulungan para maisagawa ang mga plano ko. Tinulungan mo rin ako na makapag-adjust sa nangyari sa 'kin. Kung wala ka eh hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon," I said as I smiled at him.
"Wala na ba talaga akong pagkakataon para diyan sa puso mo?" tanong niya.
I sighed. "Gusto kong magmahal, Sei. Gustong-gusto ko. Pero pa'no pa ba magmahal? Wala na akong puso 'di ba? I've already become a monster. Matagal nang kinain ng galit ang puso ko. Alam ko sa sarili ko na matagal na panahon ang gugugulin ko para makapagmahal ulit. Matagal na panahon pa ang kailangan kong hintayin para mabuo ulit ang puso ko," sabi ko.
Tumitig ako sa langit na paunti-unti nang dumidilim.
"If we met in a different time, in a different fate, then maybe I could've loved you as if I'm whole and happy."
"So you're going to be on your own?" tanong ni Sei.
I nodded. "I need to find Red… Kailangan kong ibalik ang Red na matagal nang nawala."
"At kung sakaling magawa mo 'yun, pwede mo na ba akong bigyan ng pagkakataon?" tanong ni Sei.
"Titingnan ko. Pero kahit hindi dumating ang araw na 'yun ay may espesyal ka pa ring lugar sa puso ko. Kahit kailan hindi kita makakalimutan."
Malayo na kami sa bayan nung tumigil na 'yung kotse ni Sei. Nasa harap kami ng isang lumang bahay. Malawak na palayan lang ang nakapaligid sa 'min.
"Nasa loob na siya. Here, take this gun. Goodluck," sabi niya sabay abot sa 'kin ng isang baril.
BINABASA MO ANG
His Revenge
Roman d'amourHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
