WARNING: The following chapter contains scenes of extreme violence. Proceed at your own risk.
•••
Sinalubong ako ni Sei sa parking lot ng hall kung saan ginanap ang event na pinuntahan namin.
"What happened to your attire?" natatawang tanong sa 'kin ni Sei.
"Dennis got too excited and he ripped my longsleeve open," sabi ko naman.
Hinubad ni Sei ang suot niyang jacket bago niya 'yun inabot sa 'kin. "Here. Wear this. Lalamigin ka."
"Thanks," sabi ko naman habang sinusuot 'yung jacket.
"Where are we bringing him?" tanong ko sa kanya nung nakasakay na kami sa kotse.
"Just wait. Nakahanda na rin doon ang mga gagamitin mo sa kanya. And don't worry, sisiguraduhin ko na walang nakasunod sa 'tin at wala nang makahahanap pa sa katawan niya."
"Good. Hurry up," sabi ko.
"You're getting too excited," sabi ni Sei.
"You can't blame me. Ilang taon kong hinintay 'to. May espesyal na lugar sa puso ko ang mga taong pumatay kay Kuya Grey," sabi ko.
Sei glanced at me.
"Alam ko na rin kung nasaan 'yung isa pang target natin," sabi niya.
"How about Gio?" tanong ko.
"Nahanap ko na rin siya," sagot ni Sei.
"Excellent. At kasama na natin ang kasali sa main event. Mukhang sinu-swerte talaga tayo," I said, smiling a bit.
Huminga ako nang malalim bago ako tumitig kay Sei. "I need to tell you something…"
Sei raised an eyebrow.
"Narinig mo si Kishou na kausap 'yung Janus 'di ba?" tanong ko.
"Yep. Why?"
"Well, umamin sa 'kin si Kishou na kausap daw talaga niya 'yung Janus. Tinutulungan daw siya nun-"
"Tinutulungan?" gulat na tanong ni Sei. "How?"
"I don't know. Basta ang sabi niya tinutulungan siya ng Janus na 'yan. At kumagat talaga siya sa pakulo natin tungkol sa Rose Killer. Akala niya si Gio ang Rose Killer at mas lalo pang lumakas ang hinala niya nung nabaril ako," sagot ko naman.
Sei looked troubled. He just glared at the road without even replying.
"At sinabi niya na handa siyang makipagtulungan para mahuli natin kung sino man ang Janus na 'yan," sabi ko pa.
Napalingon siya sa 'kin bigla. "What? Is he serious? Eh sa pagkakarinig ko parang magkasabwat silang dalawa-"
"I know. Pero sinabi niya na wala rin daw siyang tiwala kay Janus. Naniniwala rin siya na si Janus ang nagpabaril sa 'kin," sagot ko.
Sei sighed. "Ako na ang bahala diyan. 'Wag mo na 'yang isipin pa. Malalaman rin natin kung sino ang Janus na 'yan at kung siya ba talaga ang nagpabaril sa 'yo. Don't get distracted. Just focus on our plan. Let me deal with the nuisance."
I nodded. "Thanks."
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa lugar na pinagdalhan kay Dennis. Nag-park na si Sei sa isang tabi at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Lumabas naman ako agad at tuloy-tuloy na naglakad.
Tumigil lang ako sa harap ng pinto ng kwarto kung saan nila ginapos si Dennis.
"I want to face him alone."
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
