HR II - Chapter 5: Poisonous Rose

9.5K 386 10
                                    

Red's POV

"Are you freaking serious?! Its him?" hindi-makapaniwalang tanong sa 'kin ni Sei.

I just nodded.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nung sandaling nakita ko siya. I wanted to kill him right away. Gusto ko na siyang pagbayarin sa lahat ng kasalanan niya sa 'kin. Pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ngayon ang panahon. Ilang taon akong naghintay at hindi ko siya papatayin nang ganun kadali.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"What's your plan now?" tanong sa 'kin ni Sei.

Agad naman akong nagpunas ng mga luha ko. "Uunahin ko na muna ang iba bago siya. He's my main course. Ilang taon akong naghintay at naghirap. Gusto kong ibalik sa kanya ang lahat ng taon ng pasakit na dinanas ko. Hindi ako makukuntento na patayin lang siya nang basta-basta," sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa tinidor.

"Mind your look. Kontrabida ka, remember? Nagmumukha ka na namang basahan," reklamo ni Sei.

Maya-maya pa ay bumalik na sa table namin si Kishou.

"Soup Sirs and water," sabi niya habang nilalagay 'yung mga bitbit niya sa mesa.

Pasimple kong tinabig ang tray na bitbit ni Kishou, sanhi para matumba ang isa sa mga baso at matapon sa kanya ang tubig na laman nun.

"Oh, sorry!" sabi ko naman agad.

"Its okay, Sir," nakangiting sabi ni Kishou.

"Red's clumsy," Sei said with meaningful look at me.

"I'm really sorry. Okay ka lang ba?" tanong ko kay Kishou.

"Okay lang po talaga ako. I'll just replace your water," sabi niya sabay alis.

I glanced at Sei before I smirked.

"You, Credence, is a nasty little devil," he said.

"Oo, sinabi ko na ihuhuli ko siya. Pero hindi ko sinabi na hindi ko na siya papahirapan ngayon pa lang," sabi ko naman.

"Pero mayaman 'yan 'di ba base sa kuwento mo? Bakit siya nagtatrabaho dito?" tanong ni Sei.

"I don't know. Baka nawalan ng yaman sa pambababae," sagot ko.

Sei just chuckled.

"By the way, narinig ko kanina sa balita 'yung nangyari kay Joshua. Kumusta na?" tanong ko.

"Walang lead ang mga pulisya. And besides, ang pulis na humahawak sa kaso niya at hahawak pa sa future cases ng Rose Killer eh kilala ko. So don't worry. Walang patutunguhan ang mga kaso nila," sagot ni Sei.

Gaya nga ng sinabi ko dati eh anak si Sei ng mga pulitiko. May mga kapit din ang pamilya nila sa pulisya kaya naman wala kaming alalahanin sa kung sino man ang patayin naming dalawa.

"How about our next targets?" tanong ko.

"Alam ko na kung nasaan 'yung tatlong babae. Kelan mo ba sila gustong makita? At sino ang una mong gusto na makita?" tanong niya.

"'Wag muna ngayon. May gusto muna akong gawin," sabi ko.

"And that is?"

"… that is pretty obvious," sabi ko habang nakatitig kay Kishou na palapit na sa 'min.

"Nandito na po 'yung meal ninyo," sabi niya habang naglalatag ng mga pagkain namin.

Sei stared at me before he nodded.

"So, Kishou. Kumusta ka na ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman po, Sir," sagot ni Kishou.

I smiled at Kishou before I held him by his arm.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon