It's the 24th of December. Christmas eve. The temperature was freakingly cold. Maya't-maya ay makakarinig ka ng mga paputok mula kung saan. The Christmas spirit was definitely high.
Kakalabas lang namin mula sa simbahan na malapit lang sa village namin. Kasama ko ang parents ko and, of course, si Kishou.
"It's really cold tonight," I said, fixing my jacket and scarf.
Kishou held my hand tightly as we walked through the crowd. "Gusto mo bang kumain? Libre ko."
"Sigurado ka?" tanong ko naman.
"Yep," he said with a smile.
"Isang bibingka," sabi ko agad.
Kaya nagpaalam na muna kami sa parents ko bago ako dinala ni Kishou sa pinakamalapit na stall. Maya-maya pa ay inabot na niya sa 'kin ang mainit at umuusok pang bibingka.
"Thank you!" sabi ko naman.
"Welcome."
"Tara na. 'Yung pagkain sa bahay baka sunog na. We need to go back to the house," sabi ko sabay hila kay Kishou.
Sumunod na kami kina Mama at Papa. Wala ngayon si Sei dahil kasama rin niya ang parents niya sa isa pa nilang bahay. Pero magkikita kaming dalawa mamaya pagkalipas ng hatinggabi.
"Where's Sei by the way?" tanong sa 'kin ni Kishou nung dumaan kami sa madilim na bahay nina Sei.
"He's with his parents and other relatives. Babalik din naman daw siya after Christmas," sagot ko.
"I see. I was a bit surprised when I didn't see him in your house. Sanay na akong nakikita kayong magkasama parati," sabi niya.
"We're close, yes. Pero sa pagkakaalam ko eh kaya ko namang mabuhay kahit wala ang presence niya. Wala naman sa kanya ang baga o puso ko," I said.
Kishou chuckled. "I just thought that you two were inseparable."
Nung nakarating na kami sa bahay ay agad akong dumiretso sa kusina para mag-asikaso ng mga niluto namin. Tumulong naman sa paghahanda si Kishou.
"Matagal-tagal ka rin naming hindi nakita Kishou," sabi ni Papa nung kumakain na kami.
"Kayo rin po. Mula po nung lumipat kayo nawalan na ako ng balita sa inyo," sabi ni Kishou.
"Alam mo naman ang nangyari sa pamilya namin. Kung kelan lilipat na kami ng bahay eh saka naman nawala si Grey," sabi ni Papa.
Humigpit ang hawak ko sa kutsilyo.
"Hindi niyo po ba nalaman kung sino ang pumatay kay Grey?" tanong ni Kishou.
Hindi ko napigilan na hindi tapunan nang matalim na titig si Kishou.
"Masyado kaming naging abala sa pag-aasikaso sa sitwasyon ni Red. At halos ilang buwan din na hindi 'yan nakapagsalita kaya walang nakuhang lead ang mga pulisya. Ayaw rin na magsalita ni Red tungkol sa nangyari," sabi naman ni Mama.
Nanatili lang akong nakayuko sa plato ko.
"M-May aaminin po sana ako…"
Napaangat ako ng mukha bigla.
"Ano 'yun, Kishou?" kunot-noong tanong ni Papa.
Pinadaanan ako ng titig ni Kishou bago siya bumaling kay Papa.
"Natatandaan niyo naman po 'di ba na close kaming dalawa ni Grey? At kalaunan eh nakilala ko po si Red," panimula ni Kishou.
Tumango naman si Papa.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
