HR II - Chapter 39: Shadows and Suspicions

5.2K 220 11
                                    

Irvin's POV


"May practice daw tayo ngayong hapon," sabi ko kay Red nung pumasok na siya sa room namin.

"Sige. Anong oras?" tanong naman ni Red.

"Right after lunch. Si coach na raw ang bahalang magbigay ng excuse letter sa mga teachers natin sa afternoon period," sagot ko.

Red became an instant star the moment he was accepted to Emerald's volleyball team. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang kagaya niya na aakalain mong lampa eh kaya palang tumalon nang sobrang taas at humampas nang sobrang lakas?

Red became an open spiker in the team. And within just a matter of few weeks ay nagsimula nang sumikat ang pangalan niya; lalo pa nung napanood siya ng buong school na naglaro sa Intrams. Kaya hindi na siya nakasakay sa anino ng Kuya Grey niya. Siya na mismo ang gumagawa ng sarili niyang pangalan dito sa Emerald.

"So, ilang regalo ba ang nakuha mo mula sa locker mo kaninang umaga?" pabiro kong tanong kay Red. Nung nagsimula kasi siyang sumikat eh nagsimula na ring dumami ang mga nagpaparamdam sa kanya.

"Don't exaggerate," he said.

Tumawa na lang ako bago ko marahang sinuntok ang balikat niya.

"Asus. Don't be so modest. Alam natin pareho na sikat ka na sa buong school," sagot ko.

Red breathed deep.

"I never asked for this. Ang gusto ko lang naman eh makapaglaro ng volleyball. Hindi ko naman hiling na sumikat gaya ni Kuya Grey," Red said.

Napahinga na lang din ako nang malalim. "Ang bait mo talaga kahit kelan…"

"Why? Kasalanan ba na hindi naman ako naghahabol ng recognition o kasikatan? When I entered high school, I wanted to keep a low profile," sagot niya.

"Eh pa'no ba 'yan? Mukhang unconsciously eh nakakahakot ka ng kasikatan?" tanong ko.

"Bahala na…" Red said.

Nabaling bigla ang titig ko sa isang lalaki na kanina pa nakatitig kay Red. He was leaning against a post at kanina pa siya pasimpleng tumititig kay Red. Looking at the color of his ID's lanyard eh first year din siya gaya namin. Green kasi ang kulay ng lanyard ng mga 1st year.

I frowned a bit and kept on staring at him. Nung napansin niyang nakatitig ako sa kanya ay agad siyang tumalikod at bumaling sa phone niya.

"Weird…" I whispered.

"What?" tanong ni Red sa tabi ko.

"Wala. Kinakausap ko lang ang sarili ko," biro ko sa kanya.

Akala ko doon ko lang makikita 'yung lalaki. Pero mula nung araw na 'yun ay parati ko na siyang nakikitang nakabantay kay Red mula sa isang tabi. Kapag may practice kami o kahit nasa canteen lang eh nakabantay rin siya mula sa isang table. Minsan nga kahit pauwi na kami ay nakikita ko pa rin siyang nakabantay sa 'min.

I never told Red. Aside sa akala kong stalker lang 'yung lalaki eh ayoko nang bigyan ng alalahanin pa 'yung tao dahil kasama ng pagsikat niya ay ang pagtaas din ng expectations ng mga tao sa kanya.

But I really can't deny that the guy was creepy as hell. Nung dumating na sa point na halos araw-araw ko na siyang nakikita ay humanap na ako ng paraan para makausap siya.

At 'di nga nagtagal ay nakita ko na naman siyang nakabantay kay Red nung minsang nag-practice kami sa gym.

Kaya naman pasimple akong lumapit sa kanya. He was so absorbed in staring at Red kaya hindi na niya napansin ang paglapit ko sa kanya.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon