Red's POV
"That was some high quality acting," impressed na sabi sa 'kin ni Sei habang naglalakad kami pauwi kinahapunan.
"Impressed?" tanong ko.
"Very. I mean, you could've just simply broken their necks. Even I was faked by your action. But when I saw Kishou and his girlfriend, it was then that I finally realized your true purpose for acting as the damsel in distress," sagot ni Sei.
I just shrugged my shoulders.
"I really like the way you play, Credence," sabi pa niya.
"So that was his girlfriend…" bulong ko habang nakatitig sa kawalan.
"May balak ka ba sa kanya?" tanong ni Sei.
"Nope. Gaya ng sinabi ko dati, hindi ako nandadamay ng ibang tao. Hindi ako kagaya nila na dinamay pa ang kapatid ko. Pero kung maiipit tayo then we might resort to drastic measures," sagot ko.
"You've got a plan for them?" tanong pa niya.
"Of course. And its very simple. Dahil napakabait ng Bianca na 'yan eh dapat siya na rin mismo ang makahahanap ng rason para hiwalayan si Kishou," sabi ko.
"At paano?" tanong ni Sei.
"Me," I said simply.
Sei raised his eyebrows.
"I can still feel Kishou's longing for me. Back when I kissed him the other day-"
"What the hell?! You kissed him?!" gulat na sabi ni Sei.
"Yeah. May problema ba?" tanong ko.
Sei just glared at me. "Continue."
"Back when I kissed him, I know deep inside him that he's still longing for me. Bakit niya sasagutin ang halik ko kung wala siyang nararamdaman sa 'kin? Lust is really powerful," sabi ko.
"At 'yan ang magiging puhunan mo para sirain silang dalawa?" tanong niya.
I nodded. "Habang paisa-isa kong pinapatay ang mga kasabwat niya, paunti-unti ko rin siyang sasakalin. Unti-unti ko siyang papatayin at hindi niya malalaman na ako ang may kagagawan ng pagpapahirap sa kanya hanggang sa mga huling sandali ng buhay niya. Patience pays. Kaya kong dahan-dahanin ang mga pasakit sa kanya," sabi ko.
"And what if you fall in your own trap?" tanong ni Sei.
Tumawa na lang ako. "I won't. Matagal nang kinain ng galit ang puso ko. I don't have a heart, remember? Vengeance is my blood," matalim kong sabi.
Sei just stared at me. Bumaling na lang siya sa kalsada at hindi na nagsalita pa.
Nakarating na rin kami sa village namin.
Well, Sei and I are neighbors. Halos magkatabi lang ang bahay namin. 'Yung bahay na tinitirhan ko eh 'yung bahay na nilipatan namin nung namatay si Kuya Grey. 'Yung bahay naman ni Sei eh ang bahay kung saan siya lumaki. They have a larger, more beautiful house compared to their house in this village. Dito nga lumaki si Sei kaya may emotional attachment na siya sa bahay. Mag-isa lang siya dito dahil doon sa isang bahay nila tumutuloy ang mga magulang niya.
May mga katulong naman si Sei sa bahay nila at ilang mga bodyguards. Pero madalas pa rin siyang tumambay sa bahay namin. Madalas din kasi akong mapag-isa dito.
"So, do you want to eat dinner in our house? Ako ang magluluto ng hapunan ngayon. Wala ngayon sina Mama at Papa sa bahay," tawag ko kay Sei habang papasok na siya sa gate ng bahay nila.
"That sounds like you're inviting me for sex in your house tonight," sagot niya.
"In your dreams. I'll expect you there later. Bye," paalam ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/96202937-288-k62331.jpg)
BINABASA MO ANG
His Revenge
Roman d'amourHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...