Monday na ulit at papasok na naman kami ni kuya sa school.
"Are you sure you're fine? Mula nung Sabado ka pa mukhang nakakita ng multo. You should really rest," puna sa'kin ni kuya.
"I'm fine," I said with a sigh. "Hindi naman masama ang pakiramdam ko."
"Okay. Sabi mo eh. Pero kung sumama ang pakiramdam mo eh mag-text ka agad sa'kin. Susunduin kita sa room ninyo," sabi ni kuya.
"Opo. Salamat sa pag-aalala," sagot ko naman.
Naghiwalay na kami ni kuya pagkapasok ko ng school. Dumiretso siya sa canteen samantalang ako naman eh tumuloy na sa room namin.
Actually eh hindi pa rin ako nakaka-get-over sa nangyari sa'kin nung weekend. Hindi na nga ako nakakatulog nang maayos dahil hindi mawala-wala sa isip ko yung nangyari.
Gusto kong isipin na tulog at nananaginip lang si Kishou nung mga sandaling 'yun. Pero may ganung klase ba ng tao na ginagawa talaga nila kung ano man ang nasa panaginip nila?
At as usual eh casual lang sa'kin si Kishou. Madalas pa rin siyang mag-text o tumawag. Kahit anong gawin ko eh hindi talaga maalis sa isip ko yung ginawa niya sa tuwing nag-uusap kami.
Bigla na lang akong bumangga sa kung sino.
"Ay, sorry po. 'Di ko po sinasadya. Pasensya na po..." sabi ko naman agad doon sa nabangga ko.
I heard someone laugh a bit. I looked up and almost jumped in shock.
And yes, it was Kishou.
"Hey," he said coolly. May bitbit siyang isang box. Probably may nag-abot na naman sa kanya ng regalo.
"Hello," I said awkwardly habang inaayos yung coat ko.
"Where's Grey?" tanong niya.
"He's at the canteen. Mauna na ako. Malapit na kasi mag-time. May test pa kasi kami," paalam ko naman agad.
Kishou suddenly held my arm. This time, I literally jumped in shock.
"Hey, are you fine? You look a bit pale," sabi niya.
"I'm okay. Let me go- I mean, I have to go now. Baka nandun na si Madam sa room," sabi ko sabay bawi sa braso ko.
"I want to talk to you."
Natigilan ako.
"What?"
Kishou stared into my face before he laughed a bit.
"May multo ba? Ba't parang takot na takot ka?" tanong niya.
"No. Okay lang ako," I said as I tried to relax my face.
"You look cute with that expression, actually. Sana parati ka na lang na gulat," natatawang sabi ni Kishou.
"Ano ang sasabihin mo sa'kin?" tanong ko dahil gusto ko na talagang makaalis agad.
Binigay niya sa'kin 'yung box na bitbit niya. Alanganin ko naman 'yung tinitigan.
"What's this?" I asked him.
"Well, I asked Grey about your favorites and he said that you're addicted to chocolate chip cookies. So I made these cookies for you. Tsaka thank you-gift ko na rin 'to for the great food that you cooked during my stay in your house," he said.
I was about to react pero agad naman akong pinutol ni Kishou.
"And don't even think of not accepting this. Pinaghirapan at pinagpuyatan ko 'to para sa'yo. I hope this'll be good enough for you," sabi pa niya.

BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...