Hapon na at nakahiga ako sa bed namin ni kuya. Nakadapa ako at naglalaro sa cellphone ko. Yung dalawa naman eh nasa study table pa rin.
"Wait… I'll order pizza. Hapon na pala," sabi bigla ni kuya.
"Two boxes," I said.
"Yeah, two boxes. Gusto niyo pa ng pansit? Baka may tinda diyan si Aling Ising sa may kanto," sabi ni kuya.
"Sure," sabi naman ni Kishou.
"Alright. I'll go out now. Ikaw na lang CR ang magbayad kung mauna sa'kin yung pizza," sabi ni kuya.
"Fine. And don't call me CR," habol ko kay kuya na naglalakad na palabas ng kwarto.
Bumaling ulit ako sa phone ko. Maya-maya pa ay naramdaman kong umupo si Kishou sa gilid ng kama. Nagkunwari akong hindi yun napapansin pero umusog pa rin ako nang konti palayo sa kanya.
"So, diyan pala ang sleeping spot mo?" sabi ni Kishou.
I faced him. "Uhm, yeah."
"I see. Hindi ka naman ba nasisikipan dito sa kwarto ninyo?" tanong niya.
"This is pretty spacious, actually. Tsaka sanay naman akong kasama si kuya," sagot ko.
"Yeah, halata nga. Buti ka nga may kasama ka. Eh ako mag-isa lang ako sa bahay. Eh ang laki pa ng bahay namin. Buti na lang walang multo dun," sabi niya.
I just smiled a bit dahil wala akong maisip na maisagot sa kanya.
"Is your Mom always busy?" tanong ni Kishou.
Pinatay ko na ang phone ko at tuluyan na akong humarap sa kanya. Tinakpan ko muna ng kumot yung binti ko dahil ramdam kong kanina pa pinapadaanan ni Kishou ng titig yun.
"She's always busy. Araw-araw naman siyang pumapasok sa trabaho," sagot ko.
"Palagi rin ba siyang wala?" tanong niya.
"Well, no. Bihira lang naman siyang mawala nang matagal. It was Papa who's not usually around. He works as an engineer, you see. Kung saan ang project, doon siya," sagot ko.
"But at least you get to see him once a month…"
"Yeah, that's true."
Kishou sighed. "Buti ka pa nga nakakasama mo pa parents mo. Yung Mama ko nasa ibang bansa. And Dad… we'll matagal na siyang wala," sabi ni Kishou.
"I'm sorry to hear that…" sabi ko.
"I'm not blaming my mother for leaving me. Alam ko namang nagtatrabaho siya para sa kinabukasan ko. She promised me that she'll stay with me the moment I graduate from college. Guess I'll just have to wait…"
"So ikaw rin ang nag-aasikaso ng lahat sa bahay ninyo?" tanong ko.
"Yeah. Everything. I learned to cook to feed myself. Ako ang naglilinis ng buong bahay. Its really hard to live alone. Kung hindi lang siguro namatay si Papa eh hindi na kailangan na umalis ni Mama. Hindi rin sana ako mag-isa ngayon…"
Huminga siya nang malalim bago siya humiga sa tabi ko. He stared at the ceiling.
"I was only a kid when father died. I was nine when father was diagnosed with lung cancer. He fought for over a year. Dahil sa mahal ng treatment sa sakit niya eh halos naubos ang pera namin. I was ten when he died," sabi niya.
"Hindi naman ganun kataasan ang sweldo ng mga nurses dito sa bansa so Mama was forced to work outside the country. She was able to buy the house where I live now. Nag-high school ako sa ibang school and I was able to enter Emerald back in my second year with a scholarship dahil sa player nga ako," sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomansaHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...