HR II - Chapter 37: The Man in the Shadows

5.3K 225 11
                                    

Maaga akong nagising sa araw ng ball namin sa Emerald. Aside sa parehas kami ni Sei na pupunta sa mall dahil wala pa kaming susuutin eh magpaplano na rin kami sa gagawin namin sa sunod naming target.

Kasalukuyan akong nagluluto ng agahan nung bigla na lang na may nagsalita sa likod ko.

"Good morning."

I almost jumped in shock.

"Alin ang gusto mong unang ibuhos ko sa 'yo? Itong kumukulong tubig o itong kumukulong mantika?" tanong ko.

Gino laughed before picking an apple from the table.

"'Wag naman, Red. Kahit kailan ay hindi ko iisipin that you're capable of murder," sagot niya.

I rolled my eyes. "What do you want? Kung susulpot ka na lang nang basta-basta dito sa pamamahay ko eh ipapabaklas ko na lang 'yan na gate at pinto bilang respeto sa 'yo," I said.

He laughed again. "You never fail to amuse me," Gino said, taking a bite from his apple.

"What… do… you… want? Naintindihan mo na?" tanong ko.

Gino sighed. "Wala lang. Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkakausap. Gusto ko lang naman na mangumusta."

"I am perfectly fine, thank you very much. Now, leave," I said.

"Ayaw mo bang manatili ako dito? Baka naman pwedeng isabay mo ako diyan sa niluluto mo?" tanong niya.

"Sure. Aling parte ng katawan mo ang gusto mong isahog ko dito sa sinangag?" tanong ko.

"Red… Red… Kalma lang. Hindi ka naman mamamatay-tao para gawin 'yan 'di ba? I know you're a good boy, Red. Calm down. Baka ma-stress ka… emotionally or mentally…" he said.

"Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo, Gino Aviso Adaira. Kung wala kang sasabihin na matino sa 'kin eh umalis ka na lang!" irita kong sabi.

"Typical. Tinutulak mo na naman ako palayo, Credence Red Ejiria Guvera. Sa pagkakaalam ko eh wala akong ginawang masama sa 'yo. Naging mabait ako sa 'yo. Why are you pushing me away?" tanong niya.

I laughed. "Wala kang ginawang masama? Really? Eh nung-"

"- ni-request mo ang files ko kay Dr. Villegas? Ano ang tawag mo dun? You're welcome," sabi ni Gino.

Sumugod ako sa kanya bago ko siya tinulak sa pader.

"Ano ba talaga ang gusto mo, Gino?! Magmula nung dumating ka dito eh wala ka nang ibang ginawa kundi ang makisawsaw sa mga bagay na wala ka namang kinalaman! WHAT DO YOU WANT?!" sigaw ko sa kanya.

Gino smirked. Naramdaman ko na lang ang daliri niya na marahang bumababa sa likod ko.

"Nahuli mo na agad ang atensyon ko nung unang beses pa lang na nakita kita. You're really sexy, captivating… dangerously seductive. Nasabi ba sa 'yo ni Sei na mga kagaya mo ang tipo ko?" he asked.

Agad akong lumayo sa kanya.

"Sorry to disappoint you but you're not my type," I said.

"Bakit? Mga kagaya ba ni Sei ang tipo mo? O kagaya ni Kishou? Hindi naman ako nalalayo sa kanila 'di ba?" tanong pa ni Gino.

I stared at him, feeling disgusted. "Leave now o baka masaktan pa kita."

"Alam mo, hindi ka marunong makinig sa 'kin eh. Binigyan na kita ng magandang simula, ng isang napakagandang simula. Pero ba't parang wala ka namang ginagawa? Bulag na bulag ka na ba talaga?" sabi ni Gino.

"Nalaman ko na ang nakaraan ni Sei. Masaya ka na? Ano pa po ang gusto mong gawin ko?" tanong ko.

"Short-sighted… tch. Hay naku, Red. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sa 'yo," sabi ni Gino.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon